Blog

Do Not Sell ABA Kasi Aabot Yan Ng 10 Pesos!

Massive sell-off ang ABA

Magbebenta ka ba or not?

Nakabenta ka na?

Nakahold ka pa?

Yung title ng blog na ito ay para dun sa mga traders na title lang ang binabasa.

Hahaha!

Yung di alam ang content pero ijujudge na yung blog based off sa title.

Never ako naghahype or nagrereco. Kadalasan sa title lang yan pangmislead ng mga di nagbabasa para funny sila tingnan.

Wala akong ABA. I had before but nablog ko na rin yun na nag exit na ako kasi nabigyan ako ng exit signal sa CALMA Strategy. Hanapin mo na lang at nablog ko yun last week.

Tuwing may ganitong massive sell-off after a stock na ilang days or weeks na ang akyat ay may dalawang group ng traders.

Yung unang group ay yung mga KNOW-IT-ALL!

Sila yung mga “I told you so” na traders.

Popost ng mga old post na nagwawarn na babagsak ang ABA.

Panay “kawawa mga newbies” ang sinasabe.

These traders actually enjoy na bumagsak si ABA kasi tama ang sinabe nila. They have huge ego and nafifeed yun ng pagiging tama.

Yung second na group ng traders naman ay yung mga HOPEFUL.

Ito yung mga traders na naniniwalang aakyat pa si ABA. Tipong everything is going to be ok ang linyahan.

If umaasa ka na tumagal sa trading ay iwasan mo ang dalawa na group na ito kasi palaging nag aaway ang mga yan.

If you ask me kung ano ang magandang gawin if may ABA ka I would ask you kung ano ang plan mo when you bought it.

If binili mo yan dahil sa strategy mo then stick to your exits. Respect your exits.

If binili mo yan dahil sa fundamentals mo then stick to whatever man na exit ang meron yun. It could be fair value or kung ano man na basehan mo.

Saan ba pupunta si ABA?

No one knows.

Wala naman talaga nakakaalam ng mangyayare sa kahit anong stock.

Pauso lang yung mga me “pasabog” or “me alam kami” na yan sa trading community.

Walang nakakapredict ng mangyayare kay ABA or sa ano man na stock.

Pwedeng umangat bukas. Pwedeng bumagsak bukas.

Ang mahalaga ay masunod mo kung ano ang meron sa trading plan mo.

Win and lose using your own decision.

Yung TDS tumatawa lang yan sila ngayon nag aabang kumita using fishball strategy.

Pasok. Kuha pera. Alis.

Walang ingay. Walang hype.

If trader ka na wala kang strategy ay sobrang problematic niyan.

Di mo alam saan papasok. Di mo alam kelan lalabas.

Yan kadalasan ang nabibiktima ng hype. Sila yung laging kawawa. Yung mga naiipit sa 19 ky NOW or sa 17 ky DITO.

If wala kang strategy or hindi mo alam paano magtrade ng maayos ay iniimbitahan kita sa September 30.

Isang napakalupet na course na tutulong magbago ng trading performance mo across all markets.

Forex, Crypto and Stock market.

Avail it here:https://bit.ly/3e8clls

Heto ang result sa trades ng mga umattend noon.

Heto ang mga experience ng previous course attendees ng MASTERCLASS SCALPING and DAY TRADING.

Heto ang comment nila after ng course.

Leave a Reply