Blog

Ignoranteng Baguhan

Isa sa masakit na maririnig mo mula sa vets dito sa trading community ay tawagin ka na ignorante.

Truth is, most newbies are ignorant. Its not na ignorante sila dahil di nag aaral but maling information ang inaaral nila.

Let me show you what I mean.

Gawin nating example ang MA9.

Kapag nabreak ng candle ang MA9 na resistance ay buy at kapag nabreak ng candle ang MA9 na support ay sell.

Tama yan.

But…..

Being presented with real-life scenarios na after mo bili ay bumabagsak ang price or after mo benta ay umaakyat yung price, a newbie gets confused.

“So, MA9 don’t work?”

Yung MA9 ay example lang. The same goes sa MA20 or MA50 or MA100 or MA200.

DI lang yan sa MA. It can be earnings report na positive.

Positive earnings pero bagsak ang stock.

Negative earnings pero umangat ang stock.

Ke fundamentals man or technicals ay ganyan.

Pretty much sa lahat ng aspect ng trading ay ganyan.

“So, nothing works?”

Nope.

Dito yung sinasabeng ignorance ng most newbies.

Trading is a game of probabaility.

Nothing works all the time.

Kahit ano pa yan.

Nothing works all the time kasi marami ang traders at investors and may kanya-kanya silang reason sa buy and sell action nila.

Balikan natin ang MA9 since yun ang example.

If you use MA9, understand na you are betting. Tumataya ka.

Yung price may or may not respect MA9.

Ang trabaho ni MA9 ay ipakita ang average ng price sa loob ng 9 days.

Di niya trabaho magbigay sayo ng perfect buy and sell signals.

Parang yung driver ng jeep eh inaasahan mo magdrive ng eroplano.

Gusto mo si MA9 magbigay ng perfect trade. Gusto mo siya maging susi mo sa pagyaman.

That’s being ignorant!

Same sa averaging down or peso cost average na tinatawag.

Minsan nagwowork. Minsan hindi.

You cannot ask peso cost averaging na payamanin ka.

Lahat ng tao sa stock market ay nagbebet lang.

Walang may certainty jan kasi nga di napipredict ang future.

Yan ang main reason bakit kailangan mo ng “option” lagi sakaling iba ang ginawa ng market kesa doon sa inaasahan mo.

Nag entry ka sa MA9 tapos biglang nagkaroon ng sell signal.

So, MA9 does not work?

Nope. Your bet or analysis ang di umayon sa gusto or result ng market.

Ano ba ang maganda?

Well, come join us sa June 25-26 sa Extreme Technical Analysis Workshop namin and marami kang matututunan especially sa mga misconceptions about stock market.

Register here: https://forms.gle/2JaAURooLVCqkSC17

Leave a Reply