Blog

Hindi Ka Po Stock Trader!

Panget ang market!

“Stay on cash muna.”

So, kapag panget ang market ay stay on cash at bumalik lang kapag maganda na ang market?

So, you’re a trader lang kapag maganda ang market then?

You also have those na “virtual/demo trade muna habang bear market.”

I think you are missing the point of this whole bull and bear market.

If you stay in cash during bad market condition wala kang matututunan.

Sa bear market ka dapat matuto.

Ang funny kasi instead magkaroon ng system ay umiiwas kadalasan ang karamihan.

Ang trading system mo ay di ka dapat binibigyan ng buy signal kapag walang maayos na stock at kung mabigyan ka man ay dapat may sell signal ka agad once nagsimula na pumanget ang trade mo.

You do not trade dahil walang buy signal mula sa system or stratgey mo.

You don’t just stay on cash dahil sa takot.

Takot sa losses ba iniiwas mo?

Wala bang losses sa magandang market or bull market?

Maraming traders iniexaggerate ang recession.

“Oh 55 na ang isang dollar” like yung ibang currency sa ibang bansa eh sobrang lakas at tayo lang ang humina.

“Grabe ang inflation. Ang mahal na ng gasolina.”

If di ka nagreresearch ay iisipin mo na sa Pilipinas lang ito nangyayare.

Mas malala pa nga sa ibang bansa honestly.

Refer here:

https://economictimes.indiatimes.com/news/international/world-news/bankrupt-sri-lanka-runs-out-of-fuel/articleshow/92460686.cms

PANDEMIC

Kakagaling lang natin sa Pandemic or at least we are over sa worse part ng Pandemic.

Remember mo ang Pandemic?

Sa dami ng ginastos ng government doon at sa dami ng nawalan ng work syempre mahihirapan pa bumangon ang bansa natin.

Anybody thinking na after one month eh magiging okay na lahat is insane. Anybody thinking na meron skip button ang phase na dadaanan after Pandemic is insane.

We talk about world war 1 and world war 2 na nasurvive ng stock market.

That is viewing it sa bigger picture.

After ng mga war ay may phase kung saan bagsak ang world economy until bumangon ulit.

Pansinin mo sa bansa natin. Wala pang bayan or city na bumalik sa normal.

May facemasks pa rin sa bawat public places.

Tuloy pa rin ang vaccinations.

By and by mawawala yan. By and by yung mga restrictions including face masks mawawala din.

New businesses will be born. Old businesses na nagsurvive will go back sa normal levels nila.

Magkakaroon ng trabaho ulit ang mga mamamayan na anwalan ng trabaho.

Babangon ulit ang economy.

That is bound to happen eventually.

TRADERS

If inaakala mo na babalik ka lang pag ok na ang market at kikita ka by that time then I’m here to tell you na nagkakamali ka sa inaakala mo.

May losses sa panget na market. May losses din sa maganda na market.

Losses are inevitable.

Part yan ng trading.

If you run away now. You are not running away from losses.

You are running away from experience.

And one day kapag bumalik ka na sa market kung saan akala mo maayos na lahat at makipagtrade ka against sa taong nasurvive ang panget na market nakupo.

They will beat you badly.

Noong wala pa akong trading system ay di ko maintindihan ang sinasabe sakin ng mga veterans dati na “a good exit looks like an entry.”

Ulitin ko.

A GOOD EXIT LOOKS LIKE AN ENTRY.

Let me show you how it looks sa chart. Let me use converge as an example.

Yung mga traders na walang system or strategy ay ginawang entry or inisip na magandang entry ang mga levels na ito.

Our exit is their entry.

I can guarantee you na marami pa rin sa ngayon hawak hawak yan na stock ngayon kahit pa anlaki na ng mga losses nila.

You can run and hide now or digest the experience the market is giving you.

You can be a stock trader or you can be a magandang-market-trader-only!

If free ka sa June 30 ay pwede ka sumubok sa Fundamental Independence 2.0 namin na event. You will learn things na makakapagpabago ng buhay mo pagdating sa investments.

Palagi mo naririnig yung linya na “let money work for you” pero ang ending eh may ooffer sayo na product or schemes. Try mo sa June 30 at malalaman mo ang tunay na “let money work for you” without buying a product or a scheme.

Life changing yun.

Take a look at what people say about it.

Mas mahal pa yung tambay mo sa starbucks kesa sa event na ito.

Cheap but priceless.

Avail it here: https://forms.gle/MzVNybiLPATTUZM58

Leave a Reply