Blog

How To Catch A Reversal (Cheat Code For Reversal Trading)

I’m going to show you some stocks na nagreverse ang price mula sa pagkabagsak and you tell me ano ang common sa kanila.

Game?

Take a look!

Ano ang common sa kanila?

They all have the green arrows.

May green na arrow na umappear bago sila nagreverse at umakyat,

Yan ang RBR or ROB BOOKER REVERSAL na indicator.

Let me discuss with you a unique trading indicator.

Punta ka sa Tradingview Indicators at hanapin mo ang ROB BOOKER REVERSAL na indicator.

The chart will look like this:

May green at red arrow. Green arrow kapag rereverse na ang price mula baba paakyat. Red arrow kapag rereverse na ang price mula sa taas pababa.

Wala halos gumagamit nitong indicator na ito kasi hindi nila alam paano gamitin.

Let me explain it sayo para matutunan mo kung paano siya gamitin.

Reversal indicator siya.

Well, technically ay reversal indicator siya pero hindi siya gumagawa ng magic.

Tipong “Yan..magrereverse ya…oppps…yan pa isa..magrereverse yan” na parang may bolang crystal na nakakapredict ng future.

Para masimplify ay kalimutan mo muna ang Rob Booker Reversal.

Let’s use two indicators na popular.

MACD at Stochastics.

Kapag ang MACD ay nagcross sa zero line mula sa baba paakyat ay nagpapahiwatig na bullish ang price.

Kapag naman nagcross ang MACD sa zero line mula taas ay nagpapahiwatig na bearish ang price.

Sa Stochastics naman ay oversold kapag madami na ang nagbebenta which is bearish at overbought naman kapag madami na ang bumibili which is bullish.

You combine those two ideas.

Yung MACD nagcross sa zero line mula baba paakyat at yung stochastics ay overbought. Dalawang indicator na nagsasabing bullish ang price. Kapag nangyare yun ay lalabas ang Green Arrow.

Yung MACD nagcross sa zero line mula sa taas pababa at yung stochastics ay oversold. Dalawang indicator na nagsasabing bearish ang price. Kapag nangyare yun ay lalabas ang RED Arrow.

Yung green at red arrow ay basically a combination of macd and stochastics. Dalawang indicator na nagsasabi sayo na bearish or bullish ang price.

Reversal tool ito pero hindi siya stand alone. You cannot trade based on this tool alone. Ang magandang gamit ng tool na ito ay pangconviction or pang confluence.

I hope nakatulong ito.

If you are interested to learn how to trade PSE stocks ay may 15-day mentorship kami na inooffer. May free Dividend Investing, Scalping startegy, BABY 2.0 Strategy, Fibonacci at Ichimoku siyang kasama.

Madami na ang sumubok at nagtagumpay! Kuing kaya nila, kaya mo rin to! Be inspired by our students’ testimonies below: 

We will guide you kung paano magtrade at mag invest sa stock market.

We will teach you everything you need to know about stock market, charts, brokerages, strategies and more.

Mahirap ka man or mayaman.

Bata ka man or matanda.

Matalino ka man or hindi.

Deserve mong matuto magtrade sa stock market.