Newbie: Diba Dapat Sinusupport Ng Company Ang Sariling Stock Nila Kapag Bumabagsak Ito?
May nag email samin.
Interesting ang tanong niya kasi I think maraming newbies ang ganito mag-isip sa stock market.
Bago tayo magpatuloy ay let me show you muna how I’m doing sa trading as of today.
I’m currently sitting on a 3.6 Million pesos profit.
Galing yan sa sarili kong trade. Walang hype. Walang may nagreco.
Sariling trade lang gamit ang tamang trading approach.
Balik tayo sa topic.
“Diba dapat sinusupport ng company ang sarili nilang stock kapag bumaba ito?”
Well, yes and no.
Yes kapag wala na sila ibang maisip pag gamitan ng pera nila.
Most newbies think of “buy-back” as something na good kasi parang sinusupport ng company ang sarili nilang stock.
Yan ang nakikita ng newbies pero yung mas may experience na at mas may alam ay iba naman ang nakikita.
Bakit ka gagastos sa pagbuback kung pwede mo naman gamitin ang pera sa expansions, new projects or products.
The whole “support their stock” idea is a little weird kasi hindi naman ganyan ang reason bakit pumapasok ang isang company sa market or bakit nagpapalist.
Kumukuha sila ng capital. Yan ang main goal nila sa pagpapalist sa stock market.
Sa ibang stock ay isang beses lang ito. Once lang sila kukuha ng capital.
Mag IPO sila and thats it.
Most ay paulit-ulit yan.
They will use FOO, SRO at iba pang ways magbenta ng shares to get capital.
Kadalasan ng mga companies na concerned sa stock price nila ay dahil yan sa idea na one day ay kukuha sila ulit ng pera sa market through share offerings.
Diba may “buy-back program” yung ilan na mga stock.
Ang magandang itanong mo ay kung ano ang balaki nilang gawin sa mga shares na nabuy-back nila.
Do not be surprised if most stocks ay hinahayaan lang ang stock price nila.
They are focused on their business as a good company should.