Blog

$DITO: Galit Na Galit Gustong Manakit!

Kakapublish ko lang ng blog kahapon na walang buy signal.

Wala pang isang oras ay nagpakita na ng buy signal sa BABY Stratgey 2.0 kay DITO.

Now, let me share a valuable lesson sa inyo.

You can use this kapag sa tingin ninyo great lesson siya at pwede naman ninyong itapon kapag di nyo feel.

Here it goes.

You are trading stock codes. Do not take it personal.

What do I mean?

Kapag trader ka ay wala ka dapat stand sa mga stocks.

Walang panget o maganda na stocks.

“Ayoko ka kay DITO kasi galit ako sa kanya.”

“Ayaw ko sa SCC kasi nakakabwisit siya.”

Maraming ganyan na traders. Wag mong tularan.

As long pasok sa gamit mo na strategy at parameters ay itrade mo.

Wag kang bumuo ng opinion.

You are here to trade.

Kapag may opportunity kang kumita ng pera ay pumera ka.

Only fools remain a basher of DITO kapag may opportunity kumita kay DITO.

Only fools remain a basher of BSC or FCG or SCC kapag may opportunity kumita sa kanila.

Never hate or love a stock. They are just stock codes. Mga tools lang yan sila para makatrade ka.

Congrats kung kumita ka kay DITO.

Wala akong DITO. Di rin ako naiinggit sa mga meron.

Also kapag may nakita kang mga linyahan na “sakay na kay DITO” or “Lilipad na ito” or “bili na habang mura pa” at kung ano-anu pang uri ng panghahype ay iwasan mo na agad.

Emotional traders ang mga yan.

Yung panay hype kay DITO ay as worse lang din yan sila sa mga nagbabash.

Learn maging objective sa trades mo.

Respect your exits.

Yung mga Baby 2.0 Strategy users ay tahimik lang na sumasakay sa mga stocks.

They will ride it as long na umaakyat pero the minute na magbigay ng sell signal yan ay matic eexit ang mga yan.

Walang pake kay DITO. Walang love kay DITO.

Walang drama.

Pera lang ang habol sa trade.

Umabot na sa 5 Million pesos gain ang isang port ko sa global market.

Sariling trades. Walang may nagreco. Walang may naghype.

Product lahat ng proper trading approach.

Learn to approach trading properly at gaganda ang performance mo.