Blog

Basura Plays

Dangerous

ay nagsabi na ba sayo na “iwasan mo ang basura stocks.”

“risky yan!”

“delikado yan”

Parang nag aagree yata lahat na mas malaki ang risk kapag basura ang natitrade mo.

If you ask me lahat ng stock ay may kaakibat na risk. Yung mismong trader ang nagmamanigfy or nagpapaliit ng risk sa bawat trade niya.

Let me give you an example.

GERI

Late ka natulog kagabe kaya late ka rin nagising kunyare. Pag gising mo nakita mo ang GERI nasa 35 percent gain na. Would you buy it?

“yes maam magceceiling eh”

Nakikita mo ang chance nito magceiling but hindi yung chance na matalo ka ng 35% once bumagsak ito. Ganyan ang thought process eh noh? Derecho sa rewards yung eyes at pilit iniignore ang risk.

Lets say pinasok mo ang Geri at around 44% up na siya. Sa EOD ka kunyare bumili kasi iniisip mo eh magceiling ulit bukas.

The next day eh bumagsak. Hawak-hawak mo pa din until now.

Risky nga ba ang basura stock or you risked too much lang dahil sa paghahabol ng gain?

LODE

Take LODE naman for example.

Bumili ka na up na siya by 24 percent dahil iniisip mo na magceceiling next days.

Hindi nagyare. Bumagsak. Hawak mo pa din.

Different stock na itong LODE ha but the same ang nangyare.

I could make maybe even 50 examples na iba’t ibang stock with same result.

A lot of traders naiipit dahil nauna nilang matutunan ang paghabol ng gain kesa maintindihan kung ano ang risk.

Kapag may lumipad walang nagtatanong na “teka…how much ba mawawala sakin if di umayon sa gusto ko ang trade na ito?”

Kapag may umangat ang lagi mo makikita eh word na “habol”

“hahabol ako”

“pwede pa ba humabol?”

“makahabol na nga”

RISK

Bago kayo pumasok sa isang trade kahit pa anong exciting/tense/intimidating ng sitwasyon ay lagi ninyong iisipin kung magkano ba ikakatalo ninyo kapag di umayon sa inyo ang trade at bumalik sa presyo niya kahapon.

Yan lang ang need ninyo.

Konting “oops teka muna..”

I assure you na merong mga traders ngayon na pinasok yung GERI, LODE at iba pa sa taas at hawak hawak pa rin until now yung stock. Di sila mapakali. Di halos makatulog. Di nakakakain ng maayos.

Lalo na pag ang pera na gamit nila ay pera na di nila afford mawala. Tipong pambayad ng renta or mortgage next month.

Yung motto ng TDS na KYLOS ay di mo maaappreciate until nagloss ka ng sobrang laki.

Doon mo maaapreciate yun at doon din magbabago ang tingin mo sa trading.

Keep Your Losses Small!

Looking for Pinoy Stock Trading Community? Join Traders Den!

If you don't know where to start, you can visit our Shopee store. Click the image to go to Shopee now.

LEARN NEW STRATEGIES!

 

Like, subscribe, and follow our social media channels. 

Shopee

Traders Den PH Official FB Page

Lioness

TD Ph Books

Thank you.

3 Comments

  • Ronie

    Dati ganito ang mindset ko pag may lumipad at minsan nadin naipit at napabenta ng -45% dahil hindi na kayang sikmurahin ang talo.. Salamat sa TDS at kay Maam GK dahil hinding hindi na mkakapang budol pa si TODAMON, si KYLOS at DINOPAM lang ang malakas..

  • De Carr

    One of the golden lectures talaga ni GK ang KYLOS and I really appreciate it lalo na pag may nakikita akong mga ganitong stocks while filtering. Grabe, parang kinakatok ng KYLOS ang konsensya ko!

  • aj tamaca

    Thanks Ma’am.
    Pwede po bang meryendahin ang mga yan (fishball), total biglang bagsak naman eh c”,)

Leave a Reply