MPI SAGA
I have discussed MPI to my TDS students last week at napaliwanag ko na din almost lahat ng take.
Its my turn to at least educate those that are reading my blogs about MPI.
Disclaimer lang na lahat ng nababasa at mababasa mo sa blogs ko ay opinion lang aside doon sa mga may link ako ng news or picture ng facts.
I have no MPI shares so I am looking at it objectively.
Okay lets discuss.
ANO MERON KAY MPI?
Naglabas ng disclosure si MPI na may plan sila magpadelist at ang tender offer na plan nila ay 4,63 pesos.
BAKIT NAGING BIG DEAL ITO?
Naging big deal ito kasi si MPI ay part ng PSEI meaning nabelong siya sa top 30 strong stocks sa PSE.
Meaning marami ang nag invest sa kanya. Umabot ang price ni MPI sa 7 pesos plus kaya to some ay hindi fair na 4.63 pesos lang ang tender offer.
Some ay mentioning Book Value pero I don’t think kasama ang Book Value sa kinoconsider when you talk about fair value in terms of giving tender offers.
The book value is what the business’s shareholders would theoretically get if the company was liquidated.
FIRST TIME BA MAY GANITO?
Nope.
Nangyare na ito kay EDC noon.
Ang kinaiba lang sa EDC ay 7.25 pesos ang tender offer nila while last traded price ng EDC at that time was 4.95 pesos
Read news here: (https://www.bworldonline.com/editors-picks/2018/08/09/179159/edc-delisting-from-phl-stock-exchange/)
Umangat ang EDC after ng disclosure about tender offer noon.
Now, you also need to factor in kung nasaan ang market noon at bakit 7.25 pesos ang naging “fair value” ng tender offer.
Para simplehan ay ganito.
Mataas ang price ni EDC months bago ang tender offer kaya ang volume weighted average price na nakuha nila ay mataas din.
Sa case naman ni MPI ay mababa ang price nito months bago ang disclosure ng tender offer kaya if volume weighted average price ang pagbabasehan which yun naman kadalasan ay mababa talaga.
Now, hold that thought.
Hold it….
Most ng investor na may mataas na average ay bumili or nakabili years and years ago pa.
Meaning nakakuha na sila ng maraming dividends din.
If mataas ang average mo ay iisipin mo talaga na unfair and you might ignore the tender offer. We will talk about that more later on.
Now, according sa MPI ay 22% premium pa nga ang 4.63 since below that pa ang price ng MPI bago ang disclosure.
.The consortium intends to buy out minority shareholders of MPIC owning a 36.6% stake at P4.63 per share or a 22% premium over its average stock price.
Heto ang news: (https://www.bworldonline.com/corporate/2023/05/01/520054/mpic-shares-rise-after-its-plan-to-go-private/)
WHAT HAPPENED TO EDC?
Nadelist ang EDC and since part siya ng PSEI at that time ay may pumalit sa kanya.
RRHI ang pumalit.
Heto ang news: (https://business.inquirer.net/237511/rrhi-join-psei-replacing-edc)
Bakit ko namention?
Since advanced mag-isip ang mga traders at brokers ay inisip na nila agad sino ang papalit kay MPI kaya umangat si BLOOM.
Marami nagsasabi na si BLOOM ang may malaking chance pumalit kay MPI. Me iilan na si NIKL daw or CNVRG.
Zero opinion ako sa kanila kasi di ko alam if sino papalit sakaling matuloy ang pagdelist ni MPI.
Trader lang din ako at wala naman ako inside information at hindi rin ako analyst.
ACCEPT TENDER OFFER OR NOT?
Aaccept mo ba nag tender offer or not? It’s up to you but let me tell you informations para magamit mo sa pagdecide.
If aaccept mo ang tender offer ay kadalasan may lalabas yan na parang banner sa taas ng home page ng trading account mo especially if col ka during the tender offer dates. If wala ay icontact mo ang broker mo agad and let them know na aavail ka tender offer.
If ayaw mo naman mag avail ng tender offer ay wala ka nang kailangan gawin.
Now, if ever hindi ka aavail at madelist ang MPI ay medyu mahirapan ka magbenta ng shares mo.
Mahirap pero hindi naman impossible.
Syempre electronic shares ang hawak mo since online broker gamit mo so kailangan iconvert mo yan sa stock certificate sa broker mo. then pupunta ka sa stock transfer office ng MPI para magcomply sa process ng pagbenta. Yan at iba pang process na kailangan mong gawin para mabenta ang share ng delisted na company kasi private na sial at di na public.
NASURPRISED KA BA KAY MPI?
Well, simula pa lang ng taon ay marami nang balita na plan na nila talaga magpadelist.
Read here: (https://mb.com.ph/2023/01/13/mpic-is-considering-delisting-from-pse/)
UP IN THE AIR INFOS
Kailan madedelist?
Yun na ba ang tender offer price or may chance pa tumaas?
The delisting was unanimously approved by the firm’s board on April 26, 2023, subject to compliance with regulatory requirements.
We will yet to see ano ang final verdict but may idea ka na ano ang gustong mangyare ng MPI at anong price ang plan nila na Tender Offer.
COMMON QUESTIONS
Okay pa ba bumili kay MPI?
Para sakin I’d rather buy other stock since madami pa naman stocks aside kay MPI.
More than 250 stocks pa pagpipili.an mo kaya wag mo isipin na MPI lang ang pwede mo pagkakitaan.
Di nauubusan ng opportunity ang stock market.
Pwede pa bang ihold kung mababa average kasi baka umakyat pa?
Well, if mababa average mo kesa sa planned tender offer price parang no brainer naman na sa tender offer ka magdispose or if umangat pa more kesa doon sa price action.
Okay ba wag mag avail ng tender offer?
I do not see any upside dito. If major stock holder ka syempre ibang usapan yun kasi malaking bagay sayo ang mataas na price at hindi hassle magprocess since me mga tao ka naman for that but if retail trader ka tapos hindi ka aavail ng tender offer ay parang hassle magprocess plus I know a lot of traders na di nag avail tender offer ng mga nadelist na stock na hirap na hirap silang ibenta kahit pa nacocomply nila mga requirements.
This is totally up to you. If sa tingin mo okay mag avail edi go for it and if sa tingin mo hindi oka na di mo iavail ang tender offer then go for it.
Wala akong MPI so I cannot tell you what I would do.
I hope nakatulong ang mga info sa blog na ito sayo.
Kung nakatulong yan sayo ay lalong makakatulong ito sayo.
Yan ang latest book ko called Maduming Merkado 2: How to recover your trading losses.
Maduming Merkado 2.0 gives you specific guides and steps paano marecover ang losses mo sa trading.
It also contains ideas, tips, secrets and tactics pagdating sa trading.
If nagpaplan ka magstart over or at least naghahanap ka ng paraan na marecover ang talo mo or mas magkaidea ka about losses and paano sila madeal properly ay para sayo ang book na ito.
This is a cheaply priced book compared sa value na makukuha mo sa nilalaman nito.
You can avail it here: bit.ly/427wMmk
You must be logged in to post a comment.