Donya Marimar: Episode 2
Habang nagsusun bathing si Donya Marimar sa tabi ng kanilang swimming pool ay di niya maiwasang mapansin na tuwang tuwa ang isa niyang katulong habang nakatingin sa cellphone nito.
Donya Marimar: Abah! Mukhang tuwang tuwa ka diyan ah. Kinikilig ka. Boys ba yan?
Esperanza: Aba’y hindi po madam. Natutuwa lang ako kasi may nakita akong isang investment opportunity na magdodouble ng pera ko sa loob ng isang buwan.
Nung marinig ni Donya Marimar yun ay dali dali siyang lumapit kay Esperanza.
Donya Marimar: Anong investment opportunity?
Esperanza: Ayun sa kanila. Pag naglagay ako ng pera ay madodouble iyon after a month. Naisip ko na ilagay buong sahod ko buwan buwan para domoble. Me 50,000 ako na sahod mula sa inyo buwan buwan so if ilalagay ko yun doon magiging 100,000 na. Ang galing diba madam?
Donya Marimar: Halika at may papakita at eh kukwento ako sayo.
Lumapit si Esperanza…
Donya Marimar: Narinig mo na ba yung term na Ponzi scheme?
Esperanza: Hindi pa po madam!
Donya Marimar: ito ay uri ng investment swindle kung saan ang mga naunang investors ay binabayaran galing sa pera na pinapasok ng sumunod na investor. Pera ni Juan ang binibigay ke Maria.
Esperanza: Hala…
Donya Marimar: Yung pyramiding scam na ito ay galing sa pangalan ng Italian immigrant, Charles Ponzi na pumunta ng Boston, Massachusetts in the early 1900s. Marami siya naconvince na maglagay ng pera sa kanya at dodoble ito in 3 months.
Donya Marimar: Dumami ang nahikayat nito until dumating yung time na nagcollapse yung ginagawa niya. Siya ay nakulong at mga investors nito ay nawalan ng pera.
Esperanza: Eh maam nasa labas naman po yun ng bansa baka dito sa atin baka naman po iba.
Donya Marimar: Marami na rin niyan dito sa atin. Ang latest example ay si Don Chiyuto?
Esperanza: Don Chiyuto?
Donya Marimar: Ohhh…di mo pala alam?Sige ikukwento ko. Si Don Chiyuto ay may ari ng Chiyuto Creative Wealth Document Facilitation Services na naka based sa Roxas City, Capiz.
Donya Marimar: Kapag naglagay ka ng pera mo ay may chance na mag 100 percent in one day, 30 days or 45 days, depende sa outcome ng parang roulette nila. Pwede ka maglagay mula piso hanggang 1 million. May iniikot silang roullete para sa payout mo. Marami itong mga gimik. May 5 percent ferral sa bawat maipasok mo na investor. May mga paraffle din ng kotse. Yan at iba iba pa na gimik para makahikayat ng mga sasali.
Esperanza: Talaga po?(nanlaki ang mata)
Donya Marimar: 2021 lang ito kaya fresh pa. Marami ang sumali. May mga naglagay pa ng isang milyon. Sa unang mga buwan ay ok pa at nakakapagbigay pa ng payout. After a while, may delay na sa payout.
Donya Marimar: Medyo kakaiba ito kasi may “kidnapping” na involved which marami nagsasabi na ginawa lang as an exit strategy ni Don Chiyuto. Medyo matatawa ka kasi may video ang pagkidnap sa kanya which marami ang nakaobserved na parang skit ang pagkidnap.
Esperanza: Ay grabe pala.
Donya Marimar: This year lang ito nangyare. Teka… bakit mo ba kailangan doblehin pera mo?May bayarin ka ba na di ko alam?Kailangan mo ba ng salary increase?
Esperanza: Eh..kasi po…uhmm..
Donya Marimar: Si Kiko po kasi. Naiinggit ako sa kaniya. Stock trader po kasi siya. Kagabi po tinatanong niya kami kung alam daw ba namin ang “fat finger” at nung di namin alam eh sabi niya mahinang nilalang daw po kami.
Donya Marimar: Hahaha!
Esperanza: Gusto ko din sana po kasi maging stock trader madam kaya lang nahihiya ako magpaturo sa inyo.
Donya Marimar: Hmmmm… eh gawa mo ako ng fresh orange juice at tuturuan kita ng stock trading.
Esperanza: Talaga po????
Donya Marimar: Oo naman. Yun lang. Para naman mas gumaling ka pa kay KIKO.
Esperanza: Oh my gad!Salamat po mam.
Abangan….
18 Comments
kenpalaganas
galing talaga ni Ms.Gk salamat po sa mgaa turo nyo..infairness 50k/mo sahod ni Espiranza ha..hehe
Shaui Verzola
Mam ilang orange juice gusto nyo igagawa namn kayo. 🙂
Marie
Very entertaining! at laging may lessons. Thanks mam! 🙂
michael rojas
kaabang-abang po ang susunod na kabanata maam,yari si kiko nyan kay esperanza pag yan natuto ahhahaa
Chipepot
Waiting po ako kung anong role ni pulgoso hahaha. Nakakatuwang magbasa ng mga ganito blogs nyo maam.
Very entertaining at the same time educational.
Jhukee Ban Marz
hahaha salamat mam, enjoyed much.
Aldrin Guim
haha sana all nagttrabaho kina Donya Marimar at Don Pepot . Nakakaenjoy po tlaga itong ganitong story Comedy + Learning . Hndi ka mabobored magbasa ng kwento. Avid fan na ako ng Don Pepot and Kiko Adventures simula ng gumawa kau nun mam. Haha more story to come !
edgie
hahaha natawa ako kay Kiko naturuan lang ng fat finger eh hahaha…pero parang ako dun ko lang din nalaman ung meaning nung fat finger sa trading 🙂
Karina trades
Parang continuation ng The Boss book na katatapos ko lang basa kahapon… Sana ol 50k ang sahod magkatulong ka lang AHAHAHA
Btw hnd p rin pla tapos yang ganyan n investment scam mam. Biktima din ako nyan na thank u ung 50k ko, 2019 un. Di ko p alam ang stock market parang si esperanza hahaha
Erwin Leal Manuel
Gg siya ngaun kay kiko nasabihan ng mahinang nilalang.hahaha.ang dami kong tawa mam lioness.salamat po ng maramisa enjoyment while reading at sa mga free learning po.Godbless
MMTrader
DON PEPOT….these series will be unbelievable
Johnver
Nagenjoy k n bashin at napakainformative n topic. Salamat po Ms Lioness and Mam GK
Cristyl Baronda
These series will be my new fav haha
geraldine
aba! ang yabang ni kiko… hahaha..
sobrang tawa ko sa mahinang nilalang.. hahahaha
Thank you Ms. Lioness…
myra mae mendoza
ang saya nga basahin sa komiks, mas naeenganyo kasi ang iba magbasa pag may visuals
Mark Calungsod
Nagbabasa while inom ng orange juice. Este kape pala
Daydreamer
Maganda pag naging komiks ito. I’m a Comic artist by hobby
Arvin
Natawa talaga ako dun sa banat ni Kiko ” mahinang nilalang” dahl hindi alam ang fat fingers hahaha nagyabang na naman si Kiko, yari ka Kiko ke Esperanza tuturuan na siya ni Donya Marimar, ang nagturo kay Don Pepot sa stock market.