Blog

ANATOMY OF A BREAKOUT: Why Is Breakout Important?

Holiday na holiday pero nonstop yung pamimigay ni market ng profit.

 

Nasa 465,000 pesos plus profit na ako sa araw na ito.

Yan ang nagagawa ng proper trading approach.

Pwede mong peke.in ang mga screenshots pero kapag live trading profits na talaga ang usapan ay hindi mo kayang gawan ng magic. Kung kumikita ka ay kumikita ka.

Kung tama ang approach mo sa trading ay wala kang magiging issue sa performance mo sa live trades.

 

Why Oh Why Breakout?

Madalas mong marinig sa ibang traders na “uyy breakout!”

“Grabe lakas ng breakout!”

Breakout is an important event sa mga traders pero natanong mo na ba sarili mo bakit mahalaga ang breakout?

Malamang hindi pa.

No one really pays close attention sa importance ng breakout at kung ano ba ang significance ng isang breakout action.

“Basta breakout todamooon!”

Yung importance ng breakout lies on the sudden change of price behavior.

I don’t discuss this often sa public kasi palaging may misunderstanding na nangyayare.

Sa mga sudden price changes kasi ay mas nabibigyan ng emphasis yung “why” kaya nawawala yung pagiging objective ng isang trader.

Let me give you an example.

For 1 year ang price ni stock A ay umaakyat sa 2 pesos at bumabagsak sa 1 peso.

Ganyan lang ang galaw niya sa loob ng 1 year.

Last Monday mula 2 pesos ay umakyat ito sa 2.5 pesos.

May sudden change of price.

Ano ang pilit aalamin ng karamihan?

Yung “why?”

“Bakit umakyat?”

“Anong meron?”

Nakita nila ngayon na noong Monday ay naglabas ng disclosure ang stock A na may 50 percent increase ito sa kanyang quarterly earnings report.

Doon na ngayon ang focus nila.

They will equate 50 percent increase in earnings to price jump.

“Kapag nagka50 percent increase sa earnings ang isang stock ay aangat yung price.”

Ginawa na nila ngayon na pattern yun.

Ginawa nilang magic formula.

The next time na may makita silang stock na maglabas ng 50 percent increase on qaurterly earnings report ay blindly bibili sila and expect na kung ano ang nangyare kay stock A ay ganun din mangyayare sa nabili nila na stock.

If things do not happen the same way ay nacoconfuse sila.

“Huh? Bakit di umakyat ito?”

“Diba dapat aakyat din ito?”

I am being very careful na when I say sudden change sa price behavior ay behavior ng price ang tinutukoy ko at hindi reason for that sudden change of behavior.

I don’t care sa mga reason at mga why kasi unreliable ang mga yan.

Walang isang reason ang isang sudden change sa price behavior dahil sa sobrang daming participant na may kanya-kanyang dahilan on buying or selling.

Sudden Change Sa Behavior Ng Price

Yung anak mo ay sumasakay sa school bus papunta ng eskwela.

Sinusundo siya at 7 AM sa umaga. Hinahatid sa bahay ninyo at 3 PM sa hapon.

Monday to Friday.

For 2 years ay ganyan ang schedule ng alis at uwe niya sa bahay ninyo.

One Friday afternoon ay 5 PM na wala pa ang bus at hindi pa nakauwe ang anak mo.

Magwoworry ka. Kakabahan ka.

Why?

Kasi hindi normal. Nabreak ang routine.

Tatawagan mo ang school. Tatawagan mo ang driver ng bus. Tatawagan mo ang ibang mga parents.

Yung breakout ganun din.

Its a break from a normal price behavior kaya siya naging important sa mga traders.

Hindi lahat ng breakout may dahilan. Hindi lahat ng breakout ay naipapaliwanag ang why.

Ang mga breakouts ay unique kaya wag na wag kang magpatrap sa idea na may pattern ang breakouts.

Alam mo na kung ano ang breakout.

Alam mo na rin bakit mahalaga ang breakout.

Next na pag-uusapan naman natin ay ang failed at successful na breakouts.

Sa next blog na yun.

Kung nais mong magtrade ng tama ay come and join us.

Learn how to trade forex, crypto, US stock market or Philippine stock market properly with us.

Avail it here:
https://bit.ly/47MQjLM

Heto ang result ng mga dating nagjoin.

(https://blogs.tradersdenph.com/kikita-ka-ba-talaga-kapag-sumali-ka-sa-tdsi-mentorship/)

(https://blogs.tradersdenph.com/tdsi-mentorship-resultskumita-nga-ba-ang-mga-nag-avail/)

Heto ang interviews ng mga nakagraduate na.

DO NOT MISS OUT!

You deserve to at least try!

Proper trading approach made it possible for us to earn these:

Trading is risky and dangerous kapag mali ang approach mo but rewarding ito ng sobra kapag tama ang approach mo.

You can succeed in trading at pwede ka naman din magfail but at least you had the opportunity to at least try.

You deserve that chance to try.

Try it now! REGISTER HERE: https://forms.gle/3YnEJZNjzcHguEDP7

 

Visit our social media channels!

For more trading materials, visit our official website here:  Home – Traders Den PH 

For trading books, visit our Official Shopee store

To join our growing community, visit our Facebook Group TRADERS DEN PH FACEBOOK GROUP