ANATOMY OF A BREAKOUT: Candle Formation
We talked about volume sa last blog.
Ngayon naman ay pag-usapan natin ang isang topic na juicy din.
Ano ang relationship ng candle sa breakout.
Aling candle meron ang successful breakout at aling candle meron ang mga failed na breakouts.
Lets say may isang successful breakout.
Let us use yung chart ni RCI.
Nakita mo nagbreakout si RCI.
Nakita mo yung candle ay Marubozu.
Ano ang conclusion mo sa ganitong picture?
Nagbreakout, may good volume tapos marubozu pa ang candle.
Magsusuccessful breakout diba?
Lets talk about marubozu candle muna.
Maraming uri ng marubozu candle. Merong walang wick, merong may wick sa taas at merong may wick sa baba. Ang marubozu ay uri ng candle na may mahabang body. Para makagawa ng mahabang body ay kailangan merong significant na price increase or price decrease na mangyayare.
Yan ang main point ng marubozu. May significant price increase kapag bullish at significant price decrease kapag bearish.
Kapag ba marubozu ang candle sa breakout ay magsusuccessful breakout ito?
Kung RCI na chart ang titingnan mo ay YES ang sagot.
Kung chart naman ni APEX ang titingnan mo ay no ang sagot.
Nagmamatter ba ang candle sa breakout?
When you start to learn candlestick patterns ay magkakaroon ka talaga ng bias.
You will start to see a lot of patterns na previously ay hindi mo naman nakikita.
More often than not ay nakakalimutan ng trader na price ang gumagawa ng hugis sa mga candle.
Result ng price movement ang candle at hindi other way around.
Bakit ko nasabi yung “other way around?”
Yan kasi ang candlestick pattern.
It is being used as a tool to predict what the price will do.
Kabaliktaran ng idea na ang candle ay nabubuo dahil sa galaw na ginawa ng price.
Mula 1 peso umakyat sa 1.5 pesos. Anong candle ang mafoform?
Marubozu.
Paano titingnan ng trader ito?
“Marubozu ang candle kaya aakyat ito panigurado.”
Kapag tinanong mo bakit niya nasabi yun ang isasagot sayo ay “bullish candle kasi ang marubozu” like that is supposed to explain or justify yung “paniguradong pag-akyat” ng price.
I made a book about candlestick patterns. Nasa shopee at National Bookstore.
Maganda ang mga yun kasi hindi siya yung typical na book about candlestick patterns.
Kung nais mong maliwanagan about patterns ay bilhin mo yun.
I had to warn you lang na baka magbago point of view mo about candles and patterns after reading that book.
Price movement ang gumagawa ng candle.
Hindi dapat nagmamatter kung anong hugis meron ang candle sa breakout.
Let me use another analogy para mas tumatak.
Lets say sumali si Usain Bolt sa 100-meter dash sa Olympics.
Ang suot niya sa sapatos ay Nike na color purple.
Nagstart ang race at nanalo siya.
Gold medal para kay Usain Bolt.
Hindi mahalaga sayo ang itinakbo ni Usain Bolt. Ikaw na observer ay nakatingin ka sa sapatos ni Usain Bolt.
“Color purple na Nike ang suot niya meaning kapag ang isang runner ay may suot na purple Nike shoes ay mananalo siya.”
“Nike purple shoes ang hahanapin ko. Yan ang key.”
Ridiculous diba?
Ganyan ka din tumingin sa relationship ng candle at breakout.
Meron pa nga sinusukat ang candle na nagbreakout.
Kapag more than 50 percent ay malaki daw chance tumuloy akyat ang price.
Kapag less than 50 percent ay malaki chance na hindi magiging successful breakout.
Hahaha.
Baka atakehin ka sa puso kapag may nakita kang nagbreakout at nag-uptrend na puno ng bearish marubozu candles.
Hindi predictor ang uri, hugis or kulay ng isang candle.
It will not tell you real-time kung magiging successful ba or failed ang breakout.
Wala sa volume? Wala sa candlestick? Paano mo ngayon malalaman kung magiging successful or failed ang isang breakout? How are you supposed to trade a breakout?
Lets find out sa susunod na blog.
Kung nais mong matuto magtrade ng tama ay come and join us.
Learn how to trade forex, crypto, US stock market or Philippine stock market properly with us.
Avail it here:
https://bit.ly/47MQjLM
Heto ang result ng mga dating nagjoin.
(https://blogs.tradersdenph.com/kikita-ka-ba-talaga-kapag-sumali-ka-sa-tdsi-mentorship/)
(https://blogs.tradersdenph.com/tdsi-mentorship-resultskumita-nga-ba-ang-mga-nag-avail/)
Heto ang interviews ng mga nakagraduate na.
DO NOT MISS OUT!
You deserve to at least try!
Proper trading approach made it possible for us to earn these:
Trading is risky and dangerous kapag mali ang approach mo but rewarding ito ng sobra kapag tama ang approach mo.
You can succeed in trading at pwede ka naman din magfail but at least you had the opportunity to at least try.
You deserve that chance to try.
Try it now! REGISTER HERE: https://forms.gle/3YnEJZNjzcHguEDP7
Visit our social media channels!
For more trading materials, visit our official website here: Home – Traders Den PH
For trading books, visit our Official Shopee store:
To join our growing community, visit our Facebook Group TRADERS DEN PH FACEBOOK GROUP
You must be logged in to post a comment.