Blog

Kasalanan Ni BBM Ang Pagbagsak Ng Peso Kontra Dolyar!

I would not be doing this blog kung karamihan sa atin ay financial literate.

It turns out na most pala sa atin ay hindi kaya let us try and help each other out.

Bago tayo magpatuloy ay let me be clear lang na I am not against President Marcos.

I am not against any president. Kung si Leni ang nanalo ay Ok lang sa akin. Kung si Manny Pacquiao ang nanalo ay ok lang din sa akin. Sino man sa kanila ang nanalo ay ok lang sa akin.

Now na that is out of the way eh simulan na natin ang pag uusap.

58.95 pesos ang isang dollar ngayon.

Kadalasan ang nasisisi sa pagbagsak ng peso or paghina ng peso ay ang Pangulo ng Pilipinas. Matagal na yan na gawain ng kapwa natin Pinoy. Ramos was blamed. Joseph Estrada was blamed. Gloria was blamed. Noynoy was blamed. Duterte was blamed.

Everytime na humihina ang peso ay kasalanan agad ng Presidente yan.

SINO ANG NAGDEDECIDE SA EXCHANGE RATE?

Una sa lahat ay alamin muna natin sino ang nagdedecide sa exchange rate kasi kung sino man yun ay siya ang dapat nating sisihin since pinagdesisyunan niya na gawing mahina ang peso.

So, sino ang nagdedecide? Presidente ba? Si Mayor ba?

Kung sa Pilipinas lang na usapan ito ay pwede tayong maghanap ng sisisihin but exchange rate involves other countries and currencies kaya instead na sino ay ano ang dapat na tanong.

Ano ang nagpapabago sa exchange rate?

Walang single factor kasi maraming factors pero simplehan natin para maunawaan.

Sabihin nating may producto na tsinelas ang Pilipinas. Maganda ang tsinelas na ito. Sa sobrang ganda niya ay halos lahat ng bansa especially ang US ay gusto bumili. Tumaas ngayon ang demand sa tsinelas na produkto ng Pilipinas.

Para makabili ang US ng tsinelas na produckto ng Pilipinas ay kailangan nitong ipagpalit sa Peso ang pera niya. Peso ang pera ng Pilipinas while yung sa US naman ay dollar. Para makabili ang US ay ipagpapalit nito ang dollar sa peso.

Sabihin natin na yung isang dolyar ay nasa 60 pesos. Since maraming tsinelas ang gustong bilhin ng US ay maraming dolyar ang ipapalit niya sa peso meaning dadami ang dolyar na reserve ng Pilipinas. Ang pilipinas kapag may bibilhin sa US ay nagpapalit din ng pera mula peso to dollar. Kapag maraming dolyar ang Pilipinas ay hindi na niya kailangan magpalit ng peso to dollar kasi marami na siyang reserve.

Ano ang mangyayare nagyon?

Babagsak ang halaga ng dollar. Yung dating 60 pesos na dollar ay magiging 59 pesos na lang. Why? Yan ang basic sa supply and demand. Kapag maraming gustong bumili ng iphone 14 ay ang mahal nito. One year later kapag wala na may gusto ng iphone 14 dahil may iphone 15 na ay magmumura ang iphone 14.

Kaya nga mahal ang gold at diamond kasi maraming may gusto nito pero konti ang supply sa mundo.

I used supply and demand para madaling intindihin ang exchange rate.

Hindi lang yan ang dahilan sa pagtaas at pagbaba ng exchange rates.

Inflation, Interest Rates, Public Debt, Political Stability, Economic Health, Balance of Trade, Current Account Deficit and a lot more.

Let me give you an example. Tumaas ang presyo ng langis sa atin diba?Mahal na yung gasolina at diesel. Sino nagdecide na ganun yun? Yung SHELL ba? Yung Petron? Yung Total?Yung Sea oil? Si Leni ba? Si BBM ba?

Nagkaroon ng gyera sa Ukraine at Russia diba?

Hindi tayo affected directly kasi ang layo ng Ukraine at Russia plus wala tayong kinalaman sa gyera nila but….

Russia accounts for 12 percent of global oil and 24 percent of natural gas production. Nung nagkagyera na ay biglang tumaas ang presyo ng langis sa mundo. Again, supply and demand. Tumaas din presyo ng gasolina at diesel sa atin.

Maliban sa mga nangyayare sa labas ng bansa ay kakagaling lang din natin sa Pandemic although di pa naman yata tapos but we managed to survive the worst part of it. Maraming ayuda na binigay ang government. Maraming expenses ang government. All these things contribute sa economy natin which also affects our exchange rate.

Philippine peso is expected to continue losing value as we recover from the effects of the pandemic, the Russia-Ukraine conflict, and other global economic situations.

Magrerecover din ang peso sa mga coming months kasi unti-unti na rin nagrerecover ang economy natin plus yung influx ng remittance ng mga ofw this coming Ber months. Yung pagrecover or paglakas ng peso ay di lang dependent sa own doing ng bansa natin kaya may mga global factors din na dapat iconsider. If everything stays the same globally or mag improve ng konti ay rerecover din ang peso.

I hope this blog removes all the ignorance from you na may isang tao na me kasalanan bakit weak ang peso ngayon.

I asked this question sa Financial Literacy topics namin kanina sa Traders Den which is our facebook group. Heto ang mga replies at discussions:

There are a lot of smart and knowledgeable people out there. If ang nakakausap mo ay may kung sinong sinisisi sa paghina ng peso natin ay nasa maling group ka or nasa maling crowd.

Ano ang magandang gawin na weak ang peso at economy ngayon?

I can think of two things.

Una, invest in real estate. Real estate, if strategically chosen, shall appreciate continuously among all investments.

Pangalawa, learn to invest or trade in stock, forex or crypto markets. Ito ang best time para matuto kasi hindi pa nagrerecover ang mundo fully. Once it does kasi mataas na presyo ng almost lahat ng assets.

Now is the best time to learn.

Let me invite you sa September 30.

We will have a trading course na sobrang solid.

Ang course na ito ay para sa traders across markets. Crypto, forex, or stocks.

Game changer and a life-changing course ang gaganapin sa September 30.

The course is called THE BERZERK SYSTEM course.

Kahit itry mo lang. Di mo naman need maniwala agad. Try mo lang. You at least owe it to yourself na itry. If di ka naniwala after edi ok but at least you gave yourself a chance na itry.

Those na nagtry nakaraan have something to show after. Here it is.

Heto ang result sa trades ng mga umattend noon.

Heto ang mga experience ng previous course attendees ng MASTERCLASS SCALPING and DAY TRADING.

Leave a Reply