A Lesson You Do Not Want To Learn
Take a look at this picture.
Balikan natin yan mamaya.
ALLDAY
Nag IPO ang ALLDAY selling 7.5 billion shares, including the overallotment option of 685.7 million shares.
0.60 ang IPO at nagclose ito kahapon sa 0.90 which is 50 percent up sa IPO price.
450 Million lang ang volume nito kahapon.
Today nag opensa 1.10 at nagclose sa 0.74 with 3.11 Billion pesos as traded value.
Yes! 3.11 Billion.
Para mas mapicture mo how insane that is, heto ang picture.
7.5 Billion lang halos ang kabuuang traded value ng lahat ng stocks today at 3.11 Billion doon ay ALLDAY.
Hahaha.
0.87 ang average price ng ALLDAY.
Nagclose ito sa 0.74 so clear na maraming ipit.
Again, look at this picture.
Then look at this picture.
Kapag may loss ka na 30 percent ay kailangan mo ng 42.9 percent para lang makabreak even.
5 OUTCOME
Sa stock market ay may limang outcome lang.
- Small gain
- Big gain
- Breakeven
- Small loss
- Big loss
Sa lima na yan, isa lang ang dapat mo iwasan. Yun ay HUGE LOSS.
Kahit pa may 9 trades ka na panalo.
Kahit pa 90 percent ang winning rate mo.
Isang loss lang na malaki ay talo ka pa rin overall and baka mawipe out ka pa.
PEOPLE ARE TOO FOCUSED SA REWARD
The only time na makakaisip ang isang trader ng risk ay kapag huli na ang lahat at talo na ito.
“Tsk!dapat pala..”
“Tsk…Sana”
I know some people pa nga na nagloloan or umuutang para itaya sa stocks.
Siguro narinig sa kaibigan na ganito:
“grabe tol! Easy money. Isang araw lang pang isang taon ko na sahod kinita ko.”
“50% gain sa isang araw.”
CYCLE LANG ANG CEILING PLAYS
Alam mo ba na lagi may mga nagceceiling sa stock market?
Sa loob ng isang taon ang dami. Noon MM ang nagceiling. Before nun ay MAH at EURO.
Wala pang taon na walang me nagceiling. Nagpapalit lang ng stock code.
Opportunities are always there. Ang problema lang ay dahil sa losses na malaki ng ibang traders ay di na sila umaabot sa mga iba pang ceiling plays or huge gains kasi either kulong sila sa isang stock or totally nawipe out na sila.
GENIUS
Yung moment na naisip mo kahapon na…
“Nagceiling si ALLDAY ngayon. Bukas ceiling din to malamang. Makataya nga!”
Yung moment na naisip mo yan ay same moment din na naisip ng karamihan yan.
Same na iniisip mo maiisahan mo sila ay same din iniisip nila na maiisahan ka nila.
95%
Ito ang isang example bakit 95% ng traders ay naiipit at nasusunog.
Hindi nila iniisip ang risk. Yung nakikita lang nila ay reward.
This will keep happening. Hype, FOMO, ipit, revenge trade. On and on and on.
Paulit ulit lang until dumating makarating sa point na marerealize ng isang trader na wala siyang progress at improvement sa trading journey nito.
Pag yan na point ay na reach mo na. Come join us.