Blog,  Financial Literacy,  Guides

Dark Side Ng Stock Market!

FB TO META

If hindi mo pa alam ako na magbabalita sayo. Nagpalit na ng pangalan ang facebook. META ang new name nila.

Here is a news link: https://www.npr.org/2021/10/28/1049813246/facebook-new-name-meta-mark-zuckerberg

DARK SIDE

Kadalasan naiintroduce ang stock market sa isang tao na may zero knowledge as a place na pwede pagkakitaan. Lost sa explaination ang mga bagay na di kanais nais.

1. Suspension

Dapat alam mo na any time ay pwedeng masuspend ang isang stock/company sa stock market. If naglagay ka ng pera sa stock na yun at nasuspend ay stuck din pera mo doon.

“Paano pag kailangan mo yung pera na yun?”

Usually ng stock na nasusupend ay mga third liners or basura stocks. Kadalasan but not limited sa kanila. Any stock can be suspended for  different kinds of reason. Pwedeng dahil sa di pagsubmit ng mga requirements or pagviolate ng rules.

Mga suspended na stocks gaya ng AR, X at PAL.

Yes, Philippine Airlines!

2. Warrants

Marami din walang alam na pwedeng mawala na parang bula ang isang stock.

Prior ng LRW ay maraming walang alam na may mga stock codes na listed sa PSE na may expiration.

https://gandakohtrading.com/lrw-a-glimpse-of-dynamic-learning/)

Di sila stock. Warrants ang tawag sa kanila. Sa mata ng baguhan ay wala itong pinagkaiba sa isang stock kasi listed din ito sa PSE.

Nag eexpire ito. Pag naexpire na ay wala na. Zero na value nito.

3. IPO, FOO, SRO

Ang isang company ay pwedeng mag issue ng mag issue ng stocks. Pwede nilang eh dillute ng eh dillute ang shares na hawak mo. Pwede sila magbenta ng FOO or SRO kapag gusto nila.

Me instances pa na last time mo nabili eh 395 pesos siya. Tapos mag ooffer sila ng FOO sa halagang 12 pesos.

https://gandakohtrading.com/foo-mania/)

4. Delisted

Pwedeng madelist ang isang stock. Yung akala mo na forever eh di pala totoo. Me instances na bigla na lang magpavoluntary delist ang isang stock gaya ng EDC at PIP or di kaya involuntary delisting gaya ng CAL.

https://gandakohtrading.com/don-pepot-and-kiko-adventuresdelisting/)

Those are the things na di mo agad malalaman sa stock market unless it happens to you.

Kaya important talaga na eh educate maayos ang isang trader/investor para malaki ang chance neto magsurvive.

Tipong naglalakad siya tapos bigla nahulog sa manhole kasi di niya alam me manhole. Pag alam nito at informed siya na me manhole ay makakaiwas ito.

Sa TDS, di lang basta tinuturu.an magtrade ang isang trader. Inieducate din sila sa lahat ng pasikot-sikot sa stock maket.

Looking for Pinoy Stock Trading Community? Join Traders Den!

If you don't know where to start, you can visit our Shopee store. Click the image to go to Shopee now.

 

Like, subscribe, and follow our social media channels. 

Shopee

Traders Den PH Official FB Page

Lioness

TD Ph Books

Thank you.

LEARN NEW STRATEGIES!

5 Comments

  • Yayan

    Legit yan! Di lang kami tinuturuan mag trade. Pati mga updates tinuturo samin sa TDS. Pati mag spot ng scam gaya ng pyramiding at ponzi scheme natututunan namin sa mga movies na pinapapanood samin. Kaya tara na, samahan nyo kami sa TDS. Sa binibigay na effort ni Maam at admins, mahihiya kang di magaral ng maayos. Kulang ang ibabayad mo sa books sa ibibigay na learnings sayo.

  • KIKING

    Lavet! Ito legit real talk tungkol sa Dark side ng stock market. Thank you Ms Lioness sa lahat ng tulong, tricks and tips.

Leave a Reply