Magaling Lang Na Traders Ang Pwedeng Magbasa Nito!Part 2.
Ganito ang plano ko.
“Uhmmm hello po”
Yes?
“Pwede po magtanong?”
Normally di ako sumasagot sa mga tanong pero sige you have 1 question. Lubuslubusin mo na.
“Nakita ko kasi na nabili ninyo sa 305 si Bogart. Nasa 350 plus siya ngayon.”
Ohh yes! Nakadalawang malupit na strategy ang nailapat ko jan at may next pa na strategy akong ilalapat na tutulak sa kanya sa 70 percent gain!
“Ok po. May maliit na tanong lang po ako.”
Alam ko na itatanong mo. Anong strategy at diskarte ginawa ko. Matic yan naman tanong ng karamihan sakin. Gusto maambunan ng galing ko.
“Ay hindi po. Iba po ang tanong ko.”
Bah..Iba pala. Ok, sige.
“Pagbili po ninyo sa 305, ano po ang ginawa ninyo na naging 350 plus ang stock.”
Nilapatan ko nga ng malupit na strategy. Di ka ba nakikinig?
“Yes po, gets ko po yun. So, paano po ninyo naitulak? DIba po para umangat ang isang stock ay kailangan may bumili sa mas mataas na presyo? Binili nyo po ba ng mas mataas?”
Hindi. Isang bilihan lang ako kaya mababa ang average ko.
“Ok po, so wala po kayo ginawa at naghintay lang din kayo na may mga ibang traders na bumili kaya umangat si Bogart”
Well, oo.
“So, pagbili po ninyo ay nag abang lang din po kayo sa mangyayare”
Well…uhmmm… ano kasi….
Sa trading kasi ganito yan…
Diba may kanya kanyang strategy? Malupit lang talaga ang sa akin.
“Yes po. I agree po na malupit ang strategy ninyo. Pero after po ninyo bili ay wala na kayo ginawa at wala din naman kayo magagawa but mag abang ng susunod na mangyayare, tama po ba?”
Tama. Pero dahil yun ang strategy ko.
“Yung mag abang po sa mangyayare kagaya ng halos lahat ng traders?”
Well… uhmmm…
Teka nga at busy ako. Marami akong ginagawa. Next time na tayo mag usap.
LESSON
Stock trading is a game of probability.
It has been. It will always be.
Lucky are those na nakikita ang trading as it is.
Those who do not see trading for what it is will forever wonder what is going on.
Kung gusto mo ng seryosohin ang trading at ready ka na magcommit na matutunan ito, we highly recommend that you take Tabula Rasa Stock Trading Course and become a Traders Den Student (TDS).
Tabula Rasa Stock Trading Course is a 6-month course designed to teach the basic of stock trading. Ito yung course na di ka makakagraduate hangga’t di ka natututong mag trade.
Here we will teach you the basic like:
How to chart?
What strategies to use in buying and selling?
Paano ang tamang approach sa trading?
Real time trading tips, diaries and blogs.
Live Trading Exercise
And much more…
We will also give you charting tasks and assignments para mas ma train kayo and maging live trade-ready.
If you think ready ka na, just complete the 5 PAMANA Trading Books either via Shopee Traders Den Student Starter Pack (5 PAMANA TRADING BOOKS) | Shopee Philippines or if OFW ka , pwedeng via this form https://forms.gle/XGtkJLVNTQwKzy3d6 and give us your name and email para ka makapagsimula.
We hope to see you onboard.
Happy Trading!
4 Comments
Marco
Si bogart ba eh kumakain ng BOPIS??…
Em
Naalala ko tuloy yung inspect element na strat hehe
Aj tamaca
Hahaha! Hyper pala kaya magaling.
Tumakbo na pagtapos gisahin ng tanong at nang malapit nang macorner c”,)
Rosell
yesyes. let the market do its way talaga mam hehe