Blog

$AP: THE DRAMA

I have no plans of blogging about AP but we have been receiving a lot of email requesting our thoughts on the matter.

Well, some of you wanted a trader’s opinion kaya tara at pag-usapan natin ang AP.

Hindi ako journalist and my blogs are like diaries kaya I can freely talk about AP.

Okay so lets talk about AP.

Naging maingay si AP kasi nagkaroon ito ng buy-back program.

“Ano ba meron sa buy-back program eh andami naman gumaganun maam?”

Yung buy-back program ni AP ay naging special kasi nabawasan ang public float nito.

AP is one of the 30 stocks na bumubuo sa PSEI.

Lahat ng 30 stocks ay required magkaroon ng 20% public float.

Bumaba sa 20% ang public float ni AP.

Kaya naglabas ang PSE ng ganito.

Nawala si MPI at AP sa index.

Pinalitan ni CNPF at BLOOM.

Kung newbie ka at hindi mo gets ang public float ay simple lang yan. Yan ang amount ng shares/stock mula sa outsanding shares ng company na hawak ng public aka retail traders/investors.

Para manatili sa PSEI ay kailangan mp ng 20% na public float.

Para manatili sa PSE ay kailangan mo ng at least 10% public float.

Si AP ay natanggal sa PSEI or tatanggalin sa PSEI pero nasa PSE pa din kasi above 10% pa din ang float.

It seems na walang pake si AP on being included sa PSEI. They just see their stock as cheap and they wanted to buy-back.

Nagvoluntary delist si MPI kaya matic na iisipin ng karamihan na ganun din ang path na gustong tahakin ni AP.

I don’t think so.

I believe na magkaiba ang path ni MPI at AP.

I don’t think na gusto magpadelist ni AP sa PSE.

Marami nagkukwento sa buy-back.

“Buy-back is good kasi kumokonti ang outstanding shares. Mas nagiging valuable ang shares kapag konti na lang.”

“Buy-back is bad kasi ang pera na pinangbuy-back ay dapat ginamit na lang sa mga projects or expansion. Waste of cash.”

Anuman ang stand mo sa buy-back ay okay lang.

“I believe our stock is undervalued, and the best way to provide value for shareholders right now is to repurchase stock at this discount.”

Haha. Yan ang linyahan ng mga companies eh noh?

Kung iisipin mo kasi ay ganito.

Let us try and put ourselves sa mga big bosses ng AP kunyare.

“May pera tayo. Ano ang gagawin natin sa pera natin?”

“What if ilagay natin sa mga existing operations natin or gamitin pang expand pa ng negosyo?”

“What if bumili tayo ng ibang companies?”

“What if magpadividend tayo?”

“What if bayarana natin ang mga utang natin?”

“What if magbuy-back program tayo kasi mababa price ng stock natin?”

Sa dami ng options ay pinili nila magbuy-back.

What most do not talk about pag sinabe mo na buy-back ay what comes next?

Ano ang gagawin nila sa shares na nibuy-back nila is an important question.

When a company buys back shares they are returned to the treasury as unissued shares. They can issue/sell this shares back sa public later on when they decided to raise more capital.

They are buying back now kasi mura tapos ibebenta din nila later on? May plans ba sila magraise ng capital later on?

Maraming nagulat sa ginawa ni MPI na nagpavoluntary delist and it is affecting how traders/investors view the moves that other stocks are making.

Should you buy AP shares?

Should you sell AP shares?

Wala akong opinion sa ganyan kasi hindi naman ako nagrereco.

I’m here to give my thoughts on the whole AP thing.

I hope my blog helps you. If not ay okay lang din.

Goodluck sa mga trades mo.