Yung sinusupport ka dahil may nakukuha sayo at meron din naman na sinusupport ka dahil naniniwala at nagmamahal sayo.
I never knew yung kinaibahan neto last year. Akala ko most supported me sa Free Learning Advocacy ko kasi they too believe on it.
I found this out the hard way nung marami problema kinaharap ang TD.
Maraming “supporters” noon ang naglaho na parang bula when they thought wala na sila makukuha sa akin at sa TD.
All of them started with “yes we believe sa advocacy mo and we want to help and support.”
That was an amazing experience though, kasi it taught me some valuable lessons.
I was pushing really hard for free learning yet sobrang dami ng obstacles. Meron mga tao na nakiride sa advocacy ko pero iba yung pakay.
I learned a lot sa iba’t ibang dealings na dinaanan ko.
Same padin advocacy ko. Same prinsipyo but iba lang yung paraan.
Instead manghingi ako donation para maitaguyod yung advocacy I did what I do best which is put in hardwork. I went out and write books. These books were special. I gave everything I had sa kanila. Ito yung mga books na di mo lang want but magiging need mo siya. Ipapamana mo ito sa kids mo.
I would like to take this opportunity na rin na humingi ng sorry sa lahat ng sumusupport sa akin at sa TD ng tunay. Yung mga since day one naniwala. It took me a while to realize na I should pay zero attention to those who don’t support me and focus only to those who do.
Pasensiya na kayo. I will only focus on you from now on.
If napapansin mo wala na kayo naririnig sakin halos na nega. Im just going to grind and focus sa inyo.
Now lets go back sa free learning.
Dami nakiride sa advocacy ko na yun but dahio di naman nila talaga pakay yun kaya di rin tumatagal. Ako, I can stay up to 18 hours doing blogs and lessons dito sa TD dahil passion ko yun. I enjoy doing it. Isipin nyo na lang yung books. Apat yun. Yung iba 1 book per year ako apat in few months. That means I work harder. I really want kasi something na would help you sa trading journey ninyo.
Me mga nagcocomment minsan na namiss nila yung TL. Yung truth is hindi TL ang namiss nila but yung free na nakukuha nila from TL noon.
Magandang sukatan din yung book kasi dito ko nakikita sino yung want ako at yung TD dahil sa mga nakukuha at kung sino yung ke up man or down eh nandyan nakasupport.
Sa lahat ng makakakuha ng complete sets ng book as my show of gratitude at para na rin sa free learning advocacy. Lahat kayo na bumili ng 4 books will receive TABULA RASA.
Ito ay investing/trading course na ginawa ko.
Yung unang tabula rasa app, most ng laman nun galing sa free ng zerodha. This time ako na talaga me gawa.
I asked help sa mga real-life teachers at course-makers. I hired them to help me develop a course.
I can say na isa ito sa pinakamalupit na course about trading/investing na mahagawakan ninyo.
Walang gagraduate sa course na ito unless kumita na talaga in real life sa trades.
Ang Tabula Rasa ay papaprint ko into a book at isasabay ko send sa mga orders ninyo once you completed 4 books. I paid sa copyright neto. I paid sa printing. Dito ko bubuhos mga kita ng books.
Magandang course ito kasi may mga exams sa book. Meron bibigyan ka ng income at outstanding shares then papahanap sayo EPS.
Meron bibigyan ka ng chart then may multiple choices kung saan ang proper entry. Basta ang ganda.
Need mo yung 4 books para me maisagot ka sa mga tanong sa course.
Makakagraduate ka lang if you gained sa number ng trades specified. If nareach mo yun me instructions dun ano gagawin mo. Sesend mo sa email lahat result ng trades then if naverify we will provide you with a certificate na graduate ka na.
So yan. Tabula Rasa is for you as a sign of my gratitude sa support ninyo.
Marami pa kami plans para sa TD Family to push yung learnings. Iinvite kmi analysts at speakers. Yung youtube channel uupload kami more learning vids. Weekly may live charting. May weekly lessons dito. May blog ako.
Noon di namin magawa lahat kasi kapos sa funds but dahil you supported my books I’m now able to give you more.
Wala akong weekends. Wala akong holidays. I’m doing everything I can para makatulong sa journey ninyo sa stock market.
Salamat sa support. You took care of me. I will take good care of you all. Thank you.