Blog

Bounce/Pullback Trade Lessons

Umakyat kahapon ang mga JPY pairs.

Nagbigay ng short entries ang strategy so I shorted.

Good trade pero ang outcome na binigay ay 57,000 pesos loss.

Normal yung ganito sa mga bounce/pullback trades. Sila yung umakyat ng grabe kaya sila din ang may good chance na bumaba. Kung di sila bumaba ay bibigyan ka nila ng loss kasi mahihit ang stoploss mo.

As long na tanggap mo yung potential loss bago ka pumasok ay okay lang yan. Hindi mo kailangang dibdibin ang nangyare. Nagtrade ka, di umayon sayo ang trade, move on.

I often see a lot of traders na pinipersonal ang mga trades nila. Inaakala na kapag bounce/pullback trade ay surebol na ito at kapag di umayon sa kanila ang trade ay nasasaktan at nagrerevenge. Di kayo magkaaway ni market. Kung di mo tanggap ang loss ay wag kang pumasok sa isang trade.

After a loss ay dust yourself up and move on sa ibang trades.

Wag personalin ang losses. Wag din panghinaan ng loob sa mga losses.

Part ng trading yan. Move on sa next trades.

Come join us sa aming PSE STOCK TRADING MASTERCLASS!
Avail it here: https://form.jotform.com/243561833057458

Join us sa OIL AND COMMODITIES!
Avail it here: https://form.jotform.com/232946879623472