Don Pepot And Kiko Adventures: Entitlement
Kakatapos lang bumili ni Don Pepot ng tatlong bagong Jet. Nagrerelax ito sa kanyang Olympic-sized swimming pool. May dala-dalang freshly squeezed juiced si Kiko papunta kay Don Pepot habang nagrerelax ito.
Kiko: Senyor heto na po yung juice na hiningi ninyo.
Don Pepot: Maraming salamat. Kamusta naman ang buhay mo as a trader Kiko?
Kiko: Well, alam mo naman kaming mga stock traders. You know, Pinipilit namin magpakumbaba despise de pak na kami ang bumubuhay sa etonomy ng Pilipinas.
Don Pepot: Gumagaling ka na sa pag eenglish ah.
Kiko: It’s only words Senyor. And words are all I have…alam mo yun?
To take your heart away…
Don Pepot: Lyrics ng kanta yun ah. So, how are you? May mga nais ka ba itanong? May konting time ako ngayon baka may mga tanong ka.
Kiko: Wow!Salamat!
Sabay dukot ng notebook sa bulsa.
Don Pepot: May listahan ka ng mga tanong?
Kiko: Well, you know Senyor….
Don Pepot: Wag mo na ituloy. Tagalog na lang muna tayo para di magulo. Ano ang nais mo itanong?
Kiko: Dumadami kasi ang mga SRO sa stak markit letliy Senyor. May sinasabe sila na entitlement ratio. Ang alam ko lang kasi pag sinabing ratio ay anim na bag ng buhangin sa isang bag ng semento sa construction.
Don Pepot: Ahhh. Normal lang na dumami ang SRO Kiko kasi nga ito ay isang form ng paglilikom ng mga stocks or company ng pera na di kailangan umutang. Ang entitlement ratio ay ratio na nagsasabi kung ilang shares ang kailangan para maka avail ka ng isang SRO share.
Kiko: *Kamot ulo* Its katarata with squid soup Senyor.
Don Pepot: Ano?
Kiko: Malabo pa sa sabaw ng pusit. Malabo so katarata. DI ko maintindihan ang entitlement ratio.
Don Pepot: Ok ganito. Kunyare may ayuda galing sa Kapitan doon sa baranggay ninyo.
Kiko: Ah matic na yan na mauuna ako sa ayuda sa amin. Tropa ko si Kap.
Don Pepot: Sa bawat 2 anak ay may matatanggap ang pamilya mo na 10,000 pesos.
Kiko: Pag 4 anak ko ay 20,000 pesos. Lakas! Pag 8 ay 80,000 pesos.
Don Pepot: Yes, tama. Ganyan din ang entitlement ratio pero instead ayuda ay SRO share ang matatanggap mo. Instead anak ang basehan ay yung hawak mo na common share ng stock na yun.
Kiko: Wait e minit, wait e minit. Kung may 100 ako na stock ng ABA at nagpa SRO sila na may entitlement ratio ng 1 is to 10 meaning sa bawat 10 na ABA stock ko ay may isa akong SRO share na pwede mabili? So, since 100 shares hawak ko ay pwede ako bumili ng maximum na 10?
Don Pepot: Yes.
Kiko: Paano kung may 100 shares ako ng ABA at yung entitlement ratio ay 1 is to 1?
Don Pepot: Pwede ka bumili ng 100.
Kiko: Yun lang pala yun?
Don Pepot: Oo. Kadalasan ang SRO ay mas mura sa market price. May instances lang na mas mahal but kadalasan mas mura kaya nakaka attract sila ng mga shareholders na bumili.
Kiko: Ang SRO ay para lang sa shareholders diba? Bawal mga walang hawak na shares?
Don Pepot: Yes tama. FOO naman ang tawag kapag pwede sa public ke may hawak na shares or wala.
Kiko: Salamat Senyor.
Kiko: Naku genyus na naman ako nito sa GC namin. Ako na naman magpapaliwanag sa kanila nito.
Don Pepot: May katanungan ka pa.
Kiko: Senyor ano po tamang spelling ng genyus? Tsaka paano mo englishin yung “di naman sa pagmamalaki pero sadyang pinagpala lang talaga ako na pinanganak na pogi at sobrang talino?”
Don Pepot: Hahaha. Ah sige na umalis ka na muna at magrerelax muna ako dito kung wala ka na tanong tungkol sa stock market.
Kiko: Salmat Senyor. Pero knock knock po.
Don Pepot: Haha. Sige. Who’s There?
Kiko: Genyus!
Don Pepot: Genius who?
Kiko: Ako po.
Don Pepot: Hahaha. Hindi naman ganyan ang…di bale na. Sige magrerelax na nga lang ako muna.
Kiko: Salamat po Senyor. Alis na ako at may GC pa ako na tuturuan.
Stay Tuned for more episodes of Don Pepot And Kiko Adventures…..
Kung gusto mo ng seryosohin ang trading at ready ka na magcommit na matutunan ito, we highly recommend that you take Tabula Rasa Stock Trading Course and become a Traders Den Student (TDS).
Tabula Rasa Stock Trading Course is a 6-month course designed to teach the basic of stock trading. Ito yung course na di ka makakagraduate hangga’t di ka natututong mag trade.
Here we will teach you the basic like:
How to chart?
What strategies to use in buying and selling?
Paano ang tamang approach sa trading?
Real time trading tips, diaries and blogs.
Live Trading Exercise
And much more…
We will also give you charting tasks and assignments para mas ma train kayo and maging live trade-ready.
If you think ready ka na, just complete the 5 PAMANA Trading Books either via Shopee Traders Den Student Starter Pack (5 PAMANA TRADING BOOKS) | Shopee Philippines or if OFW ka , pwedeng via this form https://forms.gle/XGtkJLVNTQwKzy3d6 and give us your name and email para ka makapagsimula.
We hope to see you onboard.
Happy Trading!
2 Comments
Rosell
Thank you Mam! Super simplified ng “Entitlement Ratio” when it comes to SRO.
Pasabi din pala ky Kiko Mam, sali ako sa GC charing HAHHAHAHAHA
Relyn
Galing mo talaga magpaliwanag Ma’am.. Thank you po 🙂