Magkano Ang Kinikita Ng Mga Traders?
Ito ang unang tanong na papasok sa isip mo kapag bago ka sa trading.
“Magkano ba kitaan jan?”
Most na mga baguhan at mga nagpaplano na pumasok sa trading ay inihahalintulad ang trading sa regular job.
Sa trabaho mo ay may steady paycheck ka every month regardless of how you performed.
Trading does not work like that.
You are as good as your last trade.
Isa sa pinakaworst na pwedeng gawin ng isang trader ay magkaroon ng financial goal sa isang trade.
Tipong may calculator na agad sa tabi after bumili.
“Bumili ako ng DITO worth 100,000 pesos, magkano kaya kikitain ko kapag umangat si DITO ng 2500 percent?”
Yan ang thinking na nagpapopular sa averaging down.
Bumili ka kunyare ng isang stock sa piso at kapag maging 20 pesos ay kikita ka ng isang milyon.
Bumaba sa 0.90 cents ang stock. Bumili ka pa lalo. Sino ba naman ang hindi bibili? Paano mo maresist na di bumili kung yung pagbili mo ay nangangahulugan na mas kikita ka pa once naging 20 pesos na ang stock.
Bumaba ulit sa 0.80 cents.
“Palkpakan po!”
“Ohhh yees!”
Bibili ka pa lalo syempre kasi kung noon ay 1 million ang kikitain mo, ngayon 1.5 million na once naging 20 pesos ang stock.
Umangat sa 0.85 cents ang stock.
“Tsk!Sayang dapat dinamihan ko pa noon.”
Bumagsak sa 0.70 cents ang stock.
“Wohooooo!This is it pansit!”
“Aaverage down ko pa ito more para instead 1.5 million ay 2 million na kikitain ko once naging 20 pesos ito.”
That can go on for years until one day boom! Nagising ka na lang na parang di na tama ang ginagawa mo kasi halos nasa stocks na lahat ang savings mo pero hindi pa rin naman umaangat.
Averaging down a loser has burned and wiped out a lot of traders more than it has made millionaires.
You cannot have a financial goal when you trade.
Trading does not work like that.
May panalo ka at may talo sa trading.
Hindi nag eexist ang isa kung wala yung isa.
Mananalo’t mananalo ka kahit pa pachamba ang trades mo. Matatalo’t matatalo ka kahit pa feeling mo sobrang galing mo na.
It will take you years bago mo mafigure out na ang key sa trading ay umiikot sa magkano ang pwede mong ipatalo sa bawat trade.
Ang weird noh?
Unang rinig ko niyan more than a decade ago ay di rin ako naniwala at mas naconfuse ako.
Your own experience sa ipit, sunog at wipeout ang gigising sayo sa meaning niyan.
So, magkano ang kinikita ng mga traders?
Depende sa trades nila.
May kumikita ng ganito sa isang araw.
May nalulugi naman ng ganito holding the stock for weeks to months.
Ano ang difference ng dalawang kitaan?
Approach sa trading.
If nais mo matutunan ang tamang approach then join us sa October 8 kasi ituturo namin ang tamang approach sa trading including one of the best strategy to ever be created.
Bago ka magreact ay may resibo ang mga traders na umattend sa course na ito nakaraan. Proof na nagwowork ang natutunan nila sa course. Heto yun: