Blog

Bakit Ba Maraming Galit Kay DITO?

WEEKEND

Ang topic sa trading community over the weekend is all about DITO.

Halos lahat ng traders yun lang ang pinag uusapan except sa amin sa Traders Den kasi we had Elliott Wave Course and some weekly lessons.

I don’t even understand ano ang big deal sa nangyare.

Let me get it straight muna.

Third Telco ang DITO. Capital intensive na negosyo na yun.

Bago pa lang sila at ilang years pa until magka income.

Kailangan nila talaga ng pera and naghahanap sila ng options.

Naisipan nila mag SRO. They tried. Walang demand masyado.

Main purpose ng SRO nila ay lumikom ng pera to fund the expansions and roll-outs.

Hindi enough ang pera na makukuha sa SRO kaya kinancel nila.

Madami naman nagpaSRO at FOO na nagcancel. May mga IPO pa nga na nagcancel.

I mean, pwede icancel ang SRO anytime kapag nafeel ng company na walang masyadong demand. Main purpose nila ay lumikom ng pera. Walang masyadong pera na lilikumin kaya nagcancel sila.

Walang rules against that.

Pwede ka mag argue siguro sa integrity ng underwriter kasi nga sila dapat ang sasalo ng mga di na avail na shares.

Still, mapapatanong ka bakit andaming may hate kay DITO this much?

Ngayon lang ako nakakita na sa isang araw may maraming iba’t ibang article ng news na lumalabas against DITO.

It’s all about “protecting the public.”

I did not see this type of outcry sa CALATA na yun talaga ang pinakaworse.

Recently lang yung Xurpas. Wala din halos ganito na outcry na mas malala pa yun kesa kay DITO.

Yung PHA nga noon nagdisclose na may MOA sa SAMA GLOBAL tapos biglang nawala ang SAMA Global.

Walang ganito na outcry.

It seems like maraming gusto magfail ang DITO for some reason.

If ibang stock ang nagSRO at nagcancel….

Lets say nagSRO ang MAH at nagcancel, I think hindi magiging this huge of a deal.

Think about it, may mga stocks nga na until now hindi nakapagsubmit ng earnings report kaya suspended pa rin sila but walang gaanong outcry.

Well, if may DITO ka na stock, good luck sa iyo.

You can always cut your losses naman kapag di mo na kaya ang loss.

Its not like wala kang option or nakatali ka sa isang stock.

Cutting your losses is a skill na marami ang wala.

Isang huge reason ay di nila alam para saan ang pagcut ng losses.

Akala nila pag investor ay di na pwedeng magcut ng losses.

Any investment no matter how great it looks can be a bad investment depende kung saang point ka ng investment na yun pumasok especially if we are talking about stocks.

Sa ngayon, JFC at 50 pesos is good. JFC at 300 pesos is not good.

Same na JFC but it can be a good or bad investment depende kung saan ka pumasok.

I do not have a DITO stock. I do not support DITO as a stock or as a business as well as I do not support any other businesses behind any stock.

I’m just a trader.

Will I trade DITO?Pag pasok sa strategy yes. Pag hindi, nope.

It will be very interesting kung ano mangyayare today.

I think mahalt or masuspend ang trading ni DITO ala ABS-CBN dahil sa bilis ng information nung weekends. Nakasaad kasi yan sa material information na dapat ma absorb muna ng maayos ng public ang information. Andami pa naman mga traders/investors na di nagchechek sa mga trading stuff on weekends.

Let’s just observe and learn from the lessons that this whole event may bring.

Sa anong reason sa tingin mo bakit ang daming galit kay DITO?

Comment your opinion sa comment section ng blog na ito and let us hear your thoughts.

Looking for Pinoy Stock Trading Community? Join Traders Den!

 

Like, subscribe, and follow our social media channels. 

Shopee

Traders Den PH Official FB Page

Lioness

TD Ph Books

Thank you.