Analysis
Say yes kapag nakakita ka na ng ganitong scenario.
May nagpost ng analysis niya tungkol sa isang stock. May nagcomment na salungat sa analysis nung nagpost. Nag away sila.
Nakakita ka na ba niyan?
“Yes!”
ANO BA ANG ISANG ANALYSIS?
According sa internet dictionary, “detailed examination of the elements or structure of something.”
Sa atin as traders, yung analysis ay personal opinion at thoughts mo sa nangyayare or mangyayare sa isang stock.
No one can predict the future. Kahit sino ay pwedeng magkamali ng analysis.
Di ko na mabilang kung ilang mga sikat at well-respected analyst ang ilang beses na nagkamali ng analysis patungkol sa mga stocks.
Kung inabot mo ang Telco Wars na year. Ito yung year kung saan may bidding sa mga companies kung sino ang magiging third telco. May globe at smart na kasi kaya third telco na ang next. I remember that time na andaming analyst yung nagsasabi na si NOW Telcom na ang magiging third telco and aangat ng todo ang stock price nito.
Sa dami ng naghahype ay umabot ang NOW sa 19 pesos plus. Ngayon nasa 1.3 pesos na lang. Well, even ang DITO which was ISM noon na nanalo as third telco eh nasa 5 pesos ang price now.
An analysis is an opinion. They can be right. They can be wrong.
Never spend a second arguing about someone else’s analysis of a certain stock.
Opinion nila yan. Ganyan nila nakikita ang isang stock.
Si market naman magdedecide kung ano mangyayare. Wala naman nakakapredict ng future.
Any analysis is an opinion. Kahit pa educated opinion yun or wise guess.
Learn to differentiate an opinion sa ability to predict the future.
Kahit nga yung COL na mismo noon ay naniwala or nag analyze na maganda ang CHP way back nasa 10 pesos pa ito. Ngayon nasa 87 cents na lang.
An analysis is an opinion. You can have one. Others can have their own too.
Market will decide kung saan pupunta ang stock or kung ano ang mangyayare sa stock price ng isang stock.
Market is supreme.