Blog

ANATOMY OF A BREAKOUT

Let’s discuss breakout.

Ano ba ang breakout na yan? Paano ba nangyayare yan? Bakit may successful breakout tapos may failed breakout?

What Is A Breakout

Breakout is a technical term. Term yan mula sa technical analysis.

May naset ka na level or indicator tapos nabasag ng price yung level na yun or indicator na yun. Yan ang tinatawag na breakout.

Vague ba?

Sige idaan natin sa chart.

Fixed or static na breakout.

May support at resistance. Ginawa ko na lang box para madali iplot. Yung sa taas ng box ay resistance zone or resistance level. Yung sa baba ng box ay support level.

Mula May 2023 to Feb 2024 ay akyat baba lang yung price ni BEL mula support to resistance and vice versa. Sideways na galaw ng price.

Nung March ay biglang umangat ang price ni BEL. Nabasag niya ang resistance.

Why? Hayaan mo na ang reason why. Most pilit inaalam ang why para informed sila. Hayaan mo muna ang why para mas maintindihan mo ang breakout.

Nabasag niya ang resistance kaya breakout.

Yan ay isang example ng breakout.

Dagdagan pa natin ang example.

Mula April 2023 papuntang June ay akyat baba lang ang price ni ACEN sa support at resistance. By middle ng June ay nabasag ang support. bumagsak ang price ni ACEN below support. Breakout ang tawag diyan.

Breakout ang tawag sa mga pagbasag sa levels gaya ng support at resistance.

Sa Pilipinas para magkaroon ng distinction ay tinatawag natin breakout ang pagbasag ng resistance meaning umaakyat ang price at breakdown ang pagbasag ng support meaning bumabagsak ang price.

Lets use simple moving average naman para dynamic na indicator. Dynamic in the sense na linya siya at hindi fixed. Nagbabago at gumagalaw. Dynamic breakout.

Establish muna natin mga basics. Malamang alam mo na ito but daanan na lang din natin.

Kapag ang candle/price nasa taas ng line ay nag-aact yung line as support.

Kapag yung candle/price nasa baba ng line ay nag-aact yung line as resistance.

Breakout happens kapag nabreak ng price ang MA acting as resistance.

Breakdown happens kapag nabreak ng price ang MA acting as support.

Nilagyan natin ng MA9 or simple moving average 9 ang chart ni ABA at nakita natin na nabreak ng candle/price ang MA9 acting as resistance sa 0.85 peso.

Nabreak naman ng candle/price ang MA9 acting as resistance sa 1.07 pesos.

Let’s try Fibonacci retracement.

Kapag downtrend ay hanapin mo ang high at ang low ng trend then plot Fibo Retracementt tool mula high down to low.

Click mo ang extend to the right sa settings para mag-extend ang lines ng Fibo Retracement tool mo sa chart.

As you can see nung nilapatan ng Fibonacci Retracement tool ang chart ni AP ay nakita mo ang mga breakdowns sa levels.

Kapag uptrend naman ay hanapin mo pa din ang low at high ng trend pero ang paglapat mo ng Fibonacci Retracement ay mula na sa low to high.

As you can see sa chart ni BLOOM ay may mga breakout na nangyare.

What Really Is A Breakout?

A breakout is a term we use when prices break certain lines, levels or zones we have identified or set.

Dependent ang breakout sa tool na gamit mo.

Why IS Breakout Important?

Bakit nga ba? Ano ba meron sa breakout na parang huge deal ito sa mga traders?

Hihimayin natin yan sa next blog.

Learn how to trade forex, crypto, US stock market or Philippine stock market properly with us.

Avail it here:
https://bit.ly/47MQjLM

Heto ang result ng mga dating nagjoin.

(https://blogs.tradersdenph.com/kikita-ka-ba-talaga-kapag-sumali-ka-sa-tdsi-mentorship/)

(https://blogs.tradersdenph.com/tdsi-mentorship-resultskumita-nga-ba-ang-mga-nag-avail/)

Heto ang interviews ng mga nakagraduate na.

DO NOT MISS OUT!

You deserve to at least try!

Proper trading approach made it possible for us to earn these:

Trading is risky and dangerous kapag mali ang approach mo but rewarding ito ng sobra kapag tama ang approach mo.

You can succeed in trading at pwede ka naman din magfail but at least you had the opportunity to at least try.

You deserve that chance to try.

Try it now! REGISTER HERE: https://forms.gle/3YnEJZNjzcHguEDP7

 

Visit our social media channels!

For more trading materials, visit our official website here:  Home – Traders Den PH 

For trading books, visit our Official Shopee store

To join our growing community, visit our Facebook Group TRADERS DEN PH FACEBOOK GROUP