Ano Ba Ang Maling Ginagawa Ko As A Stock Trader?
Newbie ka man or hindi ay dadaan at dadaan ka sa moment na tatanungin mo self mo kung may mali ba sayo kasi hindi mo nakukuha ang result na nasi mo.
Your plan was to go into trading, learn everything needed then earn extra money sa side.
You keep earning a little bit here then a little bit there until makapagresign ka na sa work mo and maenjoy mo ang life with income coming from your trades.
You start trading and suddenly you find yourself in no man’s land.
Instead magbigay ng extra income ay naging extra expenses pa ang trading.
Unti-unti itong kumakain sa pera mo.
This is not what you envisioned.
Hindi ito ang stock market na gusto at pinasok mo.
Well, I think its time for you to have a glimpse of our teachings. Keep an open mind as you read through the next few words below.
Most of you ay mali talaga ang perspective sa trading/stock market kaya you are where you are now.
You do not need to do anything. Just read through our first Trader’s Diary.
This might be your turning point sa trading career mo.
Go on. Read through it.
TRADER’S DIARY #1
Hello Tabula Rasa Course Students.
Hahaha. Hala TRC students pala tawag. Naku….
Hahaha.
Pa suggest nga ng bagong name.
This is my first entry sa trader’s diary.
I want to talk to you about perspective.
Marami ang di pansin pero yung perspective ng isang tao ay malaki ang impluwensya sa bawat desisyon nito sa buhay.
Lets say may isang pelikula na pinapanuod sa inyo ang titser nyo.Hinati kayo sa dalawang group. Group A at group B. Yung group A nanuod mula simula to middle ng pelikula. Yung group B nanuod mula middle to end.
Ang story ng pelikula revolves around a father na nang snatch para may mapagamot sa kanyang anak na nag 50-50.
Tinanong kayo ng titser.
“Tama ba o mali ang ginawa ng lalaki/father?”
Most ng napanuod ang pelikula sa ending magsasabi na tama kasi 50/50 yung anak. Yung mga group B magsasabi na tama yung ginawa ng father. Any father would do that.
Most ng napanuod ang pelikuka mula simula to middle magsasabi na mali kasi nang snatch. Mali mang snatch.
Same movie. Different perspective.
Kapag may nakita kang uminom ng tubig na puno ang baso at inilagay sa mesa na may kalahating laman. Half full ba ito or half empty?
Half empty diba?
Paano naman kung walang laman ang baso tapos nilagyan ng kalahati mula sa pitcher? Half full ba ito or half empty?
Half full diba?
We make decisions based on perspective or based on what we see.
Ngayon let us talk about stock market.
Umangat ba ang index mula 6300 plus to 6400 or bumagsak mula 6500 to 6400?
Depende kung aling part mo nakita diba? If nakita mo mula 6500 eh di bumagsak. If nakita mo mula 6300 eh di umakyat.
Buying Low at Selling High.
Ito yung pinakabasic na idea sa stock market. Sobrang simple yet sobrang hirap gawin. Alam nyo ba bakit sobrang hirap gawin?Natanong nyo na ba sarili nyo bakit sobrang hirap gawin?
Well, mahirap kasi yung low at high are all a matter of perspective.
Sample:
Smph is 60 pesos per share.
Glo is 1200 pesos per share.
Alin bibilhin mo?
Wala akong ibang sinabe. Yung price lang. Alin bibilhin mo?
Most will say Smph right?
Kasi you only have price as basis and nothing else.
Mas mababa yung 60 sa 1200.
Now, paano ngayon if sabihin ko na yung smph eh nasa all time high na siya while Glo yung all time high niya eh 3,000 pesos.
Mag iiba ngayon isip mo. Mas piliin mo ngayon Glo kasi nasa middle siya at mas may room siya umakyat compared kay Smph na nasa all time high na at malaki chance bumagsak.
The information meron ka nagbabago perspective mo.
Heto ngayon yung masaya na part.
Sobrang dami na ng information mo sa trading. Nauna ka maglearn patterns. Nauna ka maglearn support at resistance. Ang dami mo information. Lahat ng information mo na yun ke narerealize mo or not eh nagbabago ng perspective mo which nagpapabago ng decision mo.
Hahaha. Lumalalim na tayo. Teka kape muna kayo. I do this, yung mahaba na sulat di dahil want ko kayo impress. You already paid for the book set. Our transaction is over. I do this kasi I do love doing it. I love sharing at helping people mula sa mga naexperience ko or nabasa ko. I used to do it sa TD but a lot of them only like me kapag may free akong bigay. Once it stopped, di na rin nila ako trip. You supported me kaya Id spend my time sa inyo. Support those who support you para mas mag grow kayo.
Ok, asan na tayo?
Sa dami ng information na nagbabago or nakaka influence ng perspective yan ang reason na mas madali maglearn ng newbie compared sa mga may experience na pagdating sa strategy.
Meron pa isa. This will blow ur mind .
Isang classic example neto is mas mabilis maglearn mga kids now sa computer at technology ke sa bahay man or sa school or sa opisina dahil jan. Sa sobrang dami ng information mo dahil may edad ka na affected perspective mo.
Sample ha. Nung unang labas ng cellphone may keypad at di touch screen. Now lahat touch screen na. Since may info na sa mind mo na keypad at mga kids now wala nun. Affected perspective mo, sila hindi. Mas mabilis sila maglearn.
“Amin dati nung panahon namin…”
Same sa work. Mas faster mag grasp yung mga young sa mga computer kesa sa old.
Segway lang yun. Balik tayo sa trading. Most of you think Im better than you. You wanted to be me.
Well, bakit nga ba ako better?
Mas matalino?lol. Noooooo.
Pramis laging mali spell ko ng recieve. Dapat pala receive. Kaya minsan rcv na lang sinusulat ko.
Mas magaling ako?
Hahaha. Noooooo.
Eh ano?
Information plus experience.
Oh my…. I lost a lot noon. Mga dinadaanan ninyo now na losing streak nadaanan ko na yan. Mga fomo. Mga hype. Mga paniwala sa bulong bulong. Mga jockey jockey.
Daming gigil ako sa computer dahil sa hang. Daming untog head sa wall dahil inuulit ulit ko mali ko.
Isa sa na figure out ko is this.
Traders want to win. Traders want to be right.
Hinubog tayo ng society at nature to celebrate winners.
Sa world war diba US at UK bida at good. Evil at talo yung Japan at Germany.
The idea of winning will set you back hard sa trading.
You are focusing sa pera. Sa panalo.
“I won 20 trades out of 25.”
“I want to earn 20,000 pesos a month”
“I want my money to triple in 6 months”
Pumapasok ka sa trades with an idea kung magkano kikitain mo. Me calculator ka pa minsan.
Ok lang ito nung bull market. Mind you andaming traders noon na now wala na.
If nakafocus ka sa pera or sa wins then win rate matters sayo. Sakin useless yun. I could lose 7 straight small losses and win good sa 8th trade.
I focus on things I can control which is cutting losses.
Here is a bomb na Im going to drop sayo.
Sa bull market marami opportunities to earn.
Sa bear mas konti but meron pa rin.
Agree ka ba?
Mas malaki kikitain mo sa bulls kesa bears tama? Agree ka?
Number of opportunities at mga kikitain change sa condition ng market. Your cutting loses does not.
It will be same sa bull. Same sa bear.
Same na small losses.
Let that sink in for a while.
You control how much you lose, not how much you win.
Trade your plan.Focus on the strategy. Ignore the money. Sounds easy pero it’s very hard because you are trading to make money.
Start taking losses. Small losses. Understand na kung may panalo ka may talo ka rin. Understand na part talaga yun ng trading at walang other way around it.
Stop looking at how much you will win or how much you will earn and start focusing on how much you will lose. How much eh allow mo to lose.
If 50,000 pera mo at gusto mo 2,500 lang ipapatalo mo then look sa mga trades na may 5% max na risk.
Ibahin mo utak mo. Ibahin mo perspective mo.
Well, mag iiba naman talaga yan if you keep reading what I write.
Thank you sa support. I hope this Trader’s Diary will guide you. Special ito at kayo lang nakakareceive. From time to time I will discuss my actual trades here. I will discuss some chart studies. I will discuss movies na need nyo eh watch. I will discuss a lot of things. I will make this as one of your tools para eh guide/help kayo sa trading journey ninyo.
Maraming salamat sa support.
Abangan yung Trader’s Diary #2 soon.
60 PLUS
That was the first Trader’s Diary back in August 2021.
We are on our 60 plus diaries already.
Ang trader’s diary ay isa lang sa mga benefits na makukuha mo kapag sumali ka as Trader’s Den Student or TDS.
Kapg bago ka sa stock market at hindi mo alam paano magsimula. Kapag sawa ka na masunog. Kapag sawa ka na maipit. Kapag gusto mo na ng pagbabago.
Come join us sa TDS. Who knows baka ito na turning point ng trading journey mo. Try it.
You deserve to at least try and see for yourself.
Be a TDS now. To know how, click here: https://bit.ly/3K7n75D-tdphTabularasaCourse
One Comment
Jayson
Bilang bahagi ng TDS Fam ay napakalaking bagay ang naitulong nito sa pagtingin ko sa trading at sa buhay.