Financial Literacy

Inflation

This post is originally shared inside Traders Lounge Facebook group by Gandakoh in the hope of increasing financial literacy.

Ano ba ang inflation?

Ang inflation ay ang porsyentong pagbabago ng consumer price index (CPI) sa loob ng isang taon. Sinusubukan ng CPI na sukatin ang presyo ng maraming produkto at serbisyo sa isang ekonomiya.
 
Dahil imposibleng sukatin ang presyo ng 100% ng mga bilihin, sinasali lamang ng CPI ang basket of goods o ang mga produkto at serbisyo na kalimitang binibili ng ordinaryong Pilipinong consumer, tulad ng pagkain, damit, renta sa bahay, bayad sa kuryente, tuition, atbp.
 
Ang inflation ay lagi ring nakadepende sa isang base year (o reference year). Ang PSA ay gumagamit ngayon ng 2012 base year. Ibig sabihin, ang CPI ay nakapako sa 100 noong 2012. Anumang paggalaw ng CPI mula noon ay ang inflation rate.

Kailan mabuti ang inflation?

Sa loob ng mahahabang panahon—tulad ng maraming dekada o siglo—ang inflation ay katuwang ng paglago ng ekonomiya.
 
Kung mapapansin, ang mga maunlad na bansa tulad ng US o Japan ay mataas rin ang cost of living. Ito’y dahil sa mahabang panahon, habang yumayaman ang mga Amerikano at Hapon, ay lumaki rin ang kanilang paggastos sa mga produkto at serbisyo.
 
Alam natin mula sa basic economics na ang mataas na demand ay nagdudulot ng mas mataas na presyo.
Isa pang dahilan kung bakit maituturing na maganda ang inflation ay dahil may masamang dulot din ang deflation, o ang pagbaba (imbis na pagtaas) ng mga presyo ng bilihin.
Bukod sa maaari itong senyales ng pagbagal ng isang ekonomiya, lumalaki rin ang totoong halaga ng mga utang tuwing may deflation.

Kailan masama ang inflation?

Bagamat ok ang inflation sa mahahabang panahon, hindi ito maganda pag masyadong mabilis.
Ano ang totoong sanhi ng inflation?
 
Bakit nga ba mataas ang inflation ngayon?
 
May dalawang uri ng inflation base sa sanhi nito: demand-pull o cost-push.
 
Nangyayari ang demand-pull inflation kapag umiigting ang paggastos o pagbili ng mga tao ng mga produkto at serbisyo sa ekonomiya.
 
Nangyayari naman ang cost-push inflation kapag nagmamahal ang mga gamit sa produksyon sa ekonomiya; halimbawa, kapag nagmahal ang presyo ng langis o humihina ang piso (na nagpapamahal sa mga inaangkat nating mga produkto).
 
More info here.

Our advocacy is FREE Education for Filipinos who are willing to learn stock trading/investing. We offer free Technical/Fundamental Analysis and Market Psychology learning materials. 

Interested to know about how you can profit in the stock market but have no time to study how to trade? Long-term investing through MARGe is for you. To know more, visit this link marge.com.ph

If you want to learn more about stock trading join our Facebook Group  Traders Den PH

Inside Traders Den PH  are the following: Weekly Lessons, Healthy Discussions about strategies, experiences, and lessons about stock trading. Trading strategies like MAMA, FISHBALLPAPACALMA, and fun games too. For video guide you can watch our videos in Traders Den PH Youtube Channel 

We want to offer OFW’s, Employees, and all Filipinos a chance to learn without paying a cent.  This is our way of giving back to the community.

Want to support our ADVOCACY? Click HERE

Leave a Reply