Blog

Gurus And Mentorships Are Selling You A Lifestyle And You Are Falling For It! (Exposé Of The Year)

Yung feeling na nakikita mo na halos lahat sa buhay ng isang guru at mentors pero di mo nakikita siyang magtrade!

Tipong nakikita mo gym videos kasi “kailangan palakasin ang body at hindi lang mind kapag trader ka” daw pero wala kang nakikita ni isang live trade.

Tipong nakikita mo ang mga tours ng guru at mentors mo sa iba’t-ibang bansa with “daily life of a (forex,stock,crypto) trader” pa na title pero wala ka naman napapala pagdating sa trading.

Instead matuto ay sinasabihan ka na “magcopy ka na lang” kaya ang labas mo ay parang mindless robot na di alam ano ang nangyayari sa trade or di alam ang ginagawa.

May house tour, may car videos, may food vlog pero walang live trading.

Kung may live trading man ay isa lang halos sa loob ng isang buwan.

Nagdadissect ng “past trades” pero wala yung mismong real-time trading.

May analysis, may pagreplay button sa tradingview at may market outlook pero wala yung mismo pagtitrade ng live at pag-execute ng setup sa live na market.

Alam mo bakit ganyan?

Kasi LIFESTYLE ng trading ang ibinebenta nila sayo.

I remember on one of our live trading discussions na nag-ask ang isang student ko kung ilan ang cars ko.

Out of nowhere ha..

Nasa middle kami ng discussion biglang nag-ask ilan ang cars ko.

I have few cars since I was a teenager kako.

That has nothing to do with trading kako.

I told my student na I’m not selling you a lifestyle.

Wala naman connection ang car sa trading haha.

Di naman advantage yan kung marami kang car or isa lang ang car mo.

TRADING LIFESTYLE ang binibenta ng karamihan sa mga gurus at mentors and a lot of people are falling for it.

Ang ending niyan ay wala din silang napapala.

Yes, nakikita nila ang mga tours, foodtrips, gym videos at iba pa mula sa gurus nila pero may progress ba sila sa sarili nilang trades? Wala.

Why?

Kasi wala naman connection ang lifestyle sa mismong trading.

Nagpapamentor ka nga kasi gusto mo magkaprogress at gusto mo maguide ng maayos sa trading diba?

Edi dapat umiikot sa mismong live trading ang usapan ninyo ng mentors mo.

“Bakit ka pumasok sa price na yan?”

“How do ou trail your profits?”

“Bakit nanjan yung stoploss nakalagay?”

“Ano ang conditions para magbawas ka ng position or mag-add?”

Those type of questions ang dapat mong naitatanong at dapat mong nalelearn.

Iba ang lifestyle na nakikita mong binibenta sayo at iba din ang buhay ng totoong nagtitrade.

Yung preparations mo pa lang sa mga trades mo ay kukuha na ng oras mo yan. Yung pagdeal mo pa sa mga losses mo.

Di totoo yung mga “Nagbabakasyon ako at papress press lang ng buy then pera na” na nakikita mo palagi.

Gagapang ka sa losses.

Kakausapin mo sarili mo sa salamin.

You will struggle pero once nagkagrowth ka na dahil sanay ka na sa live trading at nagsimula nang dumating ang wins mo ay talagang ang sarap ng feeling maging trader.

Never kang magkakagrowth sa lifestyle na binibenta ng gurus at mentors.

Kung nais mo talagang matuto ay halika at tuturuan kita.

Walang lifestyle. Walang ibang keme.

Usapang trading, live trading at pagmanage ng trades lang.

Join us.

Join us here for forex, oil/commodities, metals, crypto and US stock market trading mentorship:
https://form.jotform.com/232946879623472

Join us here for PSE stock trading mentorship:

https://form.jotform.com/241343777522458

If you join us TODAY ay ang daming FREEBIES!