Blog

ITYOS Traders

Ang unang sign na dapat mo iwasan ang isang trader ay kapag gusto niya maging tama.

Sa mga traders na gustong maging tama ay wala na iba pang satisfying moment but to be proven right.

They smile with their head held high as they scream “I told you babagsak ang DITO.”

“I told you babagsak ang (insert stock code).”

I have seen a lot of those traders kaya funny na lang yan sa akin.

Wala ka talagang ibang way para manalo sa mga ganyan kasi pride at ego ang kinakalaban mo sa kanila.

They feed off being right.

Most of them naman kapag tiningnan mo ang own performance nila ay may mga malalaking losses at ipit.

I call these traders ITYOS kasi mga I TOLD YOU SO traders sila.

It goes both ways ha at hindi lang sa mga bumabagsak na stocks.

May mga ITYOS din sa umaakyat na stocks.

“Sabi ko na aakyat ang MWIDE eh”

“Kung sinunod ninyo payo ko edi sana..”

“I called this stock when it was at this price.”

Never attempt to discredit them or go against them kasi mahurt egos ng mga yan.

Ang solution kapag nakatagpo ka ng mga ITYOS traders ay iwasan mo na lang.

I never reco nor predict.

I do not know what is going to happen sa future so ano naman sense na magreco ako.

I just trade. I have my TDS and sila din nagtitrade lang yan.

If you ask me kung aangat yung isang stock ang isasagot ko sayo ay di ko alam or pwedeng umakyat at pwedeng bumaba.

If I bought a stock lets say bumili ako ng stock XYZ at bumagsak siya, I will simply exit.

I don’t feel bad. I was not wrong nor I was right.

Nagtrade lang ako ng XYZ and ang outcome ay loss.

Ganun lang yun.

Si market lang naman ang gumagawa ng outcome.

Walang trader or guru or analyst or kung sino pa man ang nakakaalam ng future at 100 percent certainty.

Lahat yan ay guesses lang at opinion.

Sige since andito ka na ay ishare ko na lang din ang kwento na ito.

Nakwento ko na din ito noon sa TDS. Real life na kwento. Walang peke or drawing.

Take a look at this transaction history.

Ito ay transaction history ng isang trader na RIGHT.

Bumili ng BKR nung umangat ang BKR.

Bumili sa 2.78 pesos. Bumagsak ang BKR. Nagbenta sa 2.66 pesos.

Gusto patunayan na tama siya at mali si market kaya bumili ulit sa 2.65 pesos.

Bumagsak nagbenta sa 2.61 pesos.

Di mapakali kasi tama talaga siya kay bumili ulit sa 2.6 pesos.

Nagbenta sa 2.55 pesos.

Tama talaga siya sabi niya.

Bumili ulit sa 2.56 pesos.

On and on and on.

Bili to prove na tama siya. Benta dahil iba sinasabe ng market.

Last na benta niya was 2.46 pesos.

Sa isang araw ay anlaki ng losses niya dahil lang sa EGO.

Marami pa akong mga ganitong kwento. Yung mga real life na kwento na di drawing.

Normally ay sa TDS ko lang shinishare ang mga ganito but today I think ok lang naman magshare sa inyo baka makapulutan pa ninyo ng aral.

So, umiwas ka sa mga ITYOS na traders.

I’m inviting you bukas sa Fundamental Independence 2.0 course namin.

Kung naghahanap ka ng investment or basic ng fundamental analysis ay try mo ang course na ito.

Its cheap dahil para ka lang nagkape sa Starbucks but ang ganda niya.

Heto ang mga feedbacks.

Leave a Reply