Blog,  EXCLUSIVE BLOG for TDS

Forbidden Knowledge

THE EXCUSES

“Baka umakyat pa hold ko muna”

“Pinasok ko to sa MAMA. May exit signal na sa MAMA pero pagtingin ko sa CALMA wala pa exit eh. Hold ko muna”

“may exit signal na pero 1 percent pa lang naman loss ko pwede pa ito eh hold konti

“May 1 Million Bid sa baba ng dapat ko na exit price. Hold ko muna aangat pa ito”

” Nabuhusan ako bigla. Anlaki na ng loss ko di ko na macut kasi sayang.”

These are just a few out of 1 Million excuses na pwede mo sabihin just to avoid cutting your losses.

ANG LARO

Isipin mo ganito.

May palaro sa school ng jolens.

Every year mula 1950’s ay may ganitong palaro.

Ngayon ikaw eh this year lang pumasok sa school na ito.

This year mo lang nalaman na may palaro ng Jolens.

Hindi mo alam ang rules.

Ang alam mo lang ay si Mang Juan nanalo few years ago sa jolens.

Laki ng prize niya at ang ganda ng jolens niya.

Ang alam mo lang ay nanalo si Carla two years ago at ang laki ng pera nakuha niya.

Hindi mo inalam ang rules. Ang alam mo lang ay may mga nanalo ng malaki.

Sumali ka sa laro.

Ang laro ay tungkol sa kung sino ang makakatapos shoot sa lahat ng butas.

May 30 na butas. Para makaproceed sa next ay kailngan mo eh shoot ang jolen sa butas.

Yung butas ay maliit na hole sa lupa.

Ang alam mo lang sa utak mo ay may nanalo na kumita at ang gaganda ng jolens nila.

Pinasok mo ang jolens sa unang butas. Nakachamba ka at naipasok mo.

Nandun ang jolens mo. Kinuha mo. Pinunasan. Tiningnan mo.

“Ay ang ganda pala neto. Ako siguro mananalo nito sa pagandahan.”

Pinunasan mo ulit.

“Grabe ang ganda. Paano kaya nila nadesign ng ganito ito. Akin na ito at hinding hindi ko na bibitawan.”

While gumaganon ka eh yung the rest nag aadvance na.

Ikaw andun sa unang butas kausap ang sarili.

MGA TRADERS

Maraming mga traders ang pumasok sa trading na di alam paano magtrade.

Ang alam lang nila ay may kakilala sila na nakabili ng bahay o sasakyan dahil sa trading.

Ang alam lang nila ay may kakilala yung kakilala nila na kumita ng 1 Million sa trading.

Pinasok ang trading. Bumili ng stock. Nainlove. Doon na lang siya.

Bawat opportunity ay hinahayp hawak niya. Lahat ng maganda na balita sa stock niya ay pinagsisigawan.

Weeks na ang lumipas andun pa rin siya.

Months na hawak pa rin niya. Umabot na ng years.

They think they are doing the right thing pero nagtataka sila bakit wala silang improvement.

RULES

I bet no one told these traders na paliitan ng loss ang laro ng trading.

I bet walang nagsabi sa kanila na yung gain eh dumarating yan at di mo kailangan habulin.

Yung mga ceiling plays at lipad ay dumarating yan. Month by month eh meron at merong stock na lumilipad.

Di yan nauubos.

Wala ka control sa ganun.

Ang tanging may control ka ay sa liit ng losses mo.

Ang larong ito ay paliitan ng losses until dumating ang oras na kumita ka na.

Looking for Pinoy Stock Trading Community? Join Traders Den!

If you don't know where to start, you can visit our Shopee store. Click the image to go to Shopee now.

 

Like, subscribe, and follow our social media channels. 

Shopee

Traders Den PH Official FB Page

Lioness

TD Ph Books

Thank you.

LEARN NEW STRATEGIES!

2 Comments

  • Kristina Lag-asan

    Hello po, beginner plang po ako talaga. Kino convince po ako ng mama ko na aralin ang trading. Ngayon pinahawak niya ako agad ng stock ng DITO alam ko na ngayon, laro pla ito ng paliitan ng loss haiist wat to do, ang laki na ng loss ko kailan ko kaya bibitawan

Leave a Reply