Bakit Nasusunog Ang Mga Stock Traders Na Lumilipat Sa Forex At Crypto?
Isa sa mga constant messages na natatanggap namin ay yung kwento ng mga traders na mula PSE pumunta ng Forex at Crypto then nasusunog.
We received a lot of these messages. As in a lot.
Iisa ang common sa mga kwento nila and I think I understand bakit sila nasusunog.
Nagsisimula yan sa reason nila ng paglipat.
Bakit ba karamiha lumilipat? Ano ang main reason ng paglipat nila?
Most ng PSE traders ay lumilipat sa Forex at Crypto dahil sa profit.
May liquidity sa mga ganun na market and they feel na mas malaki at mabilis sila kikita ng pera doon.
Yung approach pa lang na ganun ay tagilid na.
Its like entering PSE sa idea na pag nagtrade ka ng stocks ay yayaman ka agad.
May liquidity sa Forex at Crypto plus mas mahaba ang oras at araw na pwede ka magtrade.
That is both a good thing and a bad thing.
You will have twice the opportunity to earn as well as twice din ang opportunity mo matalo.
Panget ba na lumipat sa Forex at Crypto Trading?
No.
Depende I guess sa dahilan mo bakit ka lumipat.
If driven ng greed then sooner or later masusunog ka talaga.
One day magkakaroon din ng TDS Forex at TDS Crypto and even TDS Global markets but yung reason won’t be dahil wala na opportunity sa PSE.
It’s going to be about trying out other markets and being a trader in those markets.
Its not about “mas kikita” ka doon.
Sa kahit anong market ay masusunog ka kapag greed ang pinairal mo.
Yung core value ng TDS na above average or elite risk management ay dadalhin padin saan man pumunta.
Sa ngayon yung TDS ay nasa PSE and we don’t plan magventure sa other markets anytime soon but its a possibility down the road para na rin makaassist sa ibang traders at maenjoy ang ibang markets.
To answer ang tanong na bakit nasusunog ang karamihan na lumilipat sa Forex at Crypto ay ganito.
Sa markets na purely technical at hindi regulated ng any form of government ay kailangan mo ng above average risk-management skills.
If pumunta ka doon para “mas kumita” then talo ka na di ka pa nagsisimula.
Yung pagkakasunog mo can do one of two things. It will make you fearful and you will give up or it will make you fear less kasi naranasan mo na ang worse thing na pweding mangyare.
Sa lahat ng Pinoy Forex at Crypto Traders na nagbabasa nito, I wish gumanda ang mga trades ninyo. I respect your markets and your craft a lot.
Since nandito ka na ay iimbitahan na din kita sa Extreme Technical Analysis Workshop namin sa June 25-26, 2022.
Ito ang pinakamalupit na Technical Analysis course sa Pilipinas. May pang beginner, intermediate at advanced.
Ito din yata pinakacheap na course sa Pinas kasi mas mahal pa yung pang starbucks mo kesa dito. Inexpensive but the best course pagdating sa TA sa Pilipinas.
You can be an OFW, SEAMAN, HOUSEWIFE, EMPLOYED sa PILIPINAS.
You can be a beginner or vet.
If gusto mo matuto ng Technical Analysis ay ito yung best na option mo.
Avail it here: https://forms.gle/2JaAURooLVCqkSC17