FOO Mania
Nasa Ranch si Don Pepot kasama si Kiko ng biglang magtanong si Kiko.
Kiko: Senyor, napapansin ko, bakit panay poopoo ng mga stocks ngayon?
Don Pepot: Ha?
Kiko: Yung Follow on offering. Bakit panay sila ganun?
Don Pepot: Ahh. Naalala mo pa ang pagpapaliwanag ko sayo ng FOO?
Kiko: Opo naman senyor.
FOO – Gandakoh’s Personal Trading Blog (gandakohtrading.com)
Don Pepot: Nakaranas kasi tayo ng Pandemic kaya kailangan ng mga company ng pera. Isang paraan para lumikom ng pera na madali ay ang pagbebenta ng shares through an FOO. Nararamdaman nila na parecover na ang bansa, marami na vaccinated at may mga pera na ang mga tao. Nabubuhay na mga business kaya marami na may mga trabaho. Lilikom sila ng pera mula sa FOO para buhayin, eh expand or eh sustain ang growth ng company/business nila. Better na way ito lumikom ng pera kesa magloan sa banks.
Kiko: Me iba pa bang dahilan?
Don Pepot: Kadalasan ay sinasabay na rin ng mga may ari ng malalaking shares ng isang company ang pagbebenta ng shares nila sa FOO. Privately-held shares are typically owned by the founders of the business or its pre-IPO investors. Kapag ang privately-held shares ay binenta through a follow-on offering, yung kita nun at dederetso sa may ari ng mga shares at hindi sa company.
Kiko: May ganun pala? Ngayon ko lang nalaman yan ah.
Kiko: Senyor, saan ko ba makikita ang mga FOO na yan kapag gusto ko makita? Sa news ko lang kasi nalalaman na may FOO pala ang isang stock.
Don Pepot: Merong listing notice na page ang PSE edge (https://edge.pse.com.ph/listingNotices/form.do)
Kiko: (pabulong) Yari na naman sila sa GC sakin. Idol na naman nila ako nito kapag nag explain ako.
Don Pepot: May sinasabe ka Kiko?
Kiko: Ah wala Senyor. Tama ba ang pagbigkas ko Senyor? Praybeytli On shirs.
Don Pepot: Mali pero pwede na.
Kiko: Yan ang gusto ko sayo Senyor eh. You supportz me!
Don Pepot: Ihanda mo na ang mga kabayo at maghohorseback riding ang Senyora mo.
Kiko: Oramismo senyor!
Abangan…
2 Comments
Erwin Leal Manuel
yari na nanaman sila sa GC -kiko xD
hahaha.salamat po mam lioness.Godbless.
William Pasamonte
Thanks Mam GK sa simple explanation. God bless po..