DITONATICS OR DITO HYPERS?
May general rule na ngayon sa trading community at trading facebook groups na once hindi ka against kay DITO ay DITONATICS ka na or DITO HYPER.
I was never pro or against any stock.
That is insane para sa akin.
Parang nagbebenta ka ng kamatis tapos “pro kamatis” ka at yung ayaw sa kamatis eh “anti kamatis.”
I’m a trader. I just trade.
Objective lagi ang blog ko. I don’t have that much attachment sa stock.
Yung mga stock code ay mga binibili at binebenta ko lang yan. Means for me to either earn big or lose small.
Bago ang lahat ay basahin mo muna pala ito baka sakaling magustuhan mo Kaya Mo Bang Kumita Ng 300,000 Pesos Sa Isang Linggo?
Let us talk about DITO.
Walang income si DITO.
Wala din naman income si SPNEC pero bakit hindi siya nababash?
Its the opposite pa nga kasi parang lahat ng news ay magaganda patungkol kay SPNEC.
Nag IPO sa 1 peso. Umangat sa 2 pesos plus.
Kaka IPO pa lang nagpaSRO na.
DITO tried magSRO noon and andaming negative news.
Wala daw pera. Nung nicancel ang SRO mas lalong dumami ang negative news.
Look at PHA ngayon with squidpay pero konti lang makikita mo halos na news at discussion about it.
Wala pang positive na income si DITO.
Earnings ba ang reason bakit umaakyat ang stock?
Well, if that is true eh bakit bagsak si SCC right now?
40 pesos plus noon at ngayon below 31 pesos na lang despite having a really good earnings at may padividends pa na malaki.
Earnings is not the only reason why a stock goes up and goes down.
Yung stock price ay gumagalaw based sa buy and sell ng mga market participants na may kanya-kanyang dahilan kung bakit sila bumibili at nagbebenta.
Yung ilan sa kanila ay earnings ang dahilan but hindi yun ang nag iisang dahilan at hindi mo pwedeng irely sa earnings ang trade mo.
“Down ang port ko by 30 percent pero okay lang kasi good company naman hawak ko!”
That is a very dangerous belief dahil any good company can be a bad one next year or a 2 years after.
Take a look at PAL. Dating isa sa leader yan pagdating sa mga great companies.
Take a look at PETRON na dating bluechip.
Yung Xurpas na below 0.3 cents ngayon ay dating isa sa hinahangaan na stock sa PSE. Nasa 10 pesos plus yan noon. Umabot pa nga ng 20 pesos halos.
Yung TECH nga nasa 60 pesos plus noon pero ngayon 2 pesos plus na lang. Even SSS and GSIS invested your money kay TECH baka di mo alam.
Market is supreme.
Di mo mapipredict ang mangyayare bukas.
You should always operate sa idea na yan if trader ka.
Walang good company. Walang bad company. Walang good stock. Walang bad stock.
Good entry/exit at bad entry/exit lang meron.
Yung sense of pride and security na nafifeel mo when you buy a bluechip is a false sense of pride and security.
Yung 1,000 profit mo sa JFC ay walang kinaiba sa 1,000 profit mo sa RLT.
More traders should be aware sa ganitong approach.
See the market for what it is and not for what you think it is.
See a stock kung nasaan siya ngayon at ano ang price niya at hindi yung opinion or prediction mo.
Never be a pro or an anti.
Just trade.
Wala kang kaibigan sa trading.
Walang poetic justice sa trading.
Its just you and your decisions.
Decide wisely.
You might be interested dito. Basahin mo. Paano Kumita Ng 7,000 Pesos Sa Forex Doing Absolutely Nothing!
If nais mo pumasok or matuto magtrade at invest sa US Stock market, Crypto or Forex ay iniimbitahan kita magjoin sa TDSi.
Try mo lang. Maybe para sayo ito. Maybe not. You deserve itry.
One Comment
anel
i am not just a trader….i am a TDS trader