Blog

Dear Stock Trader. You Gotta Read This!

I want you to take a good look at the following charts.

Mula IPO nila to now ay nag generate sila ng malalaking losses.

A lot of traders come to us with huge losses at nagpapahelp na either marecover ang losses or magstart over sa trade. Ang unang tinatanong namin ay bakit siya naghold at bakit umabot sa ganun ang losses niya.

Common answers were “akala ko babalik sa taas.”

“Akala ko kasi yun na ang bottom.”

“Sayang kasi kung nabenta ko saka bumalik sa taas.”

Isa sa mga root ng problem na nakita namin ay yung mga recovery stories.

Stocks do recover mula sa pagbagsak but outlier yun.

Parang yung isang kapitbahay mo nanalo sa lotto. Next thing you know eh lahat na sa lugar ninyo nataya na ng lotto.

May isang kaibigan ka na kumita sa KAPA nung umpisa. Next thing you know eh lahat na kayong magkakaibigan ay sumali sa KAPA.

Nauunang mamulat ang mga traders especially mga baguhan sa mga recovery stories.

“Bumagsak si ganito tapos nagrecover.”

Mga feel-good stories ang mga ito.

Parang bida sa pelikula na magpapabugbog muna bago siya ang mananalo sa huli.

I want you to take a good look again sa charts. I highlighted areas kung saan nagkaroon ng opportunity sana na makaexit ang trader/investor.

Ano napansin mo?

Ang daming chances diba?

If holder ka ng stock na yan ay mapapatanung ka sa sarili mo kung bakit di ka nagbenta eh andami pala chances magbenta.

Its that little thing called hope.

Hope of recovery.

Hope is a good thing sa ibang aspect ng life or sa ibang lugar except sa stock market.

Sa stock market, hope is like a virus.

Hope is evil.

Hope has destroyed and is still destroying a lot of portfolios as we speak.

Recovery stories are outliers.

Sa isang daan na stock ay baka wala pa dalawa ang nagrerecover.

98 of them do not recover.

I was watching the battle of Midway some nights ago and yung mga nakasurvive sa battle na yun became heroes. Sa kanila umikot ang kwento. Lahat ng focus ay nasa kanila.

If observant ka ay makikita mo na iilan lang sila na nagsurvive. Yung namatay ay sobrang dami. You do not hear the stories of those na namatay.

Mga naiwan nila na Pamilya. Mga naiwan nila na anak at asawa.

Parang yung case nina Steve Jobs, Bill Gates at iba pa.

They dropped out of school and became successful.

Handful lang sila yet majority sa mga nagdrop out sa school ay di naging successful. Naging adik. Naging alcoholic. Nag suicide. Naghirap.

You do not hear their stories.

Walang flavor. Di nakakainspire. Panget.

Sa trading, if mabubuksan lang eyes mo sa reality ay magbabago talaga ang results ng trades mo.

Anong reality?

Reality na its not the stocks that recover ang kalaban mo. Missing a stock recover is the least of your worry. Konti lang yan sila. Halos di nga nangyayare.

Ang kalaban mo ay yung stocks na derecho bagsak.

Marami yan sila.

If you think like that ay poprotektahan mo ang pera mo and you would let go of stocks na may losses while maliit pa.

Taking small losses will be your priority.

You will then see what we see.

Mag iiba paningin mo.

Makikita mo na maraming traders ang umuupo sa malalaking losses.

Di makatulog. Balisa. Panay hope na umakyat ang hawak nila. Panay hype. Panay hanap ng good news sa stocks kung saan sila naipit.

That is not a good way to live as a trader. Yung every time nag oopen ka ng port mo eh malalaking losses ang nakikita mo.

Di yun nakakahappy.

Most traders ang priority eh kumita ng malaki. Makachamba sa stocks na lumilipad.

Konti lang ang traders na priority eh wag matalo ng malaki.

Yan mismo ang reason bakit 90 percent plus ang nagfafail sa trading at konti lang din nagiging successful.

Let this blog sink in. Baka sakali magbago ang landas na tinatahak mo.

Kung gusto mo ng seryosohin ang trading at ready ka na magcommit na matutunan ito, we highly recommend that you take Tabula Rasa Stock Trading Course and become a Traders Den Student (TDS).

Tabula Rasa Stock Trading Course is a 6-month course designed to teach the basic of stock trading. Ito yung course na di ka makakagraduate hangga’t di ka natututong mag trade.

Here we will teach you the basic like:

  • How to chart?

  • What strategies to use in buying and selling?

  • Paano ang tamang approach sa trading?

  • Real time trading tips, diaries and blogs.

  • Live Trading Exercise

  • And much more…

We will also give you charting tasks and assignments para mas ma train kayo and maging live trade-ready.

If you think ready ka na, just complete the 5 PAMANA Trading Books either via Shopee Traders Den Student Starter Pack (5 PAMANA TRADING BOOKS) | Shopee Philippines or if OFW ka , pwedeng via this form https://forms.gle/XGtkJLVNTQwKzy3d6 and give us your name and email para ka makapagsimula.

We hope to see you onboard.

Happy Trading!

Looking for Pinoy Stock Trading Community? Join Traders Den!

 

Like, subscribe, and follow our social media channels. 

Shopee

Traders Den PH Official FB Page

Lioness

TD Ph Books

Thank you.

Leave a Reply