Mid-Trade Magic!
Naranasan mo na ba magwatchlist ng mga stocks na bibilhin mo.
Nakapili ka ng stock sa watchlist mo at binili mo siya.
Tama ang entry mo. Tama ang risk management mo.
The next day ay bumagsak ng konti ang hawak mo while almost all of the other stock na hindi mo napili sa watchlist mo ay umakyat.
Majority ng stock that day ay green while yung sayo lang ang red.
You tried hard na magstick sa plan mo pero panay pa din akyat ng ibang stock then you finally gave in.
“Ahh bahala na. Lipat na lang ako sa iba.”
Binenta mo ang hawak mo at binili mo ang mga maiingay na stocks sa trading community.
Mula sa price na pinagbilhan mo ay umakyat siya kaya tuwang-tuwa ka sa decision mo na iwan ang unang trade mo.
An hour later ay bumagsak ang maingay na stock.
Ang laki na ng loss mo.
Natauhan ka.
“Bakit ko ba binenta at nilipat dito ang pera ko?”
“What was i thinking???”
Its too late kasi malaki na loss mo. You cut your losses and promised na di mo na uulitin yun which few weeks later ay naulit na naman ulit.
Nakakarelate ka ba?
This is a pretty common experience sa trading.
Halos lahat nakakaranas ng ganito.
I call this event mid-trade magic.
Para maiwasan ito ay ugaliin mong gumawa ng plan bago pumasok sa isang trade.
Once nasa loob ka na ng trade na yun ay iwasan mong sumilip sa ibang stock or sa mga maiingay na trading communities.
Yung nagpapa mid-trade magic sa traders ay kadalasan FOMO.
NafoFOMO sa mga umaakyat na stocks kaya naiisipang iwan ang hawak at tumalon sa mga mas maaksyon only to lose more sa end.
Lahat ng gusto mong gawin or changes ay gawin mo before pumasok sa isang trade.
The moment na nasa loob ka na ay wala ka nang dapat pang gawin unless maexit mo ang trade na yun either via cutloss or proper exit.
Make that part of your rule or checklist.
Join our growing community in Facebook- Traders Den Ph | Facebook
VISIT US ON SHOPEE NOW!
👇👇👇👇👇
OFFICIAL SHOPEE STORE