Blog

Bakit Di Ka Magsusurvive Sa Trading?

When you start trading as a newbie sa market ay iisipin mo na its all about either TA or FA.

Yun lang talaga ang para sayo mahalaga.

Either gumaling ka sa chart at tawagin ang sarili mo na technician or gumaling ka sa numbers at tawagin ang sarili mo na Fundamentalist.

Maraming gumaling sa FA na either ipit ngayon or wala na sa trading ngayon.

Maraming gumaling sa TA na either ipit ngayon or wala na sa trading ngayon.

Let me show you the chart of PSEI.

Ano napapansin mo?

Wala? Let me point you sa direction na gusto ko tingnan mo.

May mga times na grabe bumagsak si market.

Your TA or FA would give you analysis na pwede mong gamitin sa pagdecide bumili or magbenta.

That won’t get you through rough times sa market.

Your support system will help you survive the market.

Yes, mahalaga ang support system. Kapag trader ka ay dapat may support system ka be it your family, friends or mentors.

If aatras ka at titingnan mo ang market ay wala naman halos bagong ganap. Nasa Range lang tayo.

Akyat baba ang galaw ni market pero if wala kang support system na mag eencourage sayo at magseserve na positive voices ay sobrang hirap mag move past these times.

Pula ang port mo kahapon tapos ngayon lalo pang bumagsak si market.

Fear, sadness, self-doubt at iba pang negative emotions ay naghahalo-halo.

Dagdag mo pa yung mga doomsayers at mga taong nanakot about trading.

Sa TDS at TDSI ay steady lang kami.

We don’t get too excited sa pag angat ng market or too fearful sa pagbagsak nito.

We have a very good support system and those support systems are not just words but galing din mismo sa mga loss recovery stories ng bawat isa.

If nais mong tumagal sa trading ay dapat makahanap ka ng mga trading buddies na aalalay at susuporta sayo especially kapag panget ang market.

If not ay lagi kang masistressed at magkakaroon ng huge effect sa mental health mo ang trading na mas pipiliin mo na lang magquit.

More than 90 percent quit sa profession na ito.

Leave a Reply