Bihasa Na Ako Sa Technical Analysis For 5 Years Pero Wala Pa Rin Akong Consistent Result! (The Remedy)
NARINIG MO NA BA?
Nakarinig ka na ba na nagsabi ang isang trader na di sila consistent?
“Di pa rin consistent result ko”
May nakita ka na ba na trader na matagal na sa stock market pero di pa rin consistent ang result?
“3 years na ako pero wala pa din consistent result”
“Naaral ko na lahat sa Technical Analysis pero wala pa rin”
BAKIT DI SILA CONSISTENT?
Lets us define muna yung consistent as per the dictionary.
“always acting or behaving in the same way. : of the same quality especially: good each time. : continuing to happen or develop in the same way”
Sa trading kapag sinabi na consistent ka ang tinutukoy ay wins.
Consistent na panalo.
Meron din nagsasabi na ang pagiging consistent sa kanila ay may panalo at may talo din pero lamang ang panalo.
Now, maraming trader na gumugol na ng dalawa, lima even 10 years sa trading ay di pa rin consistent.
Why?
Sasagutin natin yang tanong na yan mamaya but bago yun ay papaintindi ko muna sayo how stock market works.
Piso ang presyo ng isang stock. May willing bumili sa 1.1 pesos. May willing magbenta sa 1.1 pesos. Naexecute ang trades nila. Nabili ng buyer ang stock sa 1.1 pesos. Nabenta ng seller ang stock sa 1.1 pesos. Ang bagong price ng stock ay 1.1 pesos.
Kung ano man ang reason ng buyer sa pagbili ke me maganda future ang stock na yun or maraming business at growth ay kanya na yun. Ang nagmamatter lang eh bumili siya sa 1.1 pesos.
Kung ano man ang reason ni seller sa pagbenta ke panget para sa kanya ang stock na yun at di enuf pera para sa inaasam or pinaplano na growth ng stock na yun ay nasa kanya na. Ang mahalaga eh nagbenta siya sa 1.1 pesos.
Buyers and sellers make up the market.
Sila ang market.
Yung market ay di mapredict nino man.
Walang isang tao ang may control sa market.
CONSISTENCY
Paano ka magiging consistent or magkaroon ng consistent wins sa bagay na wala kang control?
Yan ang isang concept na maraming traders hindi pa nafifigure out.
They spend their trading careers trying to chase consistency.
Binabago ang strategy. Iniimprove. Kumukuha seminars. Kumukuha trainings. May mga screeners. May mga kung ano anu pa.
Sa mind nila eh laging “pag ginawa ko to eh magiging consistent na ako”
“Pag ito nalaman ko magiging consistent na ako”
On and on and on.
Para silang mga bata na naka abang sa ilalim ng christmas tree para makita si Santa.
They are chasing something that does not exist.
On and on and on paikot ikot lang sila.
Paano ka magkakaroon ng consistency eh di naman ikaw may control sa market?
Like…. nag iisip ka ba?
Consistent wins ang hanap mo?Paano?
“Pag naayos ko trades ko maam or pag umattend ako ng ganito at ganyan maam magiging consistent ako”
Ahuh…. balikan mo ulit basics ng stock market sa taas. Basics ng pag angat at pagbaba ng isang stock price. Balikan mo and tell me kung kasama ba doon ang mga sinasabi mo na aayusin at aattendan.
Isipin ninyo ito. The moment na bumili kayo ng stock. Lets say bumili ka ng DITO sa halagang 15 pesos. The moment na bumilo ka na ng DITO ay wala ka nang magagawa but maghintay. Wala ka nang magagawa para umangat or bumaba ang price ni DITO. After mo bili ay nasa kamay na ng ibang traders yung kapalaran ni DITO. Kung magbilihan sila ng mas mataas ay aangat si DITO. Kung magbentahan sila sa mas mababa ay babagsak si DITO.
Paano ka magkakaroon ng consistency sa ganyan?
Kahit 100 years ka pa sa trading ay di ka pa rin magkakaroon ng consistency.
Not by your doing if you want me to be specific.
“Maam bakit sina ano consistent silang nananalo noon?”
Ahuh… yan ang next point ko.
Ang sabi ko ay di ka magiging consistent by your own doing.
Si market ang nagdedecide at magdedecide sa result ng stock price.
A few years back ay bull market and a lot of traders had this little illusion na “consistent” sila not realizing na nasa bull market sila. Sa bull market, the market is often going up. Kaya nga bullmarket ang tawag.
Few years back maraming parang nakahukay ng ginto. 200 percent gain here. 300 percent gain there.
“I’m killing it!”
“I’m da best!”
“Kahit anong condition eh kaya ko kumita sa stock market!”
Then boom!Pandemic!
Boom!Bear market!
Most of those people ay nasa ibang market or field na ngayon.
Wala na yung mga “killers” at mga “the best” sa stock market noon.
Market is supreme.
Pag pinaangat niya stock price ay aangat. Pag pinabagsak ay babagsak.
If you keep chasing na maging consistent ay iikot ikot ka lang kakahabol sa idea na yun.
You can never have consistent wins.
Never. It won’t happen.
“Aray naman”
Nasasaktan ka lang marinig yan kasi di mo naiintindihan ang stock market.
Gusto mo proof?
Tuwing pumupula ang market ay walang nakakapigil.
“So maam…wala na ako pag asa?”
“Maam… di na ako kikita pala talaga”
“Dapat pala itigil ko na tong pangarap ko kumita sa stock trading”
Teka lang….weyt!
Consistency pinag uusapan natin diba?
Bakit napunta sa di ka kikita?
“Pag di ako consistent maam meaning di ako kikita”
Haha. Yan napapala mo kakafollow sa herd.
Ako, di ako consistent winning.
Ang TDS mga di yan consistent.
Consistency has nothing to do with earning sa market.
Sayo lang mahalaga yung consistent ka nananalo.
Kasi yung tingin mo sa stock market eh macocontrol mo.
Kaya ka lagi nag aabang ng susunod na lilipad or aakyat.
Abang ng bulungan sa GC.
Abang sa PSE edge ng news.
Abang kung saan saan pa.
TRUTH
Never mangyayare na magkakaroon ka ng consistent wins or consistent win rate.
Most nagsasabi nun ay either bago lang sa merkado at wala pang isang dekada or isang liar.
You can get 8 wins with 2 losses sa 10 trades sa loob ng 3 months and yung next months mo ay 9 losses with one wins.
You can earn 200 percent gain sa loob ng isang month and lose for the rest of the year.
Si market nasusunod.
Ang consistent lang sa market ay si market.
Yung bagay na pwede ka lang maging consistent ay sa pagsunod ng strategy mo.
You cannot be a consistent winner.
However, you can be consistent in keeping your losses small on every loss.
“Luh…eh bat dun maam pwede maging consistent?Kala ko ba di pwedeaging consistent”
Hindi ka pwede maging consistent sa bagay na wala kang control. Sa mga bagay na control ka lang pwede.
Your strategy and keeping your losses small ay mga bagay na may control ka. Ikaw nagdedecide if susundin mo strategy mo no matter ano outcome. Ikaw din nagdedecide kung eexit ka na ba sa maliit na losses kapag loss ang result ng trade mo or maghope ka na umakyat at hahayaan lumaki pa lalo amg loss.
This may be confusing sayo now or this may be a lot to take in.
If sawa ka na paulit ulit lang result mo sa trading at walang improvment, come join us sa TDS.
We do things differently than most.
Maybe its time na para ibahin mo paniniwala at views mo sa trading para magkaroon ka ng totoong progress at improvement.
11 Comments
Kitbull
Galing ninyo talaga mag explain Mam Lioness. You make it so simple lalo sa mga taong di basta madaling maka gets like me.Sana nuon palang 5 years ago alam ko na ito. Para hindi ako naging utu-uto. At hindi umasa sa mga maling paniniwala sa trading. Thank you so much Mam sa lahat ng priceless knowledge na tinuturo ninyo sa amin. God bless..
Karen sebastian
Live and die with your strategy and kylos as always..Thanks Gk
Chris
Totoo yung sinasabi ni Mam ako yung isa sa mga sinasabi nya dun sa isang paragraph nya. First half of this year I was up for about +362% now +223% nalang ang laki ng nawala sa akin 6 months kong pinaghirapan 3 months lang mukhang mauubos pa. Kasi nga naman nung first half ng taong eto maraming nagliparan ngayon tumataas ang stocks pero crawling tapos kapag bumagsak wagas. So it means lang hindi sa galing ko yung gain ko kundi dahil kay market kasi kung talagang magaling ako e di sana napataas ko ulit ang account ko. Isa sa payo ko sa mga nagbabasa wag kayo mag ALL IN para di maapektuhan ang psyche nyo sa pag decide.
Simplicity
Kylos is life
Thank you ma’am Lioness for always reminding us.
Pasamonte William
Buti nalang nakakabukas na ako ng emails ko and so thankful ganito agad ang nababasa ko.
Maraming salamat Mam. GK sa walang sawang pag share ng knowledge nyo..Dalangin ko na huwag kayong magsawa.
Bibihira lang ang ganitong guidance. God bless..
Jose Ronaldo Perez Cruz
Salamat Maam sa paulit ulit na reminder. The first time I heard of you sharing your views eh skeptical ako. Kasi nga, (before TDS) ang hanap ko ay gain hindi loss. Ang gusto ko parati ay gain at ayaw ko nang natatalo. Dahil sa hate ko ang loss, hindi ako nag-e-exit (cutloss) dahil ayaw ko tanggapin ang isang losing trade. Dumating po ako sa point na napilitan akong harapin ang mga losses ko kasi sobrang laki na. At that point, doon ko natanggap na may mali sa aking pag-iisip about stock market at trading. Im so thankful that I got accepted sa TDS program at nabago po ang aking maling pananaw. Salamat po sa pagtuturo sa amin at sa walang sawang guidance.
MA. AURORA ABOGADO
Worth reading.. thank you for sharing this. God bless and stay safe.
Marie
Ang meaningful ng blog na to, thank you Ms. Lioness sa effort, priceless ang learnings.. ang ganda din ng presentation, I imagine myself, ung dialogue is parang ung sarili ko, yan yung mga tanung ko, tapos may maliwanag at authentic na sagot.. superb!
Erma
Thank you for your constant reminder Ma’am.
Joes
Salamat po muli mam sa napakabuluhang blog niyo lagi mam. Sana po’y di kayo magsawa mam. Yong mga turo niyo mam unti unti ng nagsisink sa mga TDS
Rowell watiwat
Sarap basahin habang nagkakape mam . Be consistent sa kung saan may control which is kylos .