Bollinger Band Explosion
Isa sa pinakasimpleng tools sa Technical Analysis ay ang Bollinger Band.
I described this beautifully sa IDYOTT 2: ELEVATE ko na book.
Ang Bollinger Band ay gawa ni John Bolling
Kalimutan mo lahat ng alam mo about this indicator at sisimplehan natin para mas magamit mo ng maigi.
Bollinger Bands are volatility bands placed above and below a moving average na MA20 ang default.
May MA20 tapos may linya sa taas at baba nito na sumusukat ng volatility.
Maraming gumagamit ng term na volatility pero di nauunawaan ito. Ang volatility ay hindi volume although para maging volatile ay kailangan mo ng malakas na volume. Ang volatility ay nasusukat sa price. Bilis ito ng akyat or baba ng price.
Pag ang one peso price ng stock mo naging 3 pesos, volatile yun or high ang volatility. Mabilis masyado pag akyat ng price.
Pag ang 1 pesos na price ng stock mo naging 1.05, low ang volatility.
Gets na? Bilis or bagal ng pag akyat ng price.
Both ways yan ha. Bilis sa pag akyat or bilis sa pagbaba.
May MA20 sa gitna tapos volatility bands sa taas at baba.
The bands automatically widen when volatility increases and contract when volatility decreases.
Bumubuka kapag high ang volatility at nagcocontract kapag low.
Ang mga stock ay may periods kung saan volatile sila at may periods din kung saan low ang volatility nila.
May mga periods kung saan umaakyat ang price ng isang stock maybe dahil sa news or disclosures or umakyat lang dahil madami bumili.
May mga periods kung saan bumagsak ang price ng isang stock maybe dahil sa news or disclosures or bumagsak lang dahil madami nagbenta. Yan ang mga periods na high ang volatility ng isang stock kaya bumubuka ang Bollinger Bands sa ganyan na times.
If mabagal ang galaw ng price meaning di halos umaakyat at bumabagsak ay narrow ang bands.
I know paulit-ulit pero kiniclear ko lang para magets mo lalo ang next na ideas.
Contract. Expand. Contract. Expand.
Paulit-ulit lang nangyayare yan sa price ng stocks.
THE SQUEEZE
Dahil sa pagpapalit-palit ng low at high volatility ng stocks ay nagkaroon ng sense na abangan ang period kung saan sobrang narrow ng bands kasi next na mangyayare niyan ay bubuka ito. They refer to this as THE SQUEEZE.
Both ways yan pwedeng explosion paakyat ang price or pababa.
After ng THE SQUEEZE ay nagkakaroon ng explosion.
Walang direction ang explosion kasi volatility ang sinusukat at hindi trend.
Trend is direction and volatility is momentum. Ayan. Tandaan mo yan.
Now, paano mo ngayon magagamit ang ideas na nabasa mo dito?
“Aabang ako ng mga nakasqueeze na Bollinger Band na stock maam at bibilhin ko!”
Mali yan. Ganyan mag isip ang karamihan.
Di lahat ng squeeze ay paakyat ang direction. Baka ikasunog mo yan once sumabog pero pababa ang price.
TRY THIS!
Instead na gawin mong main indicator ang Bollinger Band ay gawin mo siyang confirmation or pandagdag odds.
Di ko alam strategy mo. Lets use Baby 2.0 strategy for example.
Yan may buy signal kunyare sa Baby 2.0 Strategy.
Lapatan mo ng Bollinger Band para makita mo kung explosion nga ba yan after ng squeeze kasi if ganun nga eh malakas na pag akyata ang nangyare.
Try natin kay EEI.
May mga buy signal na walang gaanong explosion.
So nagiging parang pandagdag conviction mo ito.
If papiliin ka sa me buy signal na me squeeze at explosion versus doon sa wala edi alam mo na pipiliin mo.
Si market pa din magdedecide ano mangyayare sa price but at least wiser choice ang napili mo.
This will also help you decide sa mga icucut mo na stocks.
Sumasabog din ito pababa. Take a look at PHR.
Pag nakita mong ganyan ay pikit mata mo nang icut kasi alam mong malakas ang rate ng pagbagsak.
Masakit na 39% loss yan if di ka nagcut or exit sa exit signal.
Stay tuned lang sa mga blogs ko kasi there are more great lessons na malilearn mo sa future.
Kami sa TD PH ay nag eeducate sa mga traders.
We have helped a lot of traders mula sa courses, mentorships at books.
Sa ngayon ay may upcoming Maduming Merkado 2 kaming book na ilalabas.
Pre-Order Maduming Merkado 2.0 here: bit.ly/427wMmk
May upcoming Trade Management Bootcamp din kami na course which is highly sought after na course namin
You can avail it here:
AVAIL TRADE MANAGEMENT BOOTCAMP HERE: https://forms.gle/h3CKcSZGceMaxPL2A
Sa May 15 ay mag oopen ang TDSI Batch 3.
You can join our forex, crypto and US stock amrket trading mentorship mula May 15.
Seek improvement. Seek growth. Maraming tools. All you need is to go out there and avail them.
Give yourself a chance to try and be better.
You must be logged in to post a comment.