Blog

Bago Ka Pumasok Sa Isang Trade

Most traders daydream about their profits bago pa sila pumasok sa isang trade.

Yung iba ay may calculator pa at binibilang kung magkano ang kikitain nila kapag umayon sa kanila ang trades nila.

Yung ganitong gawain ay mahirap iresist kapag newbie ka kasi it brings you so much joy. Masarap mag isip kung saan mo gagamitin ang pera na kikitain mo sa trading.

Kung nakafocus ang mind mo sa kikitain mo ay malaki ang chance na mapabilang ka sa mga traders na soon ay magfafail.

Yung pag iisip ng gains ay magpapahirap sayo sa pag exit or pagcut ng losses.

Yan din ang magcacause ng disappointments sayo sa mga trades mo.

Parang tumaya ka sa lotto tapos nag isip ka na kung paano mo hahatiin ang kikitain mo then nabasa mo sa dyaryo na may ibang tao na nanalo.

Para umayos konti ang trading approach mo ay gawin mo ito.

Bago ka pumasok sa trade ay ito ang isipin mo:

Kapag natalo ako ng 10% ay kailangan kong kumita ng 11 percent para makabawi.

Kapag natalo ako ng 20% ay kailangan kong kumita ng 25 percent para makabawi.

Kapag natalo ako ng 30% ay kailangan kong kumita ng 43 percent para makabawi.

Kapag natalo ako ng 40% ay kailangan kong kumita ng 67 percent para makabawi.

Kapag natalo ako ng 50% ay kailangan kong kumita ng 100 percent para makabawi.

Kapag natalo ako ng 60% ay kailangan kong kumita ng 150 percent para makabawi.

Kapag natalo ako ng 70% ay kailangan kong kumita ng 233 percent para makabawi.

Kapag natalo ako ng 80% ay kailangan kong kumita ng 400 percent para makabawi.

Kapag natalo ako ng 90% ay kailangan kong kumita ng 900 percent para makabawi.

Kapag yan ang inisip mo ay mapipilitan kang magmanage ng risk.

Isa yan sa mga mental tricks na makakatulong sayo kung gagamitin mo.

Join our growing community in Facebook-  Traders Den Ph | Facebook

Home – Traders Den PH

VISIT US ON SHOPEE NOW!
👇👇👇👇👇
OFFICIAL SHOPEE STORE