$DITO: The Most Annoying Stock That Is Very Persistent!
The moment I saw the new DITO disclosure ay alam kong madaming traders ang nahigh blood na naman.
Hahaha!
A whooping 3.9 Billion Dollars is a lot.
Like A LOOOOOOOT!
Yung short-term loans ni dito na umabot 1.3B ay buburahin nito.
May pang roll-out na sa expansion may pambayad utang pa.
Hindi pa yan ang best part.
Isipin mo. Why would some multinational banks loan almost 4 Billion dollar sa isang panget na company?
Hindi naman ito mga guru-guruhan sa facebook, twitter or any social media platform na nag aanalyze ng balance sheet at nagbobroadcast ng mga opinions nila.
Matatalino at well-educted yung mga heads na nagpaloan kay DITO and they surely have done their due diligence bago sila nagpahiram ng almost 4 Billion not pesos but dollars.
Hindi pa yan ang best part haha.
Ang best part ay up until now ay open pa din ang option ni DITO na magFOO or magSRO.
Kapag ginusto pa nila ng fund ay may avenue pa sila para kumuha ng fund.
Wala akong DITO stock pero ang lupet nila dumiskarte.
Let me put it sa tamang perspective.
Capital-intensive ang telco business.
Nangungutang nga ang GLO at TEL na dekada na sa telco industry.
Umutang si DITO sa mga banks sa Pinas to fund its business pero and daming naging drama.
May default scare sa BDO.
May paniningil ng utang sa sa PLDT (TEL).
Nagtry magSRO pero nicancel.
Yung bash na natanggap ni DITO mula sa media is insane.
“Mababankrupt yan!”
“Wala andaming utang niyan!”
“Negative income!”
Parang si Thanos itong DITO na ito.
Haha!
Andaming nagcelebrate prematurely nung bumagsak ang price ni DITO below 2 pesos.
Ang weird nga ng ibang traders.
Wala naman hawak na DITO pero they go out of their way para ibash ang stock na ito.
Yung tipong weirdly obsessed na inaalam lahat meron sa DITO para maibash.
To them ay mas maigi pang walang third telco siguro.
What a weird bunch of traders.
Yung medic na kakaIPO lang less than 2 years ago sa 2.3 pesos at ngayon nasa 0.43 cents ay wala kang maririnig na bash unlike kay DITO.
As a trader ay wala pang buy signal si DITO using Baby 2.0 Strategy.
Now na may pera na si DITO ay mas naging exciting ang labanan ng third telcos.
Do I reco DITO?
Nope. I don’t do recos.
Wala akong DITO stock myself.
Kung nag aask ka if bibili ka ng DITO or not ay do your own research at analysis na lang.
I’m just voicing out an opinion kay DITO sa blog na ito kasi I feel na palaging natitreat unfairly ang stock/company na ito.
I’m currently sitting on a 4 Million Pesos profit.
I also have some few hundred thousand pesos na DYM (double your money) profits.
May mga 200,000 pesos na profit.
Meron din naman na nasa 40,000 pesos na small account.
Sariling mga trades ko ang mga yan. Walang hype. Walang reco. Live na trading using real money.
Nasa Traders Den na facebook group ang mga live raw videos ng accounts na yan if iniisip mo na demo or fake.
Sa mundo ng trading especially sa trading community ay maraming mas magaling magdrawing ng chart, magbigay ng analysis at magbigay ng opinion but lack the key ingredient sa successful trading.
That ingredient is real trading profit and results.
If you approach trading properly ay lalabas at lalabas yung results sa trades mo.
Walang bilang ang galing mo sa chart, analysis at yung opinion mo pagdating sa trading.
Newbies lang naiimpress sa pag guhit ng chart. Anybody can analyze. Anybody can show their trading “expertise” sa chart.
Walang bilang pa din ang ganun kasi iba pa din ang totong trading results.
Performance at results lang ang nagmamatter sa mundo ng trading at hindi opinion.
Learn to approach trading properly at gaganda ang performance mo.
You must be logged in to post a comment.