Blog

Magaling Ka Sa Trading? Nasaan Ang 5 million Pesos Profit Mo?

I often tell my students na kapag tama ang approach mo sa trading ay great resulst will follow.

Nakakita ka na ba ng buong 5 Million Pesos na profit sa live trading?

Hindi pa?

Let me show you!

Sarili kong trade yan. Walang may nagreco or naghype sa akin.

Current yan as in today.

That is just one of my ports.

The lesson I want you to learn from this blog is possible kang kumita ng malaki sa trading.

You need to filter out voices.

You need to filter out who you follow.

Marami kasing malulupet sa charts, sa pagpaliwanag at sa analysis but pagdating sa real trading na ay hindi nakakapagproduce ng great results.

Walang ibang sukatan ang trading kundi performance mo.

Yung pagchachart ay pwede mong dayain. Yung pagpapaliwanag ay pwede mong kopyahin. Yung analysi ay pwedeng gumawa ka ng vague analysis na safe whatever man ang direction na gawin ni market.

Ang trading result mo ay hindi mo madadaya yan especially sa global market.

Kapag hindi ka marunong mag approach ng tama sa trading ay 100 times na mas salbahe at mas malupet ang global market magpunish.

Sa PSE hindi magiging zero ang pera mo kahit sobrang panget ng pagtrade mo pero sa global ay kayang-kaya kang izero at iwipeout if hindi ka careful.

Mapa PSE, Forex, Crypto at US Market ay magsusucceed ka once you approach trading properly.

Wala yan sa strategy mo.

Wala yan sa laki or liit ng capital mo.

Wala yan sa galing mo sa technicals.

Proper trading approach is more than just your strategy and trading plan.

It involves you figuring out your strength and weakness as a trader and building the proper trading personality na magpapatagal sayo sa trading.

If you feel na wala kang progress sa trading ay baka naman hindi tama ang approach mo.

Learn how to approach trading properly at magmamanifest yung approach na yun sa trading results mo.

Cheers! Welcome sa 5 Million Peso Profit Level Ng Trading!

%d bloggers like this: