BAKIT KA TAKOT MAGING TRADER?
We Played A Game
Me konting trivia sa TD which kumuha ng iba’t ibang opinion.
Let me show you.
LET US ANALYZE.
So heto yung problem:
Ikaw at ang kaibigan mo na si Pedro ay nahuling nagnakaw ng mga gold sa isang jewelry store. Dinala kayo sa police station.
Nilagay kayo sa magkahiwalay na room. Wala kayong contact sa isat isa. Binigyan kayo ng parehong options.
Option 1.
Ikanta/ituro mo siya as mastermind at siya ay manahimik, makukulong siya ng tatlong taon at ikaw ay pakakawalan.
Same din na kapag tinuro ka niya as mastermimd at ikaw ay nanahimik makukulong ka ng tatlong taon while siya ay pakakawalan.
Option 2
Walang aamin sa inyong dalawa meaning both kayo manahimik. Makukulong lang kayo ng isang taon.
Option 3.
Ituro ka niya. Ituro mo siya. Meaning nagturu.an kayo. Both kayo makukulong ng dalawang taon.
ANO ANG GAGAWIN MO?ALING OPTION PIPILIIN MO AT BAKIT?
Take note na mgkahiwalay kayo ng room at di mo alam option na pipiliin ni Pedro.
Paano Mo Ito I-Approach
Una alamin natin mga consequences.
Sa option 1 pwede kang makulong ng tatlong taon or ma set free.
Sa option 2 isang taon kayo makukulong.
Sa option 3 naman dalawang taon kayo makukulong.
Out of the three option best is yung lalaya ka then isang taon na kulong at last eh yung dalawang taon.
Sa option one wala kang control sa decision or gagawin ni Pedro so wala kang control sa outcome dun. Di mo alam if mananahimik ba siya while ikaw sinusumbong mo siya.
Sa option 2 naman wala ka rin control sa decision ni Pedro if mananahimik ba siya kagaya mo.
Sa option 3 yung gagawin ni Pedro or decision ni Pedro eh irrelevant sa decision making mo. Ke ituro ka niya or manahimik siya same lang gagawin mo. Meaning me control ka. Yung mangyayare lang is if ituro ka niya dalawang taon ka makukulong and if di ka ituro eh you will be free.
Out of the three options yung 3rd yung pinakasmart na pwede mo gawin as a prisoner despite the fact na di yun ang pinakamaliit na consequence or best outcome. Smart kasi di ka dependent sa decision ng iba.
Game Theory`
Yung iba akala trivia trivia lang ito. Hindi po. This is more than that. Ito pong scenario na ito ang tinatawag na Prisoner’s delimma.
Game theory is a theoretical framework for conceiving social situations among competing players. In some respects, game theory is the science of strategy, or at least the optimal decision-making of independent and competing actors in a strategic setting.
What is Prisoner's Delimma?
The prisoner’s dilemma is a paradox in decision analysis in which two individuals acting in their own self-interests do not produce the optimal outcome. The typical prisoner’s dilemma is set up in such a way that both parties choose to protect themselves at the expense of the other participant. As a result, both participants find themselves in a worse state than if they had cooperated with each other in the decision-making process. The prisoner’s dilemma is one of the most well-known concepts in modern game theory. Source: Prisoner’s Dilemma Definition (investopedia.com)
Prisoner's Delimma And Stock Trading
Yung prisoner’s dilemma ay katulad din sa trading kung saan if you think hard eh iilan lang ang bagay na may control ka.
Let us say may strategy ka. Pinasok mo ang isang trade using your strategy. Saan ka merong control?
Me control ka ba para umangat or lumipad yung stock na binili mo?
Wala diba? Di mo alam 100% kung aangat yun or not. Malaki chance or probable but not certain.
Yung meron ka lang control is yung pag exit mo. Ikaw ngdedecide kung saan at kelan ka i-exit.
Kaya smart way is to respect ur exits or sell signal despite the fact na best scenario sayo is lumipad hawak mo.
Di mo need alamin desisyon ng ibang traders. Di mo need mahype sa hype nila. You just focus on things na ikaw me control.
Trade
Nakadampot din ako ng konti kahapon sa trade.
Na withdraw ko na rin kinita ko sa BHI, PRIM at BSC trades ko nakaraan.
Sa mga nag aask naman how I Daytrade, I told you na I will introduce you sa SENYORA strategy ko ,which pinakaiingatan ko na strategy, once my I DARE YOU TO TRADE BOOK is out.
Speaking of I DARE YOU TO TRADE book I want you to see kung gaano ito ka kapal. I made few pictures para eh highlight yung kapal at bigat neto. Look here:
How To Avail of My Books?
Get them from this link: https://forms.gle/YvVQGgUv1vbj4yzWA
Bakit Takot Ka Magtrade?
Isa sa mga dahilan bakit takot ang mga tao magtrade is yung idea na 90 percent ng daytraders natatalo or nalulugi. Takot sila malugi. Takot mawala yung pera na pinaghirapan nila.
Naiintindihan ko yun. If newbie ka or dating longterm investor ka malaki talaga chance mo magkaloss ng malaki if magdaytrade ka. Di mo alam yung laro.
Isa ito sa dahilan bakit ko ginawa yung IDYOTT book at yung Tabula Rasa free course na makukuha mo if nacomplete mo yung set ng 4 books ko.
I will be your guide sa trading. Once lumabas na mga books magbabago tingin ninyo sa trading. It wont be as risky as many people make it to be. Gain at loss ay normal sa stock market. Walang exempted dun. My books will guide you how to lose less or small. Yun ang pinakamalaking edge na magkakaroon kayo plus mahihimay din ang stock market in general sa inyo.
If natatakot ka maging trader then let me guide you. I gave everything I have sa books na yun and yung end result nun is for all of you to trade better.
If I was able to transform my GUT students into better traders, I can do the same sa inyo.
If you are looking sa mga palaging panalo na trades then my books are not that. My books will guide you to gain more and lose less. It won’t make you superhuman traders. Wala naman ganun. I do believe kasi na most newbies just lack the proper guidance sa trading kaya di nila pinapasok ito.
They have been told na dangerous magtrade and avoid at all cost. With my book, you will trade with less money sa simula to protect you as you navigate trading. Once you are better na then you will be able to trade with a bigger amount.
Don't be afraid. Hold my hand. Let me guide you. Journey stock trading with my help.
Our advocacy is FREE Education for Filipinos who are willing to learn stock trading/investing. We offer free Technical/Fundamental Analysis and Market Psychology learning materials.
If you want to learn more about stock trading join our Facebook Group Traders Den PH.
Inside Traders Den PH are the following: Weekly Lessons, Healthy Discussions about strategies, experiences, and lessons about stock trading. Trading strategies like MAMA, FISHBALL, PAPA, CALMA, and fun games too. For video guide you can watch our videos in Traders Den PH Youtube Channel
We want to offer OFW’s, Employees, and all Filipinos a chance to learn without paying a cent. This is our way of giving back to the community.
Want to support our ADVOCACY? Click HERE.
4 Comments
Jonalyn Milla
Thank you sa lahat ng learnings na share mo sa amin. May the Lord guide you in your Advocacy. ☝️ Please take my hand and guide me in my journey. I am not afraid now. Dahil I know with Pamana Books i am in control. God Bless Ms. GK/Lioness. ☝️
Judy Justado
Nice, new learning na naman tong prisoner’s dilemma. Thanks GK! More power! 🙂
Randy B. Doloros
Wow galing nyo talaga Mam GK. will do your all advices. Thank you and God bless you more.
James
Ma’am thank you po may natutunan na naman akong bago. I hope soon ma available ko ung mga books set niyo