Basahin Mo At Ipasa Sa Iba!
We were thinking of some useful tips para sa members ng Traders Den na facebook group when it comes to financial literacy.
We had a tell-all interview with someone na involved sa retail.
The information you are about to read are top secret kaya basahin mo at ipasa sa kaiban mo after.
Game!
ITLOG AT MANTIKA
Have you ever wondered ba bakit mura ang itlgo, mantika at iba pang essential daily grocery sa mga grocery stores?
Di mo pansin?Well, pansinin mo kasi mura sila.
Ang dahilan sa ganito ay almost close to nothing ang tinutubo nila sa mga ganyan na products.
It’s not that they want to help you out sa gastusin. Ang idea ay ganito: Di lang naman yan ang bibilhin mo. Bibili ka niyan but di lang yan ang bibilhin mo. Less tubo sila sa primary na binibili mo pero bumabawe sila sa ibang product. Kailangan lang nila na mapapunta ka sa grocery store nila and the best way to do that is murang daily grocery needs gaya ng itlog, mantika at iba pa.
NASA DULO
Ano ang kalimitan binibili ng tao sa grocery?
Itlog, mantika, isda, gatas, baboy, at manok.
Ayun yan sa study.
Saan mo sila kadalasan makikita?
Sa pinakadulo!
Bakeeeeeet?
Para madaanan mo muna ang ibang binebenta at mas malaki ang chance na makabili ka muna bago ka dumating doon.
Lahat ng pinakamabenta at pinakaimportante ay nasa dulo.
UP-BEAT MUSIC OR SLOW?
Punta ka sa grocery. Pansinin mo ang music.
Upbeat ba or slow?
Maliban sa theme music nila ay puro slow music na ang pinapatugtog ng mga yan.
Why?
kasi according sa study kapag slow music ang naririnig ng isang tao ay bumabagal ang kanyang paglalakad.
Mabagal na lakad meaning mas makakakita ng bagay na bibilhin niya.
MISMO!
WALANG RELO!
Pansin mo sa mga bar walang relo or orasan?
Ganun din sa casino?
Saan pa kaya?
Syempre sa mga grocery stores!
Kapag di ka nakakakita ng relo ay di mo mamamalayan ang oras.
Pag di mo mamalayan ang oras ay magtatagal ka sa grocery store.
Pag tumagal ka ay mas marami ka mabibili.
MALILIIT ANG TILES!
Pansin mo ba yan? Maliliit ang tiles sa grocery stores?
Di mo pansin?
Ginawa yan para mas bumagal ang mga trolleys kasi mas madami daanan na tiles.
Mabagal ang trolleys edi mas tatagal ka sa pamimili.
Pag tumagal ka edi mas dadami mabibili mo.
SIRA ANG GULONG!
I know pansin mo ito.
Sira kadalasan ang gulong ng mga trolleys or shopping cart.
Di lang sira, minsan mabagal ang ikot.
Hahaha!Pansin mo noh?
Di yun accident!By design ang mga yan.
Para bumagal ang trolley at mas manatili ka sa grocery stores.
Mahirap eh maneuver pa yan kadalasan.
LARGE CARTS
Malalaki ang sizes ng cart sa mga grocery stores.
Small basket na mabigat dalhin versus malaking cart pero patulak tulak ka lang.
Convenient ang cart kaso ang sizes nito ay pang malakihan.
This encourages people to buy more.
HEIGHT MO?
Average Pinay height ay nasa 4 feet and 11 inches. Average Pinoy height ay nasa 5 feet four inches.
Guess what grocery stores do with this data?
Inaarrange nila ang mga paninda na yung nasa eye level mo or ng karamihan ay mga mamahalin na products.
Sample nasa aisle ka ng gatas. Yung nasa eye level mo yun ang mga mamahalin. Below and above that ay mga mura.
ANAK MO!
Pansinin mo na yung mga laru.an at chocolates nasa bandang baba yan nakalagay. Nasa eye level ng mga bata para madali nila madampot.
Para mareach ng mga bata.
Di lang yan. Sa check out counters marami din candies na intended para abutin ng kids mo.
Impulsive buyers kasi ang mga bata at kadalasan ay pinagbibigyan ng magulang anuman ang damputin.
BAKIT NASA HARAPAN ANG PRUTAS?
Di ka ba nagtataka dun?
Bawat grocery stores na mapasukan mo eh nasa harapan ang fruits?
Yung fresh at bright na kulay ay kumakalma sa tao at nagbibigay ng magandang mood.
Na siya naman dahilan para mas marami ang mabibili ng tao.
Minsan iniiba pa nila ang lighting sa fruits at iniisprayhan ng tubig para mas mag mukhang kanais-nais.
IBA ANG ENTRY AT IBA DIN ANG EXIT!
Nakalay out ang grocery stores na magkaiba ang entry at exit para masiguarado na iikot ka muna sa loob at mas malaki ang chance na bumili ka bago umexit.
NAKAKAGUTOM ANG AMOY!
Kapag pumunta ka ng grocery store na gutom ka ay magiging impulsive buyer ka.
Ayun yan sa study na yung gutom ay nagtutulak sa utak para maging impulse buyer ang isang tao.
Ano ginagawa ng mga grocery store?
Naglalagay sila ng tinapay, lechon manok or di kaya flowers sa entrance area.
Yang tatlo na yan ay may amoy na nagtitrigger ng gutom.
PASA MO ITONG BLOG TIPS SA IBA
After mo mabasa ito ay ipasa mo sa kaibigan mo baka sakaling makatulong. Para prepared sila next time na mag gogrocery sila.
Pasa mo na besh!Go na!