Blog

Carl Justine: Three Cardinal Rules

Three Cardinal Rules in Trading

Hello, ako ulit to si CARL.

Ano nga ba itong tatlong rules na ito at papaano ko ito inapply sa aking sarili.

Rule #1 BUY AT EOD

EOD means end of the day, unang sabak ko sa GUT ndi ko alam ibig sabihin nung eod, yun pala ay end of the day sempre pra sa oras nang stock market ang tinutukoy dun.

Buy at EOD, bakit nga ba eod lang tayo bbili, maraming dahilan yan kase sa EOD dito natin makikita ang last price nang isang stocks at dito rin natin makukuha ang tamang pag kuha nang risk. Risk kung saan eto yung kaya nating isugal na kpag hindi samang ayon sa atin yung napili natin alam natin kung san tayo mag eexit.

Isa pang dahilan bakit EOD lang titingin kapag bibili nang stocks, para hindi tayo ma over trade yung feeling na dapat palagi tayong may hawak na stocks, na dpat may binibili tayo palagi para belong tayo sa stock market world hahaha nakaka addict diba.

So itong BUY AT EOD dito nagsimula mag bago yung trading habits ko, simple lang after ko mag scan nang stocks at maisaved ang Watchlist then I set an alarm sa CP, next make a hobby, anything gawin mo, nuod YT read mga blogs watch movies or anime/manga, in short nililibang ko sarili ko pra maalis ko yung bad habit na over-trading.

Rule #2 NEVEL LOOKED BACK

Tinuro din samin to ni Ma’am lioness pra maayos yung psych namin kpag nag titrade.

Bakit nga ba huwag titignan ulit after maibenta yung hawak natin na stocks, dalawa kasi epekto nyan una mag sisisi ka at pangalawa feeling genius ka. Paano ko to nasabi well by my experience at sure ako kayo din hahaha

Teka explain ko lang yung epekto, bakit ka mag sisisi? Kasi kung kylan mo naibenta saka ito lumipad at nag ceiling pa. Next bakit feeling mo genius ka? vice versa lang nung isa after mo maibenta bigla naman itong bumagsak at nag flooring pa hahaha  taas kamay dyan wag mahihiya.

So itong rule #2 na to isa sa hobby ko nuon na hirap alisin. Well paano koba ito naiwasan at naalis sa system ko. Una right after ko maibenta inaalis kona sa watchlist ko yan next naman kapag wala na akong hawak na ibang stocks matik close CP, PC, laptop or logout account sa stock, basta iwas agad ako sa stock market once na nag exit ako at babalik nalang ulit kpag EOD if may bibilhin ulit.

Last Rule #3 NO HYPE/FOMO/OPINION

Nung diniscuss samin to ni ma’am ito yung isa sa nakakasira nang psych namin bilang isang trader, kasi dito makikita na wala kang sariling trading system.

No Hype/fomo or opinion? Meaning nyan nag papaapekto ka sa insights nung iba sa stocks na yun at na fofomo kana. Kaya ikaw naman bibili ka pero hindi mo alam kaya nila hinahype yun ay para may bumili nang hawak nila tapos ikaw maiipit na sa tuktok. ganun ginagawa nung mga hyper na yan.

So advise ko sa mga katulad ko na beginners sa stock market umalis kayo sa group na puro hype lang alam gawin at wag kayo makikinig or mag papauto sa word na lilipad na yan or etc, just do your assignment and make sure you follow your trading system.

TD PAMANA TRADING BOOKS

Get these books by fill out our google registration form here:   https://forms.gle/XGtkJLVNTQwKzy3d6

Our advocacy is FREE Education for Filipinos who are willing to learn stock trading/investing. We offer free Technical/Fundamental Analysis and Market Psychology learning materials. 

If you want to learn more about stock trading join our Facebook Group  Traders Den PH

Inside Traders Den PH  are the following: Weekly Lessons, Healthy Discussions about strategies, experiences, and lessons about stock trading. Trading strategies like MAMA, FISHBALLPAPACALMA, and fun games too. For video guide you can watch our videos in Traders Den PH Youtube Channel 

We want to offer OFW’s, Employees, and all Filipinos a chance to learn without paying a cent.  This is our way of giving back to the community.

Want to support our ADVOCACY? Click HERE

Leave a Reply