Blog

Don Pepot and Kiko Adventures:Delisting

Nalaman ni Kiko na tinuturuan ni Donya Marimar si Esperanza.

Isang hapon pauwe na naglalakad si Kiko papunta sa kanyang bahay sa loob ng bakuran ni Don Pepot ay narinig niya ang boses ni Esperanza na tuwang tuwa. Agad lumapit si Kiko para alamin kung ano ang pinag uusapan nina Esperanza at bakit tuwang tuwa ito.

Nilapit ni kiko ang tenga niya sa bintana para marinig pa lalo ang usapan.

“Ay naku…ganun pala ang ibang stock mars. Yung iba umaakyat pero yung iba nadedelist”

Nanlaki ang mata ni kiko dahil usapang estak market yung kinatutuwa nina Esperanza.

“Inaalam na rin nila ang estak market…forte ko yung estak market eh!”

Umuwe si Kiko at nagkulong sa kwarto.

“Nadidilis…ok…ano kaya ibig sabihin nun”

“nadidi…”

“Nadidilis…ok alam ko na… dilis!”

Ano meron sa dilis?

“tsk!”

Dali daling pinuntahan ni Kiko si Don Pepot.

Kiko: Senyor kanina pa sumasakit ang ulo ko kung ano meron sa estak market na meron din sa isda eh.

Don Pepot: Huminahon ka Kiko. Ano ba yang pinagsasabi mo. Ipaliwanag mo nga.

Kiko: Narinig ko kasi kanina si Esperanza tuwang tuwa na alam na niya daw ang dilis. Ang ibang stocks daw ay nagiging dilis.

Don Pepot: Ahhh… Delist yun.

Kiko: Oo nga po. Dilis.

Don Pepot: No no no. Deeeelist!

Kiko: Ano po ba yun?

Don Pepot: Sige maupo ka at ipapaliwanag ko sayo.

Don Pepot: Kapag ang isang kumpanya ay available ma eh trade sa stocks exchange ang tawag dun ay listed. Ang delisting or ang pag delist ay ang pagtanggal ng isang stock/kumpanya sa stock market. Kapag nadelist ang isang kumpanya ay hindi na ito pwedeng eh trade publicly.

Kiko: Whaaaaaaaat?

Don Pepot: Nakakagulat ka naman mag english Kiko.

Kiko: Pwede palang ganun? Paano pag hawak hawak mo ang isang stock tapos nadelist?

Don Pepot: Normally kapag nadedelist ang isang stock ay may tinatawag na Tender Offer.

Kiko: Yung hotdog?

Don Pepot: Tender Juicy yun. Ang Tender Offer ay ang pagbili ng kumpany or stock na madedelist sa mga stock holders ng mga hawak nila na stock. Ito yung oras kung saan nagsasabi ang kumpanya na “mawawala na kami sa stock market, bibilhin na namin balik ang shares na hawak ninyo.”

Kiko: Paano kung hindi mo nabenta or di mo na accept ang tender offer?

Don Pepot: Kapag ganun eh hahawakan mo ang stock na hindi na pwedeng eh trade sa stock market. Ang bawat stock ay may stock certificate. Kapag online trading ang gamit mo kailangan mo eh pa convert sa stock certificate ang hawak mo na shares. Punta ka sa broker mo. Magsubmit ka ng mga requirements na hihingiin nila. Kapag hawak mo na ang stock certificate ay dalhin mo ito sa company at doon mo eh benta. May mga stock transfer department naman yan sila or if wala ay may mag aasikaso sayo doon. Ang problema sa hindi mo pag accept ng tender offer ay mahihirapan ka na eh convert sa pera ang delisted stock share na hawak mo.

Kiko: Ah ganun pala…teka…bakit pala nadedelist ang isang stock?

Don Pepot: Ah!Good question!

Kiko: Ah syempre. Genius ini!

Don Pepot: May dalawang uri ng pagdedelist. Ang una ay tinatawag na Voluntary Delisting. Pinapadelist mismo ng stock/company ang sarili nilang kumpanya dahil hirap na sila sumunod sa rules ng stock exchange or may nakita silang mas better na partner and mas aasenso sila kapag doon na lang sa partner nila na yun compared na nasa stock market sila na listed.

Kiko: May nangyare na ba na ganun?

Don Pepot: Oo naman, Energy Development Corp. (EDC), Melco Resorts and Entertainment Phils. Corporation (MRP) at iba pa.

Don Pepot: Ang pangalawang uri ng delisting ay yung Involuntary Delisting. Ang stock exchange mismo ang nagdelist sa isang stock/company dahil sa mga paglabag nito ng mga rules. Late lagi magpass ng earnings report. May mga hindi nadidisclosed na pagbebenta or pagbibili ng shares. Matagal na suspended at walang ginagawang action para maisaayos ang problema. Yan at marami pang paglabag sa rules ng stock exchange.

Kiko: May nangyare na ba na ganun?

Don Pepot: Marami na.

Kiko: Ok salamat Senyor. Kailangan natin mag usap pa lagi about stock market at nauunahan na tayo nina Donya Marimar senyor.

Don Pepot: Hahaha.

Kiko: Yare na naman sila sa GC namin neto. Ngayon na alam ko na ang delisting genius na naman tingin nila sa akin kapag na explain ko ito….

Don Pepot: Ano yun? May sinasabe ka?

Kiko: Wala po senyor. Sabi ko po good night and sleep tight. Do not let din po…yung bedbugs bite.

Don Pepot: Oh sya good night. Pakiready yung jetplane natin bukas ng umaga at lilipad tayo ng Dubai may eh meet up tayo na Prinsipe doon. Ikaw na mag inform sa piloto.

Kiko: Masusunod po senyor.

Our advocacy is FREE Education for Filipinos who are willing to learn stock trading/investing. We offer free Technical/Fundamental Analysis and Market Psychology learning materials. 

Interested to know about how you can profit in the stock market but have no time to study how to trade? Long-term investing through MARGe is for you. To know more, visit this link marge.com.ph

If you want to learn more about stock trading join our Facebook Group  Traders Den PH

Inside Traders Den PH  are the following: Weekly Lessons, Healthy Discussions about strategies, experiences, and lessons about stock trading. Trading strategies like MAMA, FISHBALLPAPACALMA, and fun games too. For video guide you can watch our videos in Traders Den PH Youtube Channel 

We want to offer OFW’s, Employees, and all Filipinos a chance to learn without paying a cent.  This is our way of giving back to the community.

Come join us. Let us push free learning!

Looking for Pinoy Stock Trading Community? Join Traders Den!

If you don't know where to start, you can visit our Shopee store. Click the image to go to Shopee now.

 

Like, subscribe, and follow our social media channels. 

Shopee

Traders Den PH Official FB Page

Lioness

TD Ph Books

Thank you.

LEARN NEW STRATEGIES!

3 Comments

  • De Carr

    Aliw talaga lagi si Don Pepot at Kiko! Ngayon ko lang nalaman na may voluntary delisting pala! Akala ko PSE lang may power to make a company listed o be delisted sa stock market. Thank you for sharing this information in a very cool way!

    I agree with AJ Tamaca, this can be a kid’s stock trading book!

  • Kit-Cat

    I’m drinking my caramel crème brûlée while reading, it’s morning here and it so nice to read this style of blog . Light and refreshing like my coffee ….nice one po ! Very informative yet entertaining…it made my day…tnx much!

  • aj tamaca

    Thanks Ma’am. A creative work!
    Kailangan nyo nalang ng illustrator, at pwede na kayo gumawa ng stock market book na pambata, (just thinking aloud, hehehe c”,)

Leave a Reply

%d bloggers like this: