Mental Health In Trading (No One Talks About This)
Kapag usapang mental health ay andaming umaatras na agad.
Parang taboo topic ng conversation ang mental health pagdating sa trading.
Sa lahat halos ng profession, ang trading ay isa sa may malaking changes sa mental health mo once pinasok mo.
Kapag naging trader ka na ay nagkakamood swings ka out of nowhere.
May times na sobrang energetic mo at may times naman na ayaw mong magsalita or mamansin.
At times you feel emotionally flat or disconnected, other times overstimulated and restless.
Kumokonti ang friends mo kasi hindi ka na nakakarelate sa kanila.
You are always on your cellphone or computer.
Lahat ng changes na nangyayari sayo ay pinagdadaanan, pinagdaanan at pagdadaanan ng mga traders.
Di lang napag-uusapan palagi kasi parang taboo siya na topic.
Yan yung parang cost of trading.
Roller coaster kasi ang emotions sa trading kaya malaki talaga ang chance na maaapektuhan ang mental health mo.
Sa mga students namin ay ginawa namin ang Trade Management Bootcamps para maassist sila mentally and emotionally pagdating sa trading.
You can give it a try.
If you avail now ay may kasamang Daily Dose as Freebie!
Avail it here: https://forms.gle/PVbv72yQYSYJyExT6
Ang hirap kasi talagang imanage ang mental and emotional side ng trading.
Kapag nananalo ka ay you feel really really good tapos kapag naman natatalo ka ay you feel really really bad.
Extremes palagi.
Kapag hindi mo namanage ng maayos over time ay talagang magkakaroon ng panget na changes sa mental health mo.
Kahit nga ang mismong katawan natin kapag nasubject sa extreme cold tapos extreme na init ay nagkakasakit.
Yung glass nga nagkacrack kapag naeexpose sa extreme na opposite temperature.
Kung nanonotice mo na mentally ay hindi ka na okay dahil sa trading ay take some breaks.
Do not give up pero give yourself some time na makahinga.
Di naman aalis si market.
Kung nababasa mo ito ay take time and assess your mental health as a trader.
Baka di mo nanonotice na napapabayaan mo na pala.
I hope this blog helps you.
May you trade well.