Bakit Hindi NagJojournal Ang TDSI?
Our TDS Mentorship which is our local PSE stock trading mentorship ay may journal.
They use it to track their 30 trades.
May requirement sa TDS na makakagraduate ka lang kapag kumita ka sa loob ng 30 trades.
Yan mainly ang gamit nila sa journal.
Our TDSI mentorship do not journal.
Kung newbie ka or at least less than 10 years ang experience mo sa trading ay mashoshock ka talaga in knowing na may mga traders na hindi nagjojournal.
Syempre namulat ka sa fact na essential ang pagjojournal sa success ng isang trader.
Well, your system and approach is a reflection ng understanding mo about the market.
Maraming traders ang nagjojournal para malaman nila ang mali nila at magkakaidea sila kung paano ito ayusin.
Kapag loss ang outcome ay may mali.
You fix that “mali” at magtuturn into win ang dating loss na yun.
Ganyan halos ang approach ng karamihan.
Nagugulat na lang sila bakit panay na adjust nila ng timeframe, tightness ng stoploss, luwag ng stoploss at iba pa ay hindi pa din naman nag-iimprove ang performance nila. May losses at may losses pa din sila.
Yung loss is not really “something went wrong” na event at hindi din yan siya nafifix ng adjustment. Losing is part of trading. Si market ang nagbibigay ng outcome so kahit aning adjust mo kung loss na outcome ibibigay ni market ay loss pa din ang magiging outcome ng trade mo.
Lahat naman ng broker ay may ledger, history or statement of account kung nais mo talagang macheck lang ang entry price, dates, exits at iba pang details ng trade mo.
Journaling will not make you win trades. It will help you track your trades but double-edged sword siya depende sa understanding mo ng market kasi pwede rin na your own journal will make you enter an endless loop of adjustments.
“Eh paano mo malalaman kung nag-iimprove ka without your journal?”
Yan lagi ang tanong ng mga mahilig magjournal.
Well, nakadepende talaga sa understanding mo of improvement.
Kung binibase mo sa win rate ang improvement mo meaning this month ay marami ang loss mo kesa sa wins tapos next month mas marami ang wins mo kesa sa loss then you credit your journal dahil “nag-improve” ka then may mali sa understanding mo ng improvement.
Hindi ang journal mo ang nagbibigay ng wins or losses sayo. Si market yun. Losing a lot last month and winning a lot this month is not a sign of improvement. Those are just outcomes na bigay ni market sayo.
Baka pag next month mas dumami na naman ang loss mo ay isipin mo na nagworsen ka.
Nag-ooperate ka sa trading na para bang ikaw ang may control kung kelan ka mananalo at kelan ka matatalo.
Kung nakadepende sa journal ang success ng isang trader edi sana mas maraming trader ang successful.
Hindi naman ganun yun. Yun lang ang idea na nabasa mo or nakamulatan mo.
May tama at maling approach sa trading.
You either approach trading properly or mapapabilang ka sa mga naiipit, nasusunog, nawawipeout at eventually ay nagquiquit.
Come join us and learn how to trade properly.
Avail it here:
Oil and Commodities Mentorship: https://form.jotform.com/242798383124464
PSE Mentorship:
https://form.jotform.com/241343777522458
TDSI Precious Metal Mentorship: https://form.jotform.com/232946879623472
Trade Management Bootcamp: https://form.jotform.com/242048455363457
You must be logged in to post a comment.