Market Discounts Everything: A Lesson Every Beginner Trader Must Learn!
May mga noobs na nagbabasa ng blog ko kaya let me do you a solid lesson.
Let us talk about an idea na need mo malaman or at least mapasink in kapag bago ka pa lang sa trading.
May concept sa trading na MARKET DISCOUNTS EVERYTHING or PRICE DISCOUNTS EVERYTHING.
Ang ibig sabihin nito ay anuman na information na meron ay nakareflect yan sa price.
Medyu vague or hard na concept ito idigest kapag newbie ka but let me simplify it for you.
Kunyare may insider na alam niyang bibilhin ni ALI si X (Xurpas).
Nauna siya sa balita na yun. Ang gagawin niya ngayon ay bibili siya ng bibili ng X na stock.
While ginagawa niya ito secretly, ano ang mangyayare sa price ni X?
Aangat diba?
Siya lang nakakaalam or siya ang nauna sa information pero ang action niya despite hindi mo alam ay narereflect sa chart. Biglang dumami volume ng trades kay X ay biglang tumaas ang price nito.
That is one example of how price discounts everything na concept.
Isang example pa.
Naglabas ng earnings report si SMPH kunyare. Lets say down ang earnings ni SMPH this quarter.
Ke nagbabasa ka or hindi ng earnings report ay rereflect sa price ni SMPH ang nangyare.
Ano mangyayare kay SMPH? Babagsak ang price kasi marami ang nagbentahan.
Ke marunong ka or hindi ng fundamental analysis ay makikita mo sa price action yung effect ng pagbaba ng earnings ni SMPH.
Kaya price discounts evrything.
Another example.
Kunyare wala kang alam sa mga technical indicators.
Yung price ni ABA ay bumagsak ng bumagsak for two weeks straight.
Yung RSI niya ay super oversold na. Marami ang nagbilihan kaya umangat ang price ni ABA.
Di mo kilala ang RSI at wala kang idea sa RSI pero nakita mo na umangat ang price ni ABA.
Despite wala kang idea sa RSI, kita mo pa din sa price yung pagbili or yung decisions ng mga traders na bumili.
Anuman ang information, events, news, economic data, etc. na hindi mo alam ay makikita mo yung result niyan sa price.
Either aakyat or babagsak or anuman na galaw ang gawin ng price.
Lets take DITO for example. Nakaloan si DITO ng almost 4 Billion dollars.
Lets say wala kang idea na may ganun na nangyare kay DITO.
Kahit wala kang alam sa news or event na yun ay makikita mo pa din ang outcome ng event na yun sa price kasi umangat ang price ni DITO.
Clear na?
Anything and everything is in the price.
Price discounts everything.
Kaya hindi mo kailangan ng rumors. Hindi mo kailangan ng chismis. Hindi mo kailangan ng insider information.
Priced-in na yan lahat sa price.
Kung anuman na bago ang meron ay irereflect ng price yan.
Yan ang concept ng price discounts everything.
I hope may nalearn ka today.
Stay tuned lang kasi paminsa-minsan ay I’m dropping some blogs para makadagdag sa knowledge ng mga traders.
Kung nais mo maglevel up sa trading ay pwede mong iavail ang Trade Management Bootcamp namin na parating.
Register through the links below:
Bootcamp 1: https://forms.gle/h3CKcSZGceMaxPL2A
Bootcamp 2.0: https://forms.gle/fNquYsNY66DUERaD9
This is for stock, forex, at crypto traders.
Register through the links below:
Bootcamp 1: https://forms.gle/h3CKcSZGceMaxPL2A
Bootcamp 2.0: https://forms.gle/fNquYsNY66DUERaD9
You must be logged in to post a comment.