ANATOMY OF A BREAKOUT: Volume and Price Connection
Ang sarap magkapera sa trading.
Kapag tama ang approach mo sa trading ay talagang magkakaprofit ka.
Holiday pero I’m enjoying this profit today.
Saraaaaap!
Volume And Price
Traders talk about volume as a gauge of interest.
Volume ang nagsasabi kung marami ba ang interested sa stock or forex pair or crypto coin.
That is true kapag ang pinagkukumpara mo ay yung asset na may 10,000 volume versus sa asset na may 1 Million volume.
Paano ngayon kung yung isang stock ay may 200 Million na volume at yung isa ay may 800 Million na volume.
Hindi mo pwedeng sabihin na yung isa ay konti lang may interest while yung isa mas madami kasi 200 Million is not “konti lang.”
Let me tell you a story.
Uso dati sa trading ang “golden cross.”
Kapag ang MA50 nagcross above MA200 ay umaakyat ang price.
Bullish crossover ng short MA at long MA.
Ang paniniwala dati ay once nagkaroon ng golden cross ay matic aangat na yung price.
Any golden cross na hindi umangat ang price ay “minanipula ng mga insti” ang dahilan.
Yung golden cross ay hindi na product ng nangyare sa price but naging predictor na siya.
Ano nangyare sa mga ganun ang paniniwala? Ayun, most of them naipit, nasunog at nawipeout din sa huli.
Volume is not a predictor.
Hindi porket explosive ang volume ay matic successful breakout na agad.
Hindi porket mahina ang volume matic failed breakout na agad.
Kung ganyan ang gamit mo ng volume ay talagang kakamot ka ng ulo once nakakita ka ng gaya nito:
May explosive bigla na volume pero failed breakout.
Walang volume pero successful breakout.
Gagawa na naman ang mind mo ng dahilan na “manipulated” dahil hindi umaayon sa paniniwala mo ang nangyayare.
Let’s breakdown volume and price connection sa pinakabasic.
Para umakyat si JFC sa 254 pesos ay kailangan may willing buyers.
Based sa picture na yan ay dapat may bumili ng 69,580 shares sa 252.6 pesos.
Dapat may bumili ng 1,310 shares sa 253 pesos.
Dapat may bumili ng 110 shares sa 253.4 pesos.
Then, may bibili sa 254 pesos para yun ang maging current price ni JFC.
Para umabot sa 254 pesos ang price ni JFC ay may needed willing buyers ito na bumili sa higher price.
Kung gaano kadami ang shares being sold sa each levels before 254 ay ganun din kadami ang shares na willing bilhin ang mga willing buyers.
Mula 252.6 pesos papuntang 254 pesos ay pwedeng magkaroon ng sobrang daming volume or pwede rin magkaroon ng di gaanong madaming volume.
Nakadepende yan sa dami ng shares being sold at dami ng willing bumili ng shares na yun.
Yan ang relationship ng price at volume.
We talked about JFC.
Let’s do another stock.
Let’s do AC.
Mula 635 pesos papuntang 641 pesos ay kailangan magkaroon ng willing buyers na bumili ng 15, 170 shares at 640 pesos. Kailangan may willing buyers na buli ng 1,220 shares at 640.5 pesos. The, kailangan ng willing buyers na bumili sa 641 pesos para yun ang maging current price.
Let’s try ABA.
Para pumunta ang price ni ABA sa 1.43 ay kailangan may willing buyers na bumili ng 1,405,000 shares sa 1.39 pesos. Dapat may willing buyers bumili ng 510,000 shares sa 1.40 pesos. Dapat may willing buyers na bumili ng 286,000 shares sa 1.41 pesos. Dapat may willing buyers na bumili ng 3M shares sa 1.42 pesos. Then dapat may bumili sa 1.43 pesos para 1.43 pesos ang current na price ni ABA.
Yan ang relationship ng price sa volume.
Kung pagbabasehan mo ang relationship ng price at volume ay kailangan ba ng explosive volume para magkabreakout?
Depende.
Kung marami ang binibentang shares sa mga price na need daanan bago magbreakout ay need ng explosive volume.
Kung hindi naman gaanong marami ang binibentang shares sa price na need daanan bago magbreakout ay hindi necessarily need ang explossive na volume.
Successful breakouts or breakdowns may or may not have explosive volumes.
I remember attending a paid webinar a long time ago about volumes at yung host ay nagtanong kung alin ang sa tingin namin better.
A stock na may 100 Million volume or a stock na may 10 Million na volume.
Walang ibang details. Volume lang.
Most of us ay pinili ang 100 Million na volume.
It turns out yung may 100 Million na volume ay 0.1 dollars yung price niya while ang 10 Million na volume ay 100 dollars ang price niya.
Nagbigay ulit siya ng example. Ganun pa din.
100 Million volume versus 10 Million volume.
We were smarter na so we asked about the price.
Yung price ng may 100 Million ay 0.1 dollars. Yung price ng may 10 Million ay 100 dollars.
Yung may 10 Million na volume ang better.
Then pinakita niya na yung may 100 Million at 0.1 dollars ay umakyat ng 30 percent at yung may 10 million na volume at 100 dollars ay umakyat ng 1.7 percent.
This went on for a while.
Bawat may mapili na nagmemake sense ay nag-iiba ang condition.
It was a great webinar that I did learn a lot nung bago pa lang ako.
Balikan natin ang volume at breakout.
Walang nag-eexist na pattern pagdating sa volume at breakout.
Bawat stock ay unique. Bawat condition ay pwedeng mabago.
A massive and explosive volume is not a predictive tool.
“Eh mas malaki ang chance talaga maam kapag explosive ang volume.”
Kung totoo yan edi the next time may makita ka na pabreakout or nagbreakout na may explosive volume ay mag all-in ka and see how many times kang tumama bago ka makakita ng stock na susunog sayo.
“So, dapat abangan yung hindi massive ang volume na breakout?”
Hahaha.
Kung hindi pula edi puti ba ito?
“Okay so hindi lahat ng successful breakout ay may explosive volume tama?”
Yes.
“Hindi lahat ng walang explosive volume ay hindi magbibrekout. Meron mga breakout na hindi explosive ang volume. Tama?”
Yes.
“Okay….now I’m so confused.”
Hahaha.
Ishortcut ko na ang experience mo.
Ganito kasi yan. You will need to go through a lot of successful breakouts na walang volume.
Kakamot ka ng kakamot ng ulo bakit umakyat ng umakyat ang mga gaya nina HVN. Magdadahilan ka namanipulated at kung ano-anu pa.
You will need to go through a lot of unsuccessful breakouts na may explosive volume.
Mapapakamot ka ng ulo kung ano na nangyare sa mga buyers kahapon bakit grabe bagsak ngayon.
When you have too much experience sa mga ganito ay doon mo marerealize na you are using volume wrong.
Hindi yan siya measuring stick ng success at failure ng breakout.
Hindi yan predictive tool.
Natiming ka lang na ang market na tinitrade mo ay hindi ganun ka liquid kaya its fooling your brain into thinking na volume is key to a successful or failed breakout.
Kung nagsimula ka sa market na liquid tipong lahat may explosive na volume ay walang ganyan na thinking madedevelop ang mind mo.
I know this is a hard pill to swallow for some of you but antayin mo ang next blog.
We will talk about candles and breakouts.
Anong candle ang maganda kapag may breakout? Hammer ba or marubozu? Why?
Kung nais mo magtrade ng tama ay come and join us.
Learn how to trade forex, crypto, US stock market or Philippine stock market properly with us.
Avail it here:
https://bit.ly/47MQjLM
Heto ang result ng mga dating nagjoin.
(https://blogs.tradersdenph.com/kikita-ka-ba-talaga-kapag-sumali-ka-sa-tdsi-mentorship/)
(https://blogs.tradersdenph.com/tdsi-mentorship-resultskumita-nga-ba-ang-mga-nag-avail/)
Heto ang interviews ng mga nakagraduate na.
DO NOT MISS OUT!
You deserve to at least try!
Proper trading approach made it possible for us to earn these:
Trading is risky and dangerous kapag mali ang approach mo but rewarding ito ng sobra kapag tama ang approach mo.
You can succeed in trading at pwede ka naman din magfail but at least you had the opportunity to at least try.
You deserve that chance to try.
Try it now! REGISTER HERE: https://forms.gle/3YnEJZNjzcHguEDP7
Visit our social media channels!
For more trading materials, visit our official website here: Home – Traders Den PH
For trading books, visit our Official Shopee store:
To join our growing community, visit our Facebook Group TRADERS DEN PH FACEBOOK GROUP
You must be logged in to post a comment.