Blog

MPI: Things They Do Not Want You To Realize!

The best thing about my blog is that you get an opinion from someone na nagtitrade talaga at may decades of experience na sa trading.

I’m not trying to brag kasi wala naman kabrag brag sa pagiging trader.

Field ito kung saan almost every other trade eh you feel stupid sa mga losses.

Yung pinupunto ko is may mga observations ka as a trader na iba doon sa hindi nagtitrade.

Tapos na ang drama ng MPI VS GSIS..

If namiss mo ay heto ang blog ko about it:

MPI VS GSIS

MPI VS GSIS PART 2

Hindi public ang shares na nakuha ng GSIS at plan nila magstay as holders even after delisting of MPI.

Wala nang sagabal sa pagdedelist.

Now MPI disclosed this via material disclosure:

Basically ay iniextend nila ang offer period.

Ang unang offer period expires at September 7 pero ngayon ay September 19 na.

End ng tender offer period ay Sept 19.

Fafinalize nila ang number ng nagtender at ipreprepare ang papeles at pagbayad by Sept 26.

Eight days after closing date ata ang cross date if I’m not mistaken. They cross the tendered offer shares through PSE.

Babayaran nila ang mga nagtender by September 28.

Bakit Ngakaroon Ng Extension

Para mabigyan ng pagkakataon na makapagtender ang ibang retailers na may hawak ng MPI shares na hindi nakapagtender or yung mga nagdalawang isip dahil sa mga moves na ginawa ng GSIS.

“Nadelay ang bayad samin.”

I can see some traders na magcocomplain ng ganito pero balikan mo ang mga past stocks na nagpadelist and marami kang makikitang retailers na hindi nakapagtender ng kanilang shares na panay request ng extension and sadly hindi napagbigyan kaya hirap na hirap sila ibenta ang shares nila outside PSE.

GSIS was very aggressive sa ginawa nila kaya talagang hindi muna din nagtender yung iba thinking na magcacave ang MPI at tataasan pa ang tender offer price.

Sa point of view ko ay okay na din na niextend nila ang tender offer para mabigyan ng chance yung mga hindi pa nakatender especially ang mga retail holders na OFW.

IISANG DEADLINE

I have accounts on different brokers and matatawa ka kasi although September 7 ang original closing date ng tender offer ay may kanya-kanyang version ang mga brokers ng deadline sa pagtender.

Merong broker na September 1 ang deadline niya. May September 6. May September 3.

Narealize Mo Ba?

The first time na nagsabi ang MPI na magpapadelist ito ay sobrang daming umalma mula sa mga analyst, fund managers, brokers, etc.

They all wanted a higher Tender Offer.

Meron pa nga nangampanya na wag daw magtender ang retail trader.

BUT…

Heto ang big BUT…

None of them did anything.

Look at GSIS.

As weird as their action was eh may ginawa sila para mapigilan sana ang pagdedelist.

Lahat ng nagcomplain na may capacity kumuha ng kumuha ng shares ni MPI para di matuloy ang pagdedelist ay walang ginawa.

Yung iba anlalakas pa magreco kay MPI few years ago.

Tandaan mo itong nangyare kay MPI kasi one day ay magkakaroon ulit ng mga ganitong instances at wag kang umasa na aakayin ka ng broker mo or nino man na nagcocomplain kasi more or less ay ikaw yung parang pawn sa mga ganitong laro.

Hold Your Investment

Hahaha! I’m a retail trader kaya alam ko ang iniisip ng iba sa inyo.

“Naghold nga ang GSIS kaya hohold din ako.”

“Magstay nga ang GSIS after delisting kasi maganda ang MPI kaya ako din.”

Yung pagiging investor mo through PSE is way way way different kapag naging private na ang MPI.

Night and day yan.

Wala kang access sa kahit ano jan.

Di mo alam ang income statement at ang hirap magka access. Di mo alam ang ginagawa nila especially kapag maliit lang naman investment mo.

Ang hirap mo pang maibenta yung shares mo na yan.

I highly urge you na magtender na lang kesa dumaan sa napakalaking headache.

Marami na nagtry ng itatry mo sa ibang delisted na companies.

Most if not all sila ay nagsisi sa hassle na nangyare.

Walang PSE na makikialam at somehow maglolookout sa iyo.

Wala din mga rules gaya nung sa PSE na susundin ang mga private companies.

The mere fact nga na nagpadelist sila tapos binibili shares ng public eh malaking sign na yun na ayaw ni MPI sayo as a shareholder.

Well, not sayo specifically kasi hindi ka naman nila kilala but sayo bilang public as a whole.

I’m currently sitting on a 2.7 Million pesos profit.

Totoong profit at hindi pascreenshot screenshot lang ng percent gains.

May mga totoong 7-digit withdrawals ng gains kasi nga hindi drawing.

I made this earnings and withdrawals dahil sa tamang trading approach.

If you want to learn proper trading approach ay may 6 days ka pa to join us on TDSI Batch 4.

We mentor traders to learn and trade global market such as forex, crypto and US stock market.

Learn how to trade forex, crypto or US stock market properly with us.

Avail it here: https://bit.ly/3E0bA8v

Heto ang result ng mga dating nagjoin.

(https://blogs.tradersdenph.com/kikita-ka-ba-talaga-kapag-sumali-ka-sa-tdsi-mentorship/)

Heto ang interviews ng mga nakagraduate na.

DO NOT MISS OUT!

You deserve to at least try!

Proper trading approach made it possible for us to earn these:

Trading is risky and dangerous kapag mali ang approach mo but rewarding ito ng sobra kapag tama ang approach mo.

You can succeed in trading at pwede ka naman din magfail but at least you had the opportunity to at least try.

You deserve that chance to try.

Try it now! REGISTER HERE: https://bit.ly/3E0bA8v