Blog

Ano Ang Kinaiba Ng Heikin Ashi Sa Normal Candles? (TA CORNER)

Welcome sa TA Corner!

NORMAL CANDLES VERSUS HEIKIN ASHI

Ano ba pinagkaiba nila?

Ang Heikin Ashi Chart ay galing din sa normal na candlestick charts pero pinasmooth lang. What do I mean by that?

Ang normal na candle ay may open, high, low at close na prices. Ang prices na yun ay yung totoong prices ng isang stock. Kung piso nag open ay piso ang open. Kung 1.1 pesos ang highest price sa araw na yun ay yun ang high. Kung 0.98 peso ang lowest price ay yun ang lowest price. Kung 1.05 pesos nagclose ay 1.05 pesos ang close.

Simple. Easy intindihin.

Ang heikin ashi naman ay hindi ganun. May formula ang Heikin Ashi.

  • Open: (Open of previous candle + Close of previous candle divided by 2.
  • Close: (Open + Low + Close + High) divided by 4.
  • High: the same of the actual candle
  • Low: the same of the actual candle

Di mo kailangan kabisaduhin yan. Pinapaalam ko lang sayo para mas maintindihan mo.

“MAAM ANO BA ANG PINAGKAIBA NILA?”

Simple at derektang tanong syempre dapat bigyan din natin ng simple at direktang sagot.

Sa normal na candle, kung ano ang market price ay yun din makikita mo.

Sa Heikin Ashi ay hindi. Pinasmooth siya.

Heto example:

Normal Candle: SPNEC closed at 1.73 pesos.

Heikin Ashi: SPNEC closed at 1.68 pesos.

Ang close ni SPNEC?

WHY DO TRADERS USE HEIKIN ASHI?

Una mo na itatanong ay “Kung mali ang price eh bakit ginagamit ng ibang traders ang Heikin Ashi?”

Ang gamit kasi ng Heikin Ashi ay parang moving averages. Pinapasmooth kasi nito ang price. Tipong pag umaakyat ay kita mo kasi puro green yan na paakyat na candle. Pag bumababa naman ay puro red yan.

Maspot mo agad kung saang trend papunta ang price.

Sa normal candle kasi me green at red kahit paakyat ang trend.

DAY TRADERS

Sino man na Day Traders na kilala ninyo na gumagamit ng Heikin Ashi ay pakikurot.

Di po ginagamit yan sa Day Trading kasi di same ang price na ipapakita niyan sa actual na price dahil nga may formula siya.

Take a look at SPNEC once again para makita ninyo ang sinasabi ko na smooth sa Heikin Ashi. Kitang kita ang direction.

Heto naman sa normal candles na magulo.

Heto ulit sa VLL ang Heikin Ashi. Uniform ang colors. KIta mo ang umaakyat sa bumababa.

Heto naman sa normal candles na may green at red na scattered.

I know Heikin Ashi but di ko siya ginagamit masyado kasi nga I want prices na tama.

May mga traders na gamit ang Heikin Ashi para maspot ang trend.

TA CORNER

Normally ang TA Corner ay para lang sa TDS but this week ay para muna sa lahat kasi andami na ng assignments ng TDS kaya busy sila.

If want mo mga simple at di nakikita saan man na learnings, join TDS.

Kung sawa ka na maipit or masunod sa trading, join TDS.

Kung gusto mo magkasense at may pagbabago sa trading mo, join TDS.

We have a very different approach sa stock trading. Try it. It will change your trading journey.

Looking for Pinoy Stock Trading Community? Join Traders Den!

 

Like, subscribe, and follow our social media channels. 

Shopee

Traders Den PH Official FB Page

Lioness

TD Ph Books

Thank you.

LEARN NEW STRATEGIES!

One Comment

Leave a Reply