GUT: Joanne
I started investing in stock market on year 2018 when I heard about NOW corporation (kasagsagan ng 3rd telco chuchu). I saw my officemate’s gain (bought in 2pesos sold in 10 pesos), he even took a loan just to invest again in NOW. Aaminin ko nasilaw ako. HAHAHA. It’s like “OMG! Quick money. Gusto ko rin! ”
So I open an account. Bought NOW as my first stock, bought it @16 then bumaba sya, sabi ni officemate, okay lang yan tataas uli yan, there is no way but up daw. Nag 11 pesos, nag average down pa ako. Pero lumagapak sya bes! Balik 2 pesos! HAHAHA. Simula nun di ko na uli binuksan portfolio ko. Sa isip ko, di naman yan loss hanggat di ko pa nabebenta. Lol
Habang ipit ako sa NOW, nagbabasa basa ako ng mga blogs at nanonood sa youtube paano magtrade. Then nakita ko ang TD (Trader’s Lounge before). Ang ganda ng group nagtuturo ng strategy for free. Pinag aralan ko ang mama strat. I saw PHA na nagMAMA. Alam ko san ang entry at exit, pero bakit ganon? Nung may exit signal na hinold ko lang. HAHAHHAHA so ayun dalawa na ipit ko – NOW (-80%) at PHA (-50%).
Then si mam GK, nagpost sya sino sino daw mga may -50% na loss sa portfolio imementor daw nya for FREE.
Edi of course, pinost ko dalawang ipit ko. Luckily, napili ako makasama sa GUT. Nasa more or less 20 ata kami nagstart noon, then ngayon less than 10 na lang. nashonggal yung iba dahil di nakakasubmit ng assignments, yung iba naman sumuko. Grabe dami naming assignments. 1000 charts ganon need mo tapusin ng weekend. Nung time na madami nagqquit sa GUT, nagdecide si mam na all for one, one for all kami. Pag sumuko isa, dissolve daw ang GUT. So syempre ako kahit na may time na parang gusto ko na rin sumuko sa dami ng charts nawawalan na ako weekend pahinga, ayoko gawin kasi kawawa naman classmates ko na di bibitaw diba. Tulungan talaga kami I remember pa non, dinala ko sa ER anak ko pagkauwi ng bahay derecho charting kasi ayoko rin naman madissolve ang GUT. Ang galing ni mam magturo. Nabago nya kami. Ang galing na naming magCUT hehe. Promise hirap naman kasi talaga magCUT. Kahit na lagi mo nababasa na mahalaga ang cutloss na it will save your portfolio to bigger losses, ikaw sa sarili mo hirap gawin. Nadisiplina kami ni mam. Binabantayan nya portfolio namin. Tipong ”oh bat mo binili yan high risk na nga? Tigas ulo mo! diba yan una ko tinuro sa inyo ang pagmeasure ng risk. di pala kayo nakikinig e” tas kami lahat tahimik na pag galit na si mam. Hehe
Si mam family na ang turing sa amin. I remember isa namin classmate na nasalanta ng bagyo, pinadalhan nya agad ng pera. Hindi basta sa stock market lang ang pinag uusapan namin. Kahit yung ibang finance related tinuturo sa amin ni mam, kung pano maiimprove ang pagsave namin ng pera, etc.
As of now, nabawi ko na ang naloss ko. Mama at calma lang sakalam guys. HAHA. Until now, binabantayan pa rin ni mam ang portfolio namin. mga watchlist namin chinecheck nya everyday.
Sobrang thankful ako kay mam, sa pagturo nya sa amin sa pagguide sa amin. Kahit nga maysakit sya nagtuturo pa rin sya. Sabi nya nga forever family daw kami. Thank you mam! I LOVE YOU SO MUCH
If you want to learn the things that our mentor taught us inside GUT. They are all written in her PAMANA Trading Books.
Get your copies now. You may visit TD PH Books for more inquiries or reserve and get a copy by registering at this link: https://forms.gle/XGtkJLVNTQwKzy3d6
Images below are sneak peeks of the PAMANA Trading Books.
One Comment
Rosell
This one of a kind na reminders’ din sa akin Mam na huwag sumuko despite na andami ko pang kulang sa mga assignments due to school and work, pero lalaban parin ganorn! 😉 Thanks for sharing Mam Joanne ♡